Ang mundo ay punong puno ng misteryo, karamihan dito ay wala pang malinaw na dahilan. Kung saan ito nagmula at bakit ito nangyayari.Jane Nicole Ortega, ang ngalan ng ating pangunahing tauhan. Isa syang Senior High School student (grade12), ang kanyang strand na kinuha ay ABM o (Accountancy, Business and Management).
Papalapit na ang pasukan ni Nicole kaya nais nitong mamili sana ng kanyang mga kagamitan para sa unang semester. Ng matapos sya sa paglilista ng kanyang bibilhin dumiretso na ito sa sakayan ng jeep papuntang palengke.
Nasa kalagitnaan na ito ng pamimili ng gamit ng may mamataan itong shop o mas magandang sabihing ukay-ukay. Dahil sa kuryosidad naisipan nyang tumingin tingin, dahil may extra naman itong ipon kung sakali.
Papasok na sana sya ng may humugot sa kanyang braso. Isa itong matandang kuba, nagulat ito at sinubukang alisin ang pagkakahawak. Pero bago pa man maalis ito biglang nagsalita ang matanda, "Mag-ingat ka sa mga bagay na iyong bibilhin dahil maaari mo itong ikapahamak." Naguluhan si Nicole kaya nginitaan na lamang nya ang matanda at dumiretso sa loob.
Habang nasa loob ito, ang matanda ay nagsalita muli. "Ang pagsuway mo sa isang babala ay may kahahantungan, binalaan na kita ngunit matigas ka parin." At tuluyan na nga itong umalis sa lugar.
Habang nagiikot si Nicole, may nakita itong puting sinturon. Tila ba may kung ano rito at namalayan na lamang nya na itoy kinuha nya sa pagkakasabit at agad pumunta sa nagtitinda.
"Magkano po ito ale"?. Ang wika ni Nicole sa tindera. Namalayan nyang hindi sumasagot ang tindera at tila natakot at natulala ito sa sinturon.
"Sayo na yan iha, ayaw ko ng makita pa iyan dito." Natatarantang wika ng ale na syang ikinataka ni Nicole. Tinitigan nya ang sinturon at wala naman sya nakita kung ano dito na nakapagpatulala sa ale. Nagtataka ito dahil sa inasal ng tindera pero sa bandang huli nagpasalamat na lamang si Nicole sa ale at lumabas sa shop.
Naghanap si Nicole ng fast food chain sa paligid at swerte naman na meron dito. Ang tunay nyang pakay ay ang mag CR, hindi nito balak bumili, natawa sya sa kanyang kalokohan. Ng matapos itong umihi ay nanalamin ito at naisipang itry ang sinturon na kanyang nakuha ng libre. Tila ba feeling nito na sya ay sexy at maganda, kaya hindi nya na ito inalis pa.
Hindi alam ni Nicole na mag-uumpisa na ang masalimuot at nakakatakot nitong karanasan.
Habang naglalakad napansin nya na nasa tahimik at madilim na parte na sya ng daan pauwi sa kanilang bahay ng may nakasalubong itong babae, sa tingin nito ay parang kaedad lamang nya. Napansin nyang nakatingin ito sa kanyang bagong sinturon. Hindi nya ito inalintana at agad na nagpatuloy sa paglalakad, pero natigilan sya dahil hinablot ng dalagita ang kanyang kamay at pilit na hinubad ang sinturong suot ni Nicole. Tila ba sinapian ito ng kung ano, "Akin na ito, mas bagay ito sa akin". Ang wika ng babae.
Hinawakan ni Nicole ang kanyang sinturon kaya hindi nya namalayang sisipain na pala sya sa paa ng babae kaya natumba ito. Agad nakuha ng babae ang puting sinturon at tumakbo.
"Ang bilis ng pangyayari." Nanghihinang sabi ni Nicole. Nanghihinayang sya sa sinturon pero mas importante sa kanya ang kanyang kaligtasan. May topak ata yung babae na yon ang sabi na lamang sa isip ni Nicole at nagpatuloy sa paglalakad pauwi sa kanilang bahay.
------------------------------------------------------------,
Sa kabilang banda, hindi alam ng dalagita na dahil sa ginawa nyang iyon ay maaring magwakas ang kanyang buhay. Ng sa tingin na babae na malayo na sya at hindi na maaabutan ni Nicole ay tuwang tuwa nyang isinuot ang puting sinturon.
Habang sinusuot nya ito biglang umihip ng malakas ang hangin. Hindi nya ito inalintana at nagpatuloy sa paglalakad sa madilim na kalye.
Nakaramdam ng sakit sa bewang ang dalaga at ng subukan nya itong hawakan. Nagtaka sya dahil sa dugong nagkalat sa parteng iyon. At nagulantang na lamang ito dahil unti unti sumisikip ang sinturon na talagang nagbigay sa kanya ng matinding sakit, unti-unti naring nababali ang kanyang bewang. Nagsisigaw sigaw ang babae at hindi alam ang gagawin. Dahil sa liblib ang lugar ay walang mahanap ang babae na maaaring tumulong sa kanya. Namatay ang babae na putol ang bewang na para bang isang manananggal.
Kinabukasan.....
/OshOweYou/
BINABASA MO ANG
Bloody Belt
Mystery / ThrillerIsang pangkariwang kasuotan na ginagamit ng mga tao. Isang kagamitang magbibigay kababalaghan sa lahat ng magnais gumamit nito. Nakakaakit kung tignan, Nagbibigay kasiyahan sa taong magtatangkang itoy suotin. Ngunit sa kabila ng mga positibong emosy...