READ AT YOUR OWN RISKS.
Luckia
"Luckia, please, please wish me a luck," paulit-ulit na pagbanggit ni Sofia.
Kanina pa ito nang-gugulo sakin, sasali kasi siya sa isang beauty contest sa isang mall show at gusto niyang igoodluck ko siya para sakaling manalo o whatsoever. Nakakainis na, sobrang kulit niya.
"Alam mo naman ikaw yung swerte sa buhay namin diba? Kaya nga Luckia pangalan mo e, Luckia means Lucky hehe."
"Oh, talaga ba?"
"Oo naman kaya sige na."
"Goodluck. Do your best to that day."
Agad naman niya akong niyakap at napa-yes pa. Nag-promise pang ililibre ako kung talagang mananalo siya. Pero ramdam ko na sakanya yung pagkapanalo sa araw na yon. Di na masama malilibre naman ako e. Luckia ipinangalan sakin ni Mama kasi ano, hindi ko alam sakanya. Dahil ako ang unang anak nila ni Papa sinabi na magiging swerte daw ako sa buhay nila.
Which is true, simula daw na ipinanganak ako ni Mama sunod sunod na daw ang mga biyayang dumadating sa buhay namin. Hindi rin namin nakakalimutan na mag-dasal at mag-simba. Religous din kasi family namin. Strikto nga lang si Papa pagdating sakin. May negosyo si Papa na isang carwash, nagbebenta rin ng car parts at accessories. Si Mama naman ay may clothing line.
"Oh Luck, kinulit ka nanaman ni Sofia no?" tanong ni Chloe.
"Sanay na ako don, ginagamit niya naman pang tuition yung napapalo niya."
"Ang bait bait naman ni Luckia, pakiss nga ako," nilapit pa niya pisngi niya.
Tinulak ko naman siya palayo, "Mandiri ka nga Chloe Alisha."
Pinuntahan na namin si Laurine na naghihintay sa labas ng room. Pauwi na kami ngayon, half day lang sa schedule namin. Nag-bebedspace lang kami. Mabuti nga na pinayagan ako ng magulang ko tungkol dito. Ako lang mag-isa sa kwarto ko habang silang dalawa magkasama. Ayos na rin sakin kesa may gumugulo sakin kapag may ginagawa ako.
Paalis na sana kami ng school nang mahagilap ko si Chance sa harap ng tindahan habang may hawak na yosi sa kamay. Eto nanaman tayo sa katigasan ng ulo ni Chance tungkol sa bisyo. Chance pangalan niya kasi may chance pa daw sa lahat sa bagay. My parents are really weird at the same time they're cool.
"Chance, I said stop smoking," agad kong pagbawal pagkalapit sakanya.
"Hi ate Luck, ang ganda mo po," pagsabat naman ni Arthur, barkada ni Chance.
"Thank you but you guys should stop doing that bad habit," ani ko.
"Oo nga naman tol, ganyan kayo tigilan niyo yan," sumali rin sa usapan si Skyler.
"Isa ka rin Skyler, sayo natuto kapatid ko tungkol sa bisyo na yan."
"Ay sorry na," sagot niya.
Inirapan ko nalang siya at binigyan ng masamang tingin si Chance. Nagpeace sign naman ito at tinapon na yung hawak na yosi. Mabuti naman. Tinignan ko naman mga kasama ko na busy sa kanilang cellphone. Nag-abang na rin kami ng jeep at iniwan na si Chance dahil hanggang alas tres pa ang klasi neto.
YOU ARE READING
Blessed
Teen FictionLuckia Ignacio is a lucky girl for the others but for herself? nope and it will never be but not the day she met Blessed.