A Cup of Coffee and You | Oneshot

25 5 2
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

---





Malakas ang hangin. Maingay ang paligid. May mga batang naglalaro kasama ang kani-kanilang matatamis na mga ngiti na tila ba wala silang dala-dala.

Naglalakad ako sa parke na dalawang taon ko nang hindi napupuntahan. Akalain mo nga naman makalipas ang dalawang taon magiging mas maganda ang lugar na ito kumpara nung huli ko pa itong napuntahan.

Bawat tapak, bumibigat. Bawat hakbang, sumasakit. Bawat lapit, bumabalik lahat ng galit. Papalapit na ako ng papalapit. Isa. Dalawa. Tatlo. Dumilim bigla ang langit, parang uulan.

Tanaw ko na ang paborito naming coffee shop. Nanghina ako bigla, gusto kong tumakbo paalis pero nagkukusa ang mga paa ko na lumapit. Bumalik sa akin lahat ng memorya. Natatandaan ko pa, 3rd anniversary natin nun at tulad ng nakagawian, pumunta tayo sa paborito nating lugar, sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala. Ang lugar kung saan tayo nagsimula at ang lugar kung saan din tayo nagtapos.

TANGINA...

Parang kahapon lang, masaya pa tayong dalawa.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya't napatakbo ako sa loob ng coffee shop. Agad akong nakahanap ng mauupuan at umorder ng paborito kong black coffee. Nagsimula akong magbasa ng libro para marelax kahit papaano ang utak ko.

Nasa ganoong sandali ako ng.....

"Alli?" nagulat ako sa tawag na 'yon, pamilyar ang boses na 'yon. Isang tao lang ang tumatawag sakin ng Alli (Alli short-term for Allison). Alam kong siya 'yon pero ayoko maniwala, ayoko siyang makita, parang hindi pa ako handa. Unti-unti akong tumunghay para malaman kung tama ang hinala ko.

"T-tyler." hindi ako nagkamali. Siya nga 'yon.

"It's been awhile. How are you?" nakangiting sabi niya. Kumikirot ang dibdib ko, gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas.

"Ya. Two Years?" tugon ko. Inilihis ko ang paningin ko sa kanya at pinilit na ngumiti.

"Ikaw? How are you? parang mas lalo kang naging gwapo hahaha" dagdag na biro ko.

"Baliw hahaha" tumatawang sabi niya.

"I'm sorry." dagdag pa niya. Napatingin ako sa mga mata niya nang marinig ko ang dalawang salitang iyon.

Ngumiti nalang ako bilang tugon.

"I'm sorry because I cheated on you." nakatungong sabi niya.

"Natatandaan mo pa ba?" natatawang sabi ko.

"Alin? Yung natapunan ng kape yung paperworks mo? tapos umusok ang ilong mo sa galit dahil ilang araw mong pinaghirapan yun? hahahaha." tumatawang sabi niya.

"Hahahaha kung hindi ka naman kasi lampa hindi mo mabibitawan yung kape mo." tumatawang sagot ko.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi ko namalayan na tanggal na pala ang sintas ng sapatos ko kaya natisod ako? hahahahaha" tumatawang sabi niya. Pinagmasdan ko lang siya at...

"Why did you cheated on me?" nagulat siya sa tanong ko at huminga ng malalim.

Walang nagsalita sa aming dalawa. Tumingin ako sa labas, tumitila na ang ulan. Magpapaalam na sana ako....

A Cup of Coffee and You | OneshotWhere stories live. Discover now