A/N: Nais ko lang ipabatid sa lahat ng mga makakabasa ng akda kong ito na ang aking bida ay isang Batangeño...kuno! Dahil dito, ang mga lenggwahe at punto ng pananalita ay nakabase din sa kung papaano ito binibigkas ng mga Batangeño upang mas maiparating ko ang damdamin na nais ihayag ng aking akda. Ang panulat kong ito ay isang pormal na akda at ang mga maling spelling ng ilang mga salita ay aking sinadya at hindi typographical errors lamang upang maisunod sa punto ng pananalita ng aking bida.
WHEREVER YOU ARE – Official Entry TSIYWIOSSSMC ROUND #6
(Adbentyur ni Boogerman)
“♫ For a while we pretended ♪”
“♫ That we never had to end it ♪”
“♫ But we knew we’d have to say goodbye ♫”
“♫ You were crying at the airport--- ♫”
“Epok! Epok! Ang aga-aga! Kung makasigaw ka nanaman ng kanta mo riyan ha! Bilisan mo at tanghali na tayo! Bubwisitin mo nanaman ako ha!”
Aba ey sino gang gustong bwisitin siya? Hindi ga ang sarili niya laang din naman? Kay aga-aga namang armalite nare.
Ang boses palakang iyon ay ang aking mahal na si ina...ang reyna ng mga bungangera! Pero kahit na gay-an iyan, iya’y mahal na mahal ko rin naman. Ako nama’y ala ng pagpipilian ey!
KA-BLAG! Kung makasipa naman are ng pinto ala ey wagas!
“Hoy Epok Magalpok! Ano nanamang tinitingnan mo riyan sa salamin? Aba aba naman! Alalahanin mo na kababasag mo lang ng isa noong nakaraang araw ha! Isinusuka ka na ng salamin kaya nag-su-suicide na sila at nagpapakabasag nalang, ‘wag ka lang makita ulit!” Aba ey sadyang kay taray ng ina kong are. Dangan kasi ey Martang mataray kung tawagin siya dine sa aming looban...haya’t pinanindigan!
Ala na siyang ibang gustong bulyawan kundi ako. Aba ey ako kasi naman areng anak niya na hindi pinapatulan ang kaniyang pagka-bungangera. Ay ewan ko ba naman kasi kung bakit ga nangabasag iyong ilang salaming ginamit ko...palagay ko’y hindi kinaya ang aking kagwapuhan!
“Epok tama na ‘yan please lang ha, tatamaan ka na sa akin! Hindi naman na mababago ‘yang itsura mo anak e! Kahit mabasag nanaman ‘yang salaming ‘yan ay ‘santumpok na kulangot na tinubuan ng mukha pa rin ang itsura mo! ‘Lika na ... isa!” Aba ey kay dunong naman ng ina kong are! ‘Santumpok na kulangot na tinubuan ng mukha? Aba ey kay sakit namang magsalita ey! Ayaw naman kasi nareng magtitingin sa salamin nang makita niya laang sana na sa kaniya ko naman nakuha ang pagmumukha kong are!
“Ala ey ina, halika na nga muna po dine sa salamin...” mahinahong yaya ko sa aking madaldal na ina. Nais kong iparating sa kaniya nang diretso ang mensahe ng salamin!
“Bakit? Anong problema?” Ala ey kung makapa-meywang ey wagas na wagas!
“Aba ey titigan n’yo gang mabuti ang mukha nating dalawa dine...ano gang nakikita n’yo?” Aba ey sinipat niya rin ang salaming ibinigay ko sa kaniya. Lintek ang pag-titig niya sa pagmumukha naming dalawa!
Ala ey parang nagulat si ina sa kaniyang nakita! Mukhang ako’y nagtagumpay!
“Nakikita ko ang pangit mong mukha na mukhang kulangot!”
“Aba ey titigan n’yo gang mabuti kasi...hindi ga para tayong pinag-biyak na kulangot, ano po? Ano po bang inyong kuro-kuro at pala-palagay riyan ina?”
BINABASA MO ANG
WHEREVER YOU ARE (Adbentyur ni Boogerman) - Official Entry TSIYWIOSSSMC Round 6
Short StoryOFFICIAL ENTRY TSIYWIOSSSMC ROUND 6 Kapag hero ka, hindi mahalaga kung anong klaseng powers meron ka! Kahit masagwa o nakakadiri pa yan! Ang mahalaga, nasa iyo ang kabutihan ng puso at ang tapang na suungin ang akala mo'y hindi mo kaya!