Prologue

4 0 0
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. The names, places, characters, businesses, and incidents are all based on author's imaginations. If there's any resemblance to actual persons, characters, businesses, places, and incidents are purely coincidental.

This my first time to write a fictional story so if you have a high standard, this story isn't for you.

(This story is unedited that's why there are many grammatical errors.  Read at your own risk)

Happy reading!

-

Kasalukuyan akong nag-lalakad ngayon pauwi sa bahay at iniisip kung saan ako kukuha ng pang tuition ko next sem. Finals na namin next week at wala pa rin akong nahahanapan na pagkukunan ng pera.

Kinapa ko sa bulsa ng bag ko yung susi ng makarating ako sa apartment na inuupahan lang namin. Patay ang ilaw kaya alam kong walang to dito. 

Magtitimpla sana ako ng kape kaso pagtingin ko sa garapon ng kape at wala ng laman. "walastik na 'yan" bulong ko sa hangin at naglinis nalang ng buong bahay dahil iniwanan na naman ni kuyang madumi dito.

Maliit lang itong apartment na tinutuluyan namin dahil dalawa lang naman kami ni kuya na nakatira dito. Isang maliit na kwarto lang ang mayroon dito na mayroong isang double deck na kinakalawang na sa kalumaan pero deadma na, ayoko matulog sa sahig no! 

Pagkatapos ko na malinis ang buong apartment ay nagluto na ako ng hapunan namin ni kuya dahil maya maya lang ay nandyan na yun. "Pakshet wala na naman laman ang ref bukod sa tubig" 

Hindi ko rin ma gets kung bakit sinasaksak pa 'to e, wala namang laman. Tatlong piso lang naman yung yelo kung gusto uminom ng malamig. hays!

Kinuha ko ang wallet ko para sana bumili ng de lata kaso 200 pesos nalang ang laman at allowance ko pa yun ng isang linggo. Jusmiyo marimar! bahala na nga!

Paglabas ko ay nakita ko agad si Matt na nakatambay sa tindahan ni Aling Gemma. "Oy, Ely"

"Oy ka din!"

"sungit naman nito kaya wala kang jowa e"

"e ikaw, friendly na wala pa ring jowa" dinilaan ko pa siya para mas lalong maasar

"dami mong alam"

"sana ikaw din"

Bestfriend ni kuya 'tong si Matthew na nakatira rin sa apartment na inuupahan namin at walang ibang ginawa kundi asarin ako. Feeling ko nga crush ako nito e, heart ng heart kasi sa mga story ko sa facebook hehe.

Nag saing agad ako at ginisa ko yung sardinas na binili ko para maiba naman palagi nalang may miswa e o di kaya may itlog e. Kasawa ew! 

Mga ilang minuto lang ay dumating na si kuya galing school. 4th year college na siya kaya konting kembot nalang pak! makakakain na rin ako sa mga restaurant na mamahalin, nakakasawa kasi sardinas baka sa mag susunod, may hasang na rin ako.

"Nandyan kana pala, kuya"

"May pasalubong ako sayo, Elyzabeth"  napatingin ako sa supot na dala niya na alam kong isaw ang laman dahil paborito ko 'yon  "may raket ako kanina kaya nakabili ako. Sawa na rin ako sa sardinas"

"Kahit ako e, nangangati na nga ako e hahaha"

Naghain na ako para makakain na kami ni kuya dahil alam kong gutom na 'to.

habang nakain kami ay bigla niyang nilabas ang wallet niya at kumuha ng pera at inabot sa akin "pang tuition mo" napatingin ako sa kanya na parang naguguluhan dahil hindi naman niya alam na wala akong pambayad dahil sabi ko ay ako na ang gagawa ng paraan para doon. 

"Kuhain mo na, hiya ka pa"

"Paano mo naman nalaman na wala akong pang tuition, aber?"

"Dati akong manghuhula"

"Salamat, Kuya. The best ka talaga kaya ikaw pinaka paborito kong kuya e"

nagulat ako ng pinukpok niya ako ng kutsara sa ulo "wala ka namang ibang kuya"

 Pagkatapos namin kumain ay naiwan ako dito sa lamesa habang si kuya ay natulog na dahil pagod at inaantok na daw siya.

habang nag s-scroll ako sa news feed ko sa facebook biglang nag pm sa'kin si Gwen

Gwendolin Sebastian: 

Hoy, Ely. Baka gusto mo raket? reply ASAP.

Elizabeth Romero:

ASAP

Gwendolin Sebastian:

Gago amputa

Elizabeth Romero:

 Ano ba yun? legal ba 'yan? Isusumbong kita kay kuya kapag binugaw mo ako para                                hindi kana niya magustuhan.

Gwendolin Sebastian: 

  Bobo kaba? bakit ko naman ibubugaw ang future sister in law ko? ksksks. Pero eto nga, naghahanap ng writer yung  company ng kaibigan ni Mommy. Try mo kasi balita ko gagawing series yung mapipili nilang story. Sayang naman yang galing mo sa  pagsusulat.  Best in creative writing LOL

Elizabeth Romero:

Pag-iisipan ko, final exam na namin next week e. Daming magagaling, di ako mapipili nyan



Pinatay ko na ang cellphone ko at nagsimula nang mag review dahil final examination na namin next week. Kinginang Math kasi 'to mukang dito na talaga ako maliligwak.

-

"Ano? ayaw mo ba i-try mag submit ng story mo?" tanong ni Gwen habang nandito kami sa kwarto niya. Mayaman 'tong sila Gwen, may sarili silang company plus only child si gaga. 

SANA ALL

"Baka mamaya gumawa ako. Pwede bang magpahinga? napudpod utak ko sa exam kanina sa Math leche. Journalism ako pero potek bakit may Math?

"Jusko paano pa kaya sa aming mga engineering students? 1st year palang tayo pero mukang mamamatay na ako"

"Pinili mo 'yan diba?"

"Pinili nila Mommy for me"

"Edi pasagutan mo sa kanila 'yang algebra mo"

"Sa aking nga walang time e" biglang umiwas ng tingin si Gwen. Bobo ko naman, dapat pala hindi ko na sinabi.

"Buti nga sayo walang time, sa akin wala talaga"

Lumaki akong walang kinagisnang ina. Si kuya lang ang meron ako. Sabi ni kuya ay namatay dahil ang nanay namin noong isang taon pa lang ako dahil sa naaksidente at iniwan naman kami ng tatay namin noong apat na taon ako dahil may iba na siyang pamilya.

Simula noon ay kami nalang ni kuya ang magkasama at napaka swerte ko dahil hindi niya ako pinapabayaan.

-

Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si kuya na natutulog na. Kinuha ko ang laptop na niregalo sa akin ni kuya nung 18th birthday ko last year dahil naaawa na daw siya sa akin sa pag renta sa computer shop tapos ang asim pa ng headset nila.

Nag log in ako sa website ng L&J Company na sinasabi ni Gwen para magpasa at mag baka sakaling mapili. 

Pinasa ko yung story na sinulat ko 1 year ago para sa culminating activity namin noon sa Creative Writing noong Senior High ako.








ParallelWhere stories live. Discover now