Nakatambay kami ng mga classmates ko dito sa cafeteria dahil absent na naman yung professor namin kaya 2 hours kaming tambay."Tara cutting nalang, isang subject nalang naman e" pagyayaya nitong si Jillian na buryong buryo na dito.
"Tapos gusto mo ng uno na grade?" Pambabara naman nitong si Cassandra kaya naghabulan sila sa buong cafeteria na parang mga bata.
Naiwan naman kami nila Jeremy at kristoff dito sa lamesa habang naglalaro sila ng ML.
So ang ending, wala akong kausap. Ang galing!
Kinuha ko ang binder ko at nagdrawing nalang ako ng kung ano ano sa likuran nito. Naisipan kong mag flames haha. Noong Elementary kami ay usong uso ito, e.
Ita-try ko lang kung forever na kami nung ultimate crush kong si Lyndon na simula Senior High ay bet na bet ko na. Hindi naman niya ako kilala at wala naman akong balak na magpakilalala. Okay na akong tinitignan siya sa malayo dahil alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan. Friend request ko nga 'di manlang i-accept. Napaka damot!
F L A M E S
E l i z a b e t h C y R o m e r o - 8
L y n d o n V i l l e n a - 8
Lovers?
Lovers?Kinikilig ako kahit hindi naman totoo. Mahilig talaga ako mag-sulat ng mga fictional stories to escape from reality. 'Yun na yung naging hobby ko since mala fairy tale naman ang storya ng buhay ko. Charing!
I want to be a famous writer someday. Masaya ako kapag nagsusulat ako, saya na hindi matutumbasan ng kahit ano. Ganern!
Nang matapos maglaro sina Kristoff at Jeremy ay nagyaya silang kumain ng siomai rice sa tapat ng builiding namin. Mura kasi dun at sobrang sarap. 30 pesos lang ay busog kana.
"Arat na, gutom na ako e" reklamo ni Kristoff na mukang gutom na gutom na nga. Niligpit na niya ang mga gamit niyang nasa lamesa.
"Patay gutom ka kamo" Dagdag pa ni Jillian. "Mapupurga na ako sa siomai rice nila, kaya lakas ng toyo ko, e."
"Feeling may toyo, nababasa mo lang naman sa fb 'yan kaya may toyo kana. Ew feeling" pang-aasar ko sa kanya para mairita siya. Pikon kasi 'to e.
"Songs, bro"
"Anong songs, bro?" Nagtatakang tanong ni Kristoff kay Jeremy.
"Awit, pre. Ang bobo ampota"
Natatawa ako sa asaran naming lima, pare-parehas mga bobo e. Actually anim kami kaso may bulutong si Kian. Goodluck sa mga peklat niya haha. Kaya minsan iniisip ko na ang malas ko, pero kapag naiisip ko si Kian na may bulutong, I'm so blessed pala.
Matapos ang huling klase namin ay didiretso na sana na ako pauwi sa bahay pero naisipan kong dumaan muna sandali sa SM para maglakad lakad at maghanap na rin ng ireregalo ko kay Gwen dahil birthday niya sa susunod na buwan.
Kababata ko siya, halos sabay na kami lumaki pero nagkalayo lang kami ng lumipat na kami ng bahay dahil nga pinalayas kami dati sa tinitirahan namin dahil hindi nakabayad ng upa. Nasa Cavite siya nakatira ngayon samantalang ako sa Las Pinas. Hindi naman ganoon kalayo pero hindi kami agad agad nagkikita dahil nga busy din kami parehas.
Gusto kong bumawi sa lahat ng mga ginawa niya para sa akin kaso hindi ko naman siya mabilhan ng mamahaling mga regalo. Ako nga yung bag ko ay tatlong taon na sakin at ilang tahi na ako dito, potek!
YOU ARE READING
Parallel
خيال (فانتازيا)She's Elizabeth Cy Romero, a Journalism student who loves to write fictional stories to escape from reality but what if all of sudden she accidentally enter the world she created and she fell in love with his main character, Kyle Elion Suarez?