Message in a Bottle
One-shot storyMessage #1
"Dani, mahal na mahal kita. Miss na miss na rin kita. Kung sana nabubuhay ka lang, masaya sana tayong namumuhay ngayon. Sana maging masaya kung nasaan ka man ngayon. Balang araw, magkakasama din tayo ng anak natin. Mahal na mahal kita."
Luke
Naiiyak na naman ako. Kasi naman ih. Kanino ba 'tong letter na nakita namin ni Andeng sa dalampasigan? Nakalagay pa siya sa bote na may takip.
"Oh Dina, umiiyak ka. Bakit?", napapunas ako ng luha sa mata ko.
"Heto po, inang", sabay abot kay Inang nung letter at bote. Nakita kong binasa niya yon at napatingin sa'kin.
"Naku, saan mo naman ito nakita?", tanong ni Inang matapos niyang basahin yung letter.
"Sa may dalampasigan po namin yan nakita ni Andeng Inang", pagpapaliwanag ko.
"Oh siya, magbihis ka na at dumating na ang anak ng Mayor natin dito sa bayan", sabi ni Inang sabay lagay ng letter dun sa bote at tinakpan. Nilagay niya lang ito sa mesa. Lumapit ako r'on at nag-isip. Sino naman kaya si Luke? Ipinagwalang-bahala ko nalang at nilagay ito sa ilalim ng kama ko.
Dali-dali akong nagbihis ng pinakamaganda kong damit. Sinusuot ko lamang ito tuwing Linggo. Ito lang kasi ang damit na nakayanan ni Inang na iregalo sa'kin noong nakaraan kong kaarawan.
Isa pa, anak ni Mayor Rafael ang dumating. Galing raw 'yon sa Maynila noong isang araw. Balita ko nga, namatayan siya ng dapat niya na sanang mapangasawa.
"Dina! Bilisan mo magbihis at baka mahuli tayo sa salu-salo"
"Opo, Inang!", dali-dali akong nagsuklay at nag-ayos ng buhok. Naglagay din ako ng polbo at handa na ko. Si Inang kasi ang kasambahay nina Don Rafael kaya't imbitado kami sa salu-salo.
"Dina, napakaganda mo naman ngayon", bati sa'kin ni Philip, kababata ko.
"Naku, nambola pa. Baka mausog ako niyan ah!", napatawa kaming dalawa.
"Oo nga pala't kasama kayo ni Tiya Isabel sa salu-salong inihanda ni Don Rafael. Napakasuwerte mo! Kung hindi lang sana umalis si Inay kina Don Rafael, eh di sana, kasama kami ngayon", paghihimutok niya.
"Wag ka ngang ganyan! Hayaan mo, padadalhan kita ng mga pagkain galing d'on", sabi ko. Lumiwanag naman ang mukha niya.
"Talaga? Salamat ah!", sabi niya. Nasa tapat na kami ng mansyon ni Don Rafael. Dinig ko pa ang malakas na musikang umaalingawngaw sa buong kabahayan niya. Naririnig ko rin ang pag-uusap ng ilan sa mga bisita niya. Mga kagawad, kapitan, bise mayor at kung anu-ano pang kasamahan niya sa pulitiko. Kita ko rin ang pagdating ng mga ilan pa sa mga bisita niya.
"Siya nga pala Dina, ikumusta mo 'ko kay Lucas ah?", sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Lucas?", pagtataka ko.
"Si Lucas! Yung kababata natin!", sabi niya.
"Aah! Oo nga pala! Madalas kasi natin siyang tawagin dati na baboy. Kaya 'yan tuloy, lumuwas ng Maynila. Hahaha!" , napatawa kami at maya-maya pa'y nagpaalam na kami sa isa't-isa. Pumasok na ko sa loob at dumiretso na ko sa Maid's room. Nadatnan ko do'n si Inang na naga-ayos.
"Oh, buti naman nandito ka na"
"Bakit po?"
"Malapit na magsimula. Ano, dito ka muna?", tumango ako. Lumabas na si Inang at napahiga ako sa kama.
BINABASA MO ANG
Message in a bottle
RomancePalaging nakakakita si Dina ng bote na may mensahe sa loob. Sa dulo ng mensahe ay may nakasulat na "Luke". Sino kaya si Luke? At ano ang relasyon ni Luke sa anak ni Don Rafael?