Yuan's POV
"Hay nako pre, hinahanap ka sakin kanina ni tita yoona. Nako dinamay mo nanaman ako sa kalokohan mo. San ka ba kasi nagpupupunta?" Bungad ni Drake pagkapasok nya sa kwarto ko
"Nag-imbestiga" Di tumitingin sakanyang sabi ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ng 'The adventures of sherlock holmes' by arthur conan doyle
"Nako naman yuan, kung sabihin mo na kasi sa pamilya mo yang detective ambition mo, edi sana di mo na kailangan magsinungaling." Napatingin naman ako sakanya ng sabihin nya yon
"Drake, alam mo ang sitwasyon nila mama. May nagbabanta sakanila, at anumang oras maaari na silang umatake. Hindi natin alam kung sino ang kakampi at kaaway kaya ginagawa ko toh, para mabigyan ng hustisya ang iba. Di kagaya namin na di nabigyan ng hustisya sa pagkamatay ni Lola Sally, masyadong magaling ang kalaban. Di sya basta-basta nagpapatalo" Paliwanag ko kaya nanahimik na sya at humiga sa kama ko
"Pero Yuan, alam mo kung gaano kadelikado yan. Paano kung balikan ka ng mga taong suspect sa mga hinahanap mo? Baka hindi mo pa nakikilala si true love, patay ka na"
"Drake, alam kong nag-aalala ka pero please naman manahimik ka na. Para kang bakla dyan na kuda ng kuda. Tawagan mo nalang sila Vince, punta tayo ng Bar." Aya ko at agad kinuha yung coat ko
"Tara na nga" Aya ni Drake pagkatapos tawagan sila Vince
"Yuan! Drake!" Sigaw ni Xion pagkapasok namin sa bar kaya agad kaming lumapit sakanila
As usual, maingay sa bar at magulo.
"Pre umorder ako ng chix" rinig kong sabi ni Aaron
Mayamaya lumapit na samin yung chix na inorder daw nya
Akmang lalapit na sakin yung isa ng bigla akong tumayo at naglakad paalis
Rinig kong tinatawag nila ako pero di ko pinansin
Pumunta ako sa Counter na malapit lang sa mesa namin kanina at umorder ng Tequila
Napansin ko ang babae sa harap ko na mukhang tulog na
Titingnan ko sana yung mukha nya ng bigla nitong iangat ang mukha nya at tiningnan ako
"Hoy kuya!, pakiuwi nga po ako" sabi nya at tumayo, bumabagsak-bagsak pa sya kaya agad ko syang inalalayan. "Sa Hart Condominium lang" Sabi nya at tuluyan na syang bumagsak sakin
"Sir." Tawag sakin ng bartender at binigay ang Tequila. Agad ko naman itong nilagok at binigay ang bayad ko
Pagkalabas namin sa Bar ay agad kong sinakay tong babaeng toh sa kotse ko kaya sumakay na rin ako
Napamura nalang ako sa isipan ko at agad na tinext si Drake
To: Drake
'Pre, aalis na ko. May emergency, kita nalang tayo sa school, sa monday'Pagkasend ko ng messages ay agad kong tiningnan yung babaeng lasing na kasama ko at napabuntong hininga
"Hayst, Mag-aalaga pa ko ng di ko kilala"
***
FACEBOOK: ANGEL LUNA/ CHRISTINE YENSON
INSTAGRAM: @acuteeeangelch
TWITTER: @acuteeeangelch
WATTPAD: @acuteeeangelch
TUMBLR: acuteeeangelch

BINABASA MO ANG
Detective Yuan
Misterio / SuspensoWhat if you were a kid you had the ability to investigate cases Until someone killed your family but you didn't get justice for their deaths. What will you do?