1

4 2 1
                                    

"Makinig ka naman!"

Tinanggal ko earphones mula sa tenga ko ng naramdaman ko ang sampal ni Ava sa balikat ko. Kanina pa pala siya kwento ng kwento tungkol sa nakita niyang crush mula sa engineering.

"Wag nga sa engineering kasi they speak numbers," pagbibiro ko sa kanya.

Inirapan lang ako ni Ava at binalik atensyon ko sa laptop ko habang gumagawa ng position paper.

It's a Sunday so nandito lang kami sa condo na nirerentahan namin ni Ava na malapit lang sa school habang tinatapos mga requirements namin.

"Wow! Ready na mag 4th year si Calista Tiu," sigaw ni Ava sa akin sabay inagaw ang laptop ko. Tumayo ako mula sa dining table at pinabayaan siya basahin position paper ko,

It's almost finals season at di parin ako makapaniwala na next school year 4th year na kami ni Ava. Time went by so fast and we're almost there.

Umupo nalang ako sa couch at nagcellphone. Biglang may nagpop-up na notifcation sa screen ko.

harrisonvale liked your photo

Napatayo at napasigaw ako ng makita ang notification sa instagram ko. Tumakbo ako papunta kay Ava at pinakita sa kaniya ang notification.

"Hala ka!" sinabayan pa niya ako sa sigaw ko.

Linike lang naman ng crush ko for 3 years ang picture na pinost ko sa instagram. Napahinto ako mula sa pagsisigaw namin ni Ava ng maalala ko di naman ako nagpost ng bago sa Instagram.

"Wait, wala naman akong pinost na bago," sabi ko kay Ava.

"Weh? Tingnan mo kung anong photo," sabi niya sabay tingin sa phone ko na parang kapitbahay niyong chismosa.

Clinick ko yung notification kung anong picture yung linike niya. Napatulala ako ng makita na nilike niya ang bikini photo ko that was posted 4 months ago.

"Sus baka aksidente lang na-like," sabi ko na halatang tinatago ang kinilig na nararamdaman.

"Ayaw mo nun? Ibig sabihin stinastalk ka bruha! Kailan ba kasal?"

"Uy teka yung buhok ko tinatapakan mo!" sagot ko habang nagkunwari na parang mahaba ang buhok ko na natatapakan ni Ava.

"Ewan ko sayo! Bumili ka na nga ng pagkain," tinawanan ko nalang si Ava dahil sa reaksyon niya.

Scrineenshot ko yung notification para lang sa future references ko. Kinikilig parin ako habang iniisip na stinalk pala ako ng crush ko plus alam niyang I exist pala.

"Anong gusto mo?" tanong ko kay Ava since ako ang nakaassigned bumili para sa dinner namin ngayon.

"Gusto kong manahimik ka," pabirong sabi niya sa akin.

"Okay chicken wings," sagot ko at lumabas na ng condo.

Naglakad ako palabas ng condo at nagbook na ng Grab. Since nagcracrave ako ng chicken wings ng Frankies.

Nakarating na ako sa Frankies at mukhang busy ngayon since it's a weekend. Nagorder nalang muna ako for take-out since sa condo lang kami kakain ni Ava.

"Can I get 1 dozen of Nagoya Tebasaki for take out," I ordered sa cashier and gave the exact amount.

"Thank you! Serving time is 15 minutes," I nodded and made my way to the seat on the waiting area for take-out orders.

Habang naghihintay ako sa order ko, may nakita akong mga pamilyar na mukha na pumasok sa Frankies.

Nanlaki mga singkit kong mata ng makita si Harrison. Tumingin ako sa phone ko at nagkunwari na di ko sila nakita. This is so awkward kasi nilike palang niya photo ko like 30 minutes ago and makikita ko siya dito.

Kung minamalas ka nga naman

Bulong ko sa sarili ko. Oo, crush ko siya pero nahihiya ako sa kaniya at lalo na alam niyang may crush ako sa kaniya.

Tumigil sila sa harapan ko at nagusap-usap kung anong oorderin nila. Nakayuko parin ulo ko para di ko siya makita at naglaro nalang ng Call of Duty sa phone ko.

"Number 18!"

Tiningnan ko number ko at 81 naman so di pa yun yung order ko. Napafocus ako sa laro ko dahil last 4 nalang kaming buhay.

"Ano ba!" Napasigaw ako ng may umagaw ng phone ko at tiningnan ko siya ng masama.

"Sino ka ba at nangingialam ka ng cellphone ng iba?" sabi ko ulit kasi di parin binibigay yung phone ko.

Tiningnan ko siya ng mabuti at parang pamilyar ang mukha niya. Napakagwapong nilalang po ang nasa harapan ko pero walang manners.

"Are you really deaf?" sabi niya with an annoyed face.

Di ko alam ano pinagsasabi niya at tiningnan lang siya. Biglang lumapit sa amin grupo nila Harrison kasama siya.

Bigla akong napaiwas ng tingin ng humarap si Harrison sa akin, mukhang naiilang rin siya.

"Callie, it's you pala," bati ni Harrison sa akin.

"Ah-eh oo," sabi ko habang naiilang parin sa kaniya.

"Oh you know her? Tell her not to be dumb," napatingin ako sa lalakeng umagaw ng cellphone ko ng masama.

"Anong dumb? Magnanakaw ng cellphone," sagot ko pabalik sa kaniya. Nakitang kong inirapan niya ako at tinawanan.

"Kanina pa tinatawag number mo and I'm not even interested with your phone."

Napatingin ako sa number ko ulit pero 81 naman talaga pagkakita ko kanina. Napatulala ako ng makita na 18 pala yung number ko.

Nagmadali akong pumunta sa claim section at nagsorry sa staff dahil sa kabobohan ko.

Nakatayo parin sila Harrison sa spot ko kanina at tinitingnan ako na parang magnanakaw.

"Hala sorry pala," I said as I went near them habang nakayuko ulo ko.

Nakita kong nilahad ng lalake ang cellphone ko sa harapan, "Take your phone, I don't even want that. Plus you suck on Call of Duty."

Nagulat ako sa sinabi niya at sasagot sana ako ng linagpasan niya ako at lumabas ng Frankies.

"Sorry sa kaibigan ko mainitin 'yun," sabi ni Harrison ng nakangiti sa akin.

"Okay lang, kasalanan ko naman pero di naman ako loser sa COD ah!" pagdedepensa ko sa sarili ko.

Natawa si Harrison sa sinabi ko, "You're funny and by the way about your instagram pho—"

"Mauna na ako, hinihintay na ako ng kaibigan ko. Bye!" sabi ko at umalis bago pa matapos ang sasabihin niya.

Pagkalabas ko ng Frankies, nagbook agad ako ng Grab since rush hour na ngayon. Dumating naman agad yung sasakyan.

Sasakay na sana ako ng makita ko ang supladong lalake kanina at nagtagpo mga mata namin.

"Ikaw nga ata weak sa COD eh! Laro tayo para magkaalaman," sigaw ko bago sumakay at isara yung pinto ng sasakyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Amore.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon