Ingénue

967 128 119
                                    

05-17-20
Ingénue
Irene x Seulgi
Oneshot

Note:
Matagal ko na sinulat 'to. Mag 1 year na rin sa May 28. Hindi ko na rin po inedit kaya sorry na rin kung maraming errors. Enjoy!

***

"KANG Seulgi! Come here," Pasigaw na sabi ng presidente nilang si Irene. Nakasigaw ito pero hindi naman mukhang galit ang mukha. Napalunok naman si Seulgi at unti - unting namumuo ang pawis sa noo niya. Ano ba naman, kinakabahan na naman siya dahil makakaharap na naman niya si Irene. "Bilisan mo." Sabi pa nito kaya naman nagmamadaling lumapit sa kaniya si Seulgi.

Sino ba namang hindi matatakot sa kaniya? Eh napaka-sungit ng mukha niya, lagi pa siyang nakakunot ang noo. Ang sungit ng tingin, tahimik lang din at strikto dahil sa posisyon niya. Eh halos lahat ng estudyante ata, takot sa kaniya. Hindi niya nga alam kung bakit siya lagi ang napapansin nito kahit na todo iwas na siya rito.

"B-bakit po, M-miss Bae?" Kinakabahan na sabi ni Seulgi at nakita niya na nakatingin ang dalaga sa kaniya. Mas lalo naman siyang kinabahan at napalunok nalang siya ng wala sa oras. Tangina, bakit ba nanunuyo ang lalamunan niya?

"Kung saan saan na naman lumilipad ang isip mo." Sabi nito sa kaniya, "May ineexplain ako dito, hindi mo ako pinapakinggan." Kasalukuyan kasi silang nag-aasikaso para sa program. At hindi man kagustuhan ni Seulgi, agad siyang tinuro ni Irene para sumama sa pag-aayos. Hindi niya talaga alam kung anong trip ng babaeng ito at siya lagi ang napapansin.

"S-sorry po, may iniisip lang." Hindi naman nagsisinungaling si Seulgi, talaga namang may bumabagabag sa kaniya. Yung kaibigan niya kasing si Wendy, brokenhearted. Hindi naman niya alam kung ano ang takbo ng isip nito ngayon at kinakabahan siya na baka kung ano ano ang maisip nito at masaktan pa ito. Para na niyang kapatid ang kaibigan niyang 'yon kaya naman ayaw niyang may masamang mangyari dito.

Dahil sa sinabi niya, agad namang lumambot ang tingin sa kaniya ng dalaga. Hindi niya alam kung namamalikmata lang siya. Pero siguro naman, mali nga ang nakita niya. Alangan namang maging concern sa kaniya ang president nila eh hindi nga sila masyadong close nito.

"Okay ka lang ba?" Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya kaya naman naisip niya na baka mamaya ay nilalamig lang ito at kailangan ng hahawak sa kamay niya. Seulgi will always be Seulgi. Hindi niya iisipin na may malisya ang mga bagay na ganiyan dahil para sa kanya, hindi siya gusto ni Irene. Ang tingin lang ni Irene sa kaniya ay isang ordinaryong estudyante na kailangan nitong pagsabihan at itama kung kinakailangan.

"A-ah, yes po, Miss Bae—"

"I told you to call me Joohyun." Agad na nagbulungan ang ibang estudyante na nakarinig sa sinabi ni Irene. Hindi nagpapatawag si Irene sa Korean name niya sa mga taong hindi niya gusto o ka-close. Aware ang lahat na hindi magkaibigan si Seulgi at Irene at nakakagulat na si Irene pa mismo ang nag-iinsist na tawagin siyang Joohyun ni Seulgi.

"But—" Nasa mata ni Seulgi ang pag-aalangan. Hindi niya alam kung bakit gusto ni Irene na tawagin siyang Joohyun eh hindi naman sila magkaibigan. Hell, hindi nga sila mag-uusap kung hindi siya kakausapin ni Joohyun. Ganun ka-ilap si Seulgi sa kaniya, dahil una sa lahat, ang ganda ganda ni Irene at pangalawa, nakakatakot ang mga tingin nito. Nakakatakot ang aura nito.

"No but's, Miss Kang. Call me Joohyun or else I'll punish you." Hindi alam ng mga estudyante na nakakarinig sa usapan ng dalawa ang nangyayari. Totoo ba ang nasasaksihan nila? Nakita pa nilang ngumuso ang dalaga na bihirang bihira nila makita. At pag sinabing bihirang - hira, it means sobrang bihira talaga. To be honest, ngayon nga lang nila ito makitang ngumuso at magpacute ng ganun sa ibang tao. At sa dinami - dami ng tao, kay Seulgi pa. Si Seulgi na walang ibang alam kundi matulog, mag-aral at makipagdaldalan. Wala nga atang plano sa buhay si Seulgi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ingénue 彡 슬린Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon