PROLOGUE

8 0 0
                                    

"Oh ano? Nalagay niyo na ba lahat ng final touches?" sigaw ng  wedding planner habang inaayos ang pila ng entourage. "Bilisan niyo nang kumilos at magsisimula na yung kasal!" habol pa nito.


Ang wedding planner ay halos di na mapakali dahil kahit na maayos na ang venue ay wala pa rin ang bride. Nilibot niya ang mata niya sa paligid at pinagmasdan ang mga palamuting nakasabit sa arko ng simbahan at pati na rin ang mga puting bulaklak na nakapalibot sa altar. Lahat ng bisita'y nakaupo na rin sa assigned seats nila at sila'y nagkkwentuhan habang iniintay ang ikakasal. Ang iba naman ay pasulyap-sulyap sa kanilang orasan.


Lumipas na ang dalawampung minuto ngunit wala pa rin ang kotse na sinasakyan ng bride. Nagsisimula nang magbulungan ang mga tao dahil sa di pagsulpot ng bride.


"Mr. Gomez, may balak pa ba sumulpot yang anak mo?" Tanong ng isa niyang business partner. Sa hindi maipaliwanag na dahilan nagsimula nang kabahan ang matandang lalaki. Nilapitan niya ang groom na si Lexus upang itanong dito kung malapit na ba ang bride ngunit sa kasamaang palad hindi daw nito alam kung nasaan na ang sasakyan nito.


Sa sobrang kahihiyan, napilitan lumapit ang ina ni Lexus sa kanya. "Ano ba yan? This is so embarrassing for me Lexus Clyde! Ano nalang sasabihin ng mga amigas ko? Sasabihin nila na sayang ka dahil hindi ka sinipot ni Hail!" Kahit nakakaramdam si Lexus ng pagkairita sa ina mas pinili nalang niyang pakalmahin ang sarili. "Ma, stop being so loud. Mas lalo ka lang mapapahiya sa ginagawa mo." Pabulong na sabi ng lalaki sa ina habang pinipilit ngumiti.


Sa gitna ng pagtatalo nilang mag-ina, tumunog ang kanyang phone kaya mabilis siyang pumunta sa isang sulok ng simbahan at sinagot ito.


"Handa na lahat, Razon." 


Kinilabutan si Lexus sa naging pahayag ng tumawag sa kanya kaya naman inilibot niya ang kanyang mata sa napakalawak na Simbahan ng San Agustin. Nang mahanap ng mata niya ang tumawag, binigyan siya nito ng isang tango.


Sa kabilang dako naman, nababalisa na si Louisse Hail dahil dalampung minuto na siyang huli para sa kanyang kasal. Kanina pa mabagal ang usad ng trapiko mula sa hotel na pinagmulan nila.


"Manong, malayo pa po ba tayo? Anong oras na oh! Baka pwede po paki bilisan late na late na po tayo sa kasal ko." Pinagpapawisan na ang mga kamay ni Hail sa kaba dahil pakiramdam niya na napapahiya na ang kanyang groom sa sobrang tagal niyang dumating.


"Manong, baka naman po iwan na ako ng groom ko sa sobrang tagal ko. Hindi pa rin po ba umuusad?"


"Maam hindi na po ganon ka traffic sa bandang unahan malapit-lapit na po tayo."


"Manong paki bilis nalang po please baka kung ano nang nangyayari sa simbahan."


"Malapit na po tayo papasok sa Intramuros."


Binilisan ni Manong ang kanyang patakbo ng kotse. Siguro masyado na rin siyang na pressure dahil kay Hail.


Sa pagmamadali ng driver, hindi niya napansin na stop ang signal para sa kanila kaya naman pag dating niya sa intersection lane, nakita ni Hail sa kanyang gilid na may paparating na ten-wheeler truck. Ngunit, huli na nang makita ito ng kanyang driver.


Nagkagulo ang mga tao sa nasaksihan na pagsalpukan ng dalawang kotse. Ang iba ay napapatitig samantalang ang iba naman ay nagsisimula nang tumawag ng ambulansya upang makahingi ng tulong.


May iilang lumapit upang bigyan sila ng first-aid at nang magamot sila kahit papaano habang inaantay ang tulong mula sa ambulansya.


Nabasag ang side mirror ng driver pati na rin sa side Hail. Some shattered glass pierced through their skin kaya naman patuloy na dumudugo ang iilang bahagi ng katawan ng dalawa. Ngunit mas malala ang pagdudugo na natamo ng driver kumpara kay Hail.


Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa aksidenteng nangyari kaya naman nabahala ang mga tao sa simbahan. Umabot na rin sa ama ni Hail na si Mr. Gomez, ang nangyari kaya napasapo nalang siya sa kanyang ulo at napaupo habang nahihirapan huminga.


Napabuntog hininga naman ang nanay ni Lexus dahil sa narinig na balita at ang groom naman ay nagulat sa balitang kumakalat. Muli niyang inilibot ang kanyang mga mata kaya naman nababasa niya sa mukha ng mga bisita na naaawa sila sa kanya at yung iba naman nag chichismisan nalang.


Natagpuan niya muli ang mata na kanyang hinahanap at nakita niya kung paano ito ngumisi at kalmadong lumabas ng simbahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vengeance of The FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon