Batang Kapit Patalim

288 2 0
                                    

Nang ako'y may sapat na gulang na,natuto akong kumapit sa patalim dahil sa hirap ng buhay.Hindi ko maatim makita and aking ina na nanlilimos bitbit ang aking bunsong kapatid.

Iniisip ko kung mayroon sana kaming ama,nasaan kaya kami ngayon,nasa lansangan parin kaya???

"Jace,Jace,ano ang gagawin mo????"

Yan ang matagal ko ng tanong sa aking sarili.Kaya't ng ako'y 10 taon palamang ay  marunong na akong magnakaw.Kinukuha ko ang kalupi ng mga taong minsan ay nalilingat dito,minsan naman habang hawak nila ito.Maging ang mga alahas nila at iba pang bagay na alam kong maibebenta ko.

Alam kong buhay ko ang nakataya rito kundi ma'y ang aking kalayaan.Ngunit ginagawa ko ito makakain lamang kami ng dalawang beses sa isang araw kahit kami'y nasa kalye lamang.

Batang KalyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon