True story 46 : Nakabarong na lalaki

5 1 0
                                    

NAKABARONG NA LALAKI
Ilang araw lang ang nakakalipas ng mamatay ang Anak ng kaibigan ng Lolo ko nakuryente daw ang sanhi ng pagkamatay nito . Nung araw ding yun naisipan naming umakyat ng bundok kasama ang mga pinsan ko at kapatid kong lalaki para kumuha ng Dalanghita bali lima kaming lahat. Habang naglalakad kami madadaanan namin ang bahay ng kaibigan ng  Lolo ko kung saan doon din namamalagi noon anak nito noong buhay pa ito.
Napatigil sandali ang pinsan ko at siniko ako na ipinagtaka ko.
"Aday.. " sambit nya habang nakatingin sa malayo.
Sinundan ko naman ang tingin ni ate Jeni sa Malayo.
Pero isang lalaki ang nakaupo roon at nakasuot ng puting barong . Sa tingin namin iyun siguro ang suot ng namatay noon sa loob ng kabaong .
Napatulala lang ako at di ko magawang alisin ang mata ko sa imaheng lalaking nakaupo.
"Ate Jeni... Iba ang itsura Takbooo! ".
Laki ngpagtataka ng mga pinsan kong lalaki at kuya ko dahil wala naman silang nakita kahit sinong lalaki.
"Wala naman? ".  Sabi ng kuya ko samin ni ate jeni at patuloy pa ring hinahanap ang nasabi naming lalaki.
"Umuwi na tayo..  Bumababa na tayo ng bundok."
Pagpupumilit ko.

KATATAKUTAN STORIES COMPILATION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon