True story 74 : White lady

7 0 0
                                    

Ako si Lynda. Mayroon ng Anak at mga apo. Ulila na rin ako sa asawa sampung taon na.Ang tanging pinagkakaabalahan ko na lamang ay ang pag aasikaso ng gawaing bahay at pag aalaga ng mga apo kong naiiwan sakin habang nasa trabaho sila.
Tuwing umaga, gigising ako ng maagap para ihanda ng almusal ang mga anak kong papasok na sa trabaho. Alas-tres pa lang nagluluto na ako at gigisingin na sila pagkatapos. Pinauna ko ng pakainin ang panganay kong anak na babae dahil mas maagap itong pumapasok, halos isang oras ang inaabot pagco-commute bago ka makarating sa company na pinapasukan nya. Sumunod naman na ginising ko ay ang anak kong lalaki, may sarili naman itong sasakyan kaya hindi sya masyadong nahihirapan kapag papasok. Habang naliligo na si Jack sa banyo, humiga muna ako saglit para magpahinga. Ang papag na hinihigaan ko ay katapat lamang ng kwarto ng anak kong lalaki. Nakaawang ang pinto nito pero may napansin akong babae na nakaupo, mahaba ang buhok, naka side view lang sya kaya di ko na nakita ang mukha nya. Medyo madilim pa noong oras na yun Alas-singko na ng umaga. Hindi ko na lang pinansin ang babae sa loob ng kwarto ng anak ko. Iniisip ko na lang na baka may inuwi lang syang babae kagabi. Baka kasi mahiya yung babae kung kakausapin ko pa kaya hinayaan ko na lang muna.
Matapos maligo ni Jack,pinakain ko na rin at saka umalis. Pag uwi ng anak kong babae, ikinuwento ko kaagad sa kanya yung babae,baka kamo kilala nya.
"Hoy Jack! Balita ko may inuwi ka raw na babae kagabi ah sabi ni nanay?"
Wala pa kasing kasintahan noon ang anak ko at wala pa syang pinapakilalang babae kahit na nasa saktong gulang na sya para sa pag aasawa.
"Anong babae ate? Wala naman akong inuwi" Nakapakunot noo na lang sya na parang natatawa.
"Mag isa lang naman ako kwarto eh."
Binalik naman sakin yung tukso ng mga anak ko.
"Hala Nanay, Nagpakita pala sayo yung chix ni Jack" Sabay tawa nilang dalawa.
Ang totoo matagal ko nga syang tinitigan ng wala akong imik pero hindi talaga sya umaalis kung san ko sya nakita. Siguro white lady nga yung nagpakita sakin nung oras na yun. Hindi naman ako natakot kasi sanay naman na ako sa mga ganung bagay.

KATATAKUTAN STORIES COMPILATION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon