PEDIOPHOBIA-FEAR OF DOLLS
Nagsimula ang pagkatakot ko sa manika noong 4 years old ako. Hindi naman sa pagmamalaki pero napaka dami ng mga manika ko at mayroon pa akong dalawang malalaking talking Dolls. Sila palagi ang nagiging kalaro ko kasi Introvert akong bata noon. Bibihira nga lang ako lumabas ang pagkakaalala ko kakalipat lang namin ng bahay dito sa Quezon kaya mas minabuti ko lang na sa bahay na lang mag stay.
Hanggang isang gabi nakita ko yung manika ko na gumagalaw mag isa. Kumukurap ang kanilang mga mata at naglalakad. Naririnig ko ang iyak nito kahit wala namang pumipindot ng button para umiyak ito. Pero ang nakakapangipabot pa nakatingin silang lahat sakin na parang galit na galit. Takot na takot na ako noon kaya sinubukan kong itapon ang manika sa labas habang rumagasa ang baha sa daan. Wala na akong pakialam sa mga manika ko basta ang gusto ko lang mawala sila.Akala ko doon na matatapos ang pangingilabot ko pero mayamaya nakarinig ako ng mga katok sa pintuan ko. Binuksan ko ito ang nakita ko ang dalawang talking dolls na nasa harap ng pinto.
Pasalamat na lang ako dahil bangungot lang ang lahat. Na buong pag aakala ko di na ako magigising pa dahil sa mga manika ko. Kaya simula nun di ko na magawang hawakan ang mga manika ko at kahit ang tumitig ay hindi ko na rin magawa. Isa na rin siguro sa dahilan yung movie ni chuckie doll na palabas noon na napanood ko pa noong grade 2 or 3 ako ang unang seasons nun.
Iyon ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng phobia sa manika. Yun lang at maraming salamat!
![](https://img.wattpad.com/cover/225019261-288-k520130.jpg)
BINABASA MO ANG
KATATAKUTAN STORIES COMPILATION
HorreurAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...