UNA

3 0 0
                                    


"AYAN na siya, baks!" Nahampas ko sa balikat ang bestfriend kong si Juanito, Jana for short nang makitang papasok na sa court ang team ng crush ko.

Manonood kami ngayon ng laro ng paborito kong tao rito sa GMEVS high, si Keiffer Kho. Team captain ng basketball.




Pakiramdam ko, sinisilihan ako sa inuupuan ko. Tipong lahat ng mauupuan ko ay liliyab. Ni hindi ko na alintana ang nakamamatay na tingin na binabato sa akin ni Jana.




"Wala pa bang ikalalakas ang hampas mo?"


"Meron pa," sabi ko, wala sa sarili. Nagkandahaba ang leeg ko kakatanaw kay Keiffer



"Woo go, Buffalo!" Pagchi- cheer ng mga estudyante sa team nila Keiffer.



"Hawk for the win!" Ang sa kabila naman.



"I love you! Go, babe! Go, babe! Go fight and win!" Ako 'yan, siyempre. Napangisi ako nang nangibabaw ang boses ko at nagkantiyawan ang team ni Keiffer, tinutulak siya sa likod. Napapailing siyang pumagitna, hindi tinatapunan ng tingin ang pangahas na nagsisisigaw... na ako.




Kung pwede nga lang tumambling at mag-split habang nagche-cheer, taon-taon ko na sanang ginawa.



Hindi nakatiis ang katabi ko.


"Tama nga muna, hindi na ako magtaka kung ipakuha tayo rito sa guard. Ki babae mong tao mas malandi kapa sa akin na hitad ka."



Nginisihan ko lang siya.



Tulad ko ay pareho naming suot ang jersey na katulad na katulad ng kay Keiffer. Pareho din kaming may dala-dalang pompoms at naka- headband.


May iba pa siyang sinabi na hindi ko na naintindihan dahil ang atensyon ko ay nasa mga players at kay Keiffer lang.


Intramurals namin ngayon. Sa lahat ng laro, ito ang pinaka-inaabangan ko, nandito ang Keiffer ko, e. Olmos perpek siya sa paningin ko. Kahit humikab o mangulangot siya, kanya pa rin ako.


Grabe, hindi ko inaakalang aabot ako sa ganito. Dati, simpleng crush lang, ngayon, sini- celebrate ko na ang pagkakagusto ko sa kanya. Hindi na ako magtatakang matakot iyon sa akin kung malaman niya. Kaya, dapat secret lang!



Tama. Ayos lang malaman niya na crush ko siya dahil obvious naman, huwag lang iyong sini- celebrate ko!



Now, we are already in senior high school and I've been sitting the same sit everytime na may game siya, and I've been holding a pompoms everytime na may game siya at suot-suot ko ang jersey na kaparehas ng sa kanya. Hindi niya bigay sakin kundi binili ko ito, at ginaya ang kung ano mang nakasulat sa jersey niya. Tag-isa kami nitong beshy ko.



Desperada mang tingnan pero wala akong pakialam.


Nakakalungkot pero wala talaga akong paki. Ito nalang kasiyahan ko rito sa school. Karamihan kasing lalaki, wala namang epekto sa akin.



"Gooo babe! whoooo! Pakasalan mo ako kahit ako pa ang bubuhay sayo!" Sigaw ko pa.



Medyo nag-iiba na ang lalamunan ko nangangalay na ang legs at kamay ko pero ang ginagawang kong ito ay sobrang nagpapasaya sa akin. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito sa kanya. Basta ang alam ko lang, gustong-gusto ko siya. Crush, gano'n. Kundi man kaya, love na haha.



Sa kanya lang ang atensyon ko, ang paningin ko, at puso ko. Kaya man, baliw man akong tingnan sa sobrang pagkahibang sa kanya, wala pa rin akong pakialam.



Dakilang Admirer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon