Chapter 2: Childhood friend

5 1 0
                                    

A/N; sorry sa typos. Vote and comment  kayo. :)

Shania' s PoV

"A-Ako naman..."

Napanganga ako sa sinabi nya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang utak ko ay nangangapa ng sagot. Papagayag ba ako?

" I- Intayin ko na lang ang pag payag mo.." saka sya umalis at iniwan ako.

" Bes, andyan ka pa ba??" Nagising lang ang diwa ko sa boses ni Rica. Kanina pa pala ako tulala.

" U-Uhhm, O-Oo!" Saka ako lumabas.

" Sinaktan ka ba nya? Sinabunutan? Sinampal?" Agad na bungad nya pag kalabas ko.

" H-Hindi.." sagot ko.

" Oh..binilhan kita ng makakain mo.  Sya nga pala. Nakasalubong ko si Sandy..." Sabi nya.

" Oh? Ano naman?"

" Wala inirapan lang ako. Alam mo ba bes!? Ansarap tuhugin ng barbeque stick yung mata nya! Ano bang nagustuhan ni Kade don?" Tanong nya. Kinuha ko ang dala nyang pag kain. Sa room ko na lang ito kakainin.

" A-Ano nga pala ang pinag- usapan nyo?" Tanong nya kaya napahinto ako sa pag lalakad.

" P-Pinapa-alis nya ako. "

" Bakit?"

" Dahil kay Kade. Mamaya na lang natin pag usapan 'yon. Nagugutom na talaga ako!" Sabi kO. Hindi naman ako gutom. Walang gana ako. Gusto ko lang umiwas ng usapan.

" Ow...key. Pero sana naman Shania. Sana. Sana ipaglaban mo naman yang nararamdaman mo. Aamin ka rin naman diba?" Napabuntong hininga ako.

" Oo. Gagawin ko 'yon. Dahil pakiramdam ko ay may natitira pa akong pag- asa." At may nabuo ng desisyon sa isip ko. Sa oras na ito ay mag papaka- selfish siguro ako para sa nararamdaman ko. Pero hindi ko yata kaya e. Hindi ko talaga kaya.

* * * *

" Nakapag- isip ka na ba?" Tanong ni Sandy. Nandito ulit kami sa abandunadong room.

" Oo." Matapang kong sagot. Napangiti naman sya.

" So lalayuan mo na si Kade? Wag kang mag alala. Kapag nakalayo ka na. Ako na ang papalit sa puwesto mo sa puso ni Kade. Hindi nya lang ako girlfriend. Ipaparamdam ko rin sa kanya ang mga ipinaramdam mo noon. Pati sa pamilya nya. Ako ang papalit sa puwesto mo," naiinis ako sa sinasabi nya. So yun pala ang balak nya.

" Hindi ako aalis." Nawala ang malapad nyang ngiti at napalitan ng inis. Pakitang ugali tagala ito. " At lalong hindi mo ako mapapalitan ang puwesto ko sa puso ni Kade. "
Ngumiti naman sya na may halong pang aasar.

" Nagawa ko na. Na sa akin na yung pag mamahal nya. "

" Pero na sa 'kin ang atensyon nya, diba? " Nakita ko ang galit sa mata nya.

" Sa ayaw at sa gusto mo. Lalayuan mo sya. Wag kang mag alala. Kaya kong ibigay ang gusto mo. Magkano ba??" Ngumiti na lang ako.

" Hindi ko kailangan ng pera mo. Madami ako nyan," saka ako lumabas at madaling umalis. Nag lalakad ako papunta sa room ng makasalubong ko si Kade. Suot nya ang may pag ka seryosong muka.

" Nakita mo ba si Sandy??" Agad na tanong nya.

" Hindi." Nakita ko ang pag kabigla nya. Nakatingin lang sya sa akin. Ilang araw na rin kaming hindi nag kikita at nag kausap man lang.
Lalagpasan ko lang sana sya ng hinawakan nya ako sa kamay.

" Galit ka ba?" Bakas ang tono ng pagkalungkot sa boses nya. Shit! Ito na naman.

" H-Hindi.."

" G-Galit ka ba??" Ulit na tanong nya.

" Hindi nga..." Saka ko sya hinarap.

" Bakit ang cold mo sa 'kin? Alam mo bang na- miss kita? Ilang araw na tayong hindi nag uusap at nag kikita. Sabihin mo lang kung ayaw mo sa relasyon namin ni Sandy. Hihiwalayan ko sya..."  Kinalas ko ang oayg kakahawak nya sa kamay ko.

" Paasok na ako sa loob. Bumalik ka na sa klase mo.." tangi kong sambit. Bago maka pasok ng room. Tumabi ako kay Rica na nakatingin lang sa 'kin.

" Oh, musta pag uusap?" Tanong nya.

" Ginawa pa akong mukang pera. Tinanong ako ni Sandy kung magkano para lang malayuan si Kade," nakita ko naman ang pag kabigla sa muka nya. Perp napalitan din ng pag ka inis.

" Kapal talaga ng muka nung Sandy na 'yon!" Tinakpan ko ang bibig nya.

" Shh! Baka may makarinig sayo dito. Alam mo naman yung babeng 'yon may galamay!" Pabulong kong singhal.

" Okay sorry." Agad nyang wika ng maalis ko na ang pagkakatakip ng palad ko sa bibig nya. Napabuntong hininga ako. Bakit ba nangyayari to?!

Mag sasalita pa sana sya ng dumating na ang lecturer namin.

* * * *

Nag aabang ako ng masasakyan taxi pauwi ng bahay ng may huminto na pamilyar na kotse sa harapan ko.

" Kade?"

" Babe? Ano ba tara na! Kaya naman nya siguro umuwi mag isa e!" Nag salubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Sandy. Ngunit hindi yon pinansin ni Kade na nakatingin lamang sa 'kin. Parang bali wala lang sa kanya ang cold kong pakikitungo kanina.

" Sakay na. Pinapapunta ka ni Mom sa bahay. Nakalimutan ko rin na sabinin sayo na dumating na sa Tito," lagi naman. At simula yon nung dumating si Sandy.

" Sige." Ngumiti ako at saka pumasok sa loob. Isinantabi ko lahat ng problema tungkol sa kanya. Inirapan naman ako ni Sandy. Esi umirap sya wala akong pake. Basta gagawin ko ang gusto ko. Hindi ko lalayuan si Kade habang hindi ko pa sasabi sa kanya ang gusto ko.

" Babe? Hindi mo sinabi sa 'kin na nandyan si Tito. Sama ako ah? Ipakilala mo ako sa kanya."  Sana hindi pumayag si Kade. Sana...

" S-Sige,"

Napabuntong hininga ako sabi na nga ba.

Nang makarating kami ay pinag buksan nya ng pinto si Sandy akala ko ay ganun din ang gagawin nya sa 'kin. Ngunit nag kamali ako. Parang napahiya ako sa sarili ko. Pag pasok namin ay agad akong sinalubong ni Tita ng mahigpit na yakap saka hinalikan sa pisngi.

" Shania! I miss you! Sorry nakalimutan kang anyayahan ni Kade noong nakaraan. Nag handa ako ng kaunti dahil Anniversary namin ni Tito mo..." Ibig sabihin si Sandy lang ang inanyayahan nya.

" Ayos lang Po.." Sabi ko. Tumango naman sya at bumaling kay Sandy at niyakap at hinalikan sa pisngi. Nabigla naman ako doon. Ibig sabihin nung pag kakataon na wala ako ay kinukuha ni Sandy ang loob ni Tita. Nakita ko naman na humarap sa 'kin si Sandy at ngumiti. Pero may halong pang aasar. Napabuntong hininga ako. Wag kang mag papatalo Shania.

Pumunta na kami sa dining room. At naupo nakita ko naman si Tito. Bumaling sya sa akin at nginitian.

" Nandito na pala ang soon to be anak ko," Napangiti ako sa pambibiro nya. Ganun pa rin si Tito. Sabi nya kase ay magiging anak din nya ako kapag ikinasal kami ni Kade. Si Tito naman ay naupo na

" Dad naman!"

" Sya nga pala. Nasabi sa 'kin ng Mommy mo Kade. May girlfriend ka na pala?" Baling nya kay Kade pag ka upo nito.

" Yes, Tito. " Sabat naman ni Sandy.

" H-Hindi naman sa nakiki alam ako pero ang bata mo pa. Paano na lang si Shania?" Nakita ko ang pag kabigla ni Sandy nang binanggit ni Tito ang pangalan ko. Si Kade naman ay nakatingin sa 'kin

" Dad! May girlfriend na ako at mahal ko si Sandy. At Isa pa... childhood friend kami ni Shania. Alam kong wala naman syang nararamdaman sa 'kin e dahil kaibigan nya ako." Nakangiti nyang wika. Ngumiti na lang ako ng pilit. Masakit yon ha. Manhid ka pa din....

Kade.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentally In Love With My Best friendWhere stories live. Discover now