Chapter One

7 0 0
                                    

Celine's Point of View

"Ew PDA" sabi ko pagkakita ko sa mag jowang naglalandian sa kabilang bench ng park. Nakakainis kasi bat sa park pa napiling maglandian pwede kita namang andaming bata dito mga di nag-iisip. 

Nandito ako ngayon sa Park para bumili ng favorite kong ice cream kaso di pa dumadating si Manong. Umupo muna ako sa isa sa mga bench na napapagitnaan ng mga malalaking puno. Dito ako lagi pumupunta tuwing Sabado ng hapon para magpahangin na rin at mag relax saglit kaso parang ang hirap mag relax kung andaming magjowa na sobrang PDA, bwisit. 

Hindi naman sa bitter ako sadyang PDA lang talaga sila plus sabihin na natin na nasa park sila kung saan maraming tao at maraming makakakita, uh sucks that's why i hate the idea of being inlove, it makes you dumb period. 

Maya-maya pa ay dumating na si Manong kaya tumayo na ako agad at pumunta sa pwesto niya. Its not a typical ice cream na nakikita natin sa mall, parang nasa stall lang siya its called dirty ice cream ata pero hindi siya dirty duh kakainin ko ba kung madumi.  

"Oh nandito na pala yung solid kong customer na si Ady" sabi ni Manong Joey

"Manong naman Celine nalang po" sabi ko kaya natawa si Manong

"Pagpasensyaan mo na nakasanayan lang hija, oh eto na yung ice cream mo dinamihan ko na ng scoop para di ka magreklamo" tawa ni Manong habang binibigay niya sakin ang  ice cream na nasa cup at agad ko naman itong tinanggap. 

"Cookies n Cream, alam mo talaga hilig ko, salamat po" sabi ko at ibinigay ang bayad kay Manong.

"Syempre, oh sige na at marami pang bumibiling bata, ikaw lang ata malaki dito" tawa ulit ni Manong pagkatapos ay nagpaalam na ako at bumalik sa bench na inuupan ko kanina. Uuwi na sana ako ng makita ko ang oras kaya napagisipan ko na mamaya na lang.

"Sakto malapit na sunset, dito muna ako saglit" sabi ko habang kumakain. Isusubo ko na sana yung kutsara ng biglang sumigaw yung babae kanina na nasa kabilang bench at natapon ko yung ice cream na isusubo ko sana sa damit ko, natalsikan din yung mukha ko dahil sa pagkagulat.

"What the hell?" nasabi ko pagkakita na nagkalat na yung ice cream sa damit ko dahil sa babaeng sumigaw kaya nilingon ko kung anong nangyari habang pinapahidan ko ng panyo yung mukha ko.

"Babeee alisin mo yung insektooo sa ulo kooo aaaaaAaa" sabi nung babae sa jowa niya. Agad namang hinanap nung jowa niya yung insekto kaso parang takot din ata sa nakita niyang insekto. 

"Ugh puta yan kase lalandi pati ibang insekto nandidiri na, kainis nadamay pa tuloy ako" sabi ko sa sarili ko at pumunta sa kanila para kunin yung insekto sa ulo ng babae para matahimik na yung kaluluwa. 

"Excuse me" sabi ko sa kanila at lumingon naman sila sa akin pagkatapos ay kinuha ko na yung grasshopper sa ulo ng babae. 

"Parang grasshopper lang eh natakot pa, you're welcome" sabi ko pagkatapos kong kunin yung insekto at pinakawalan. 

"Ah thanks?"sabi nung babae kaya ngumiti ako ng peke. 

"Ahm yung damit mo may ice cream" sabi niya

"I know and dahil to sayo" sagot ko sa kaniya habang paalis na. "Ah by the way wag kayong PDA masyado nasa park pa naman kayo, mahiya kayo sa mga batang naglalaro dito, bye" pahabol ko at umalis na sa harap nila. 

The Art of LoveWhere stories live. Discover now