part 1

2 0 0
                                    

"Saan tayo pupunta babe? " Tanong ni Cath kay Reygie

"Lilipat na tayo ng Apartment Cath , Hindi bat lagi kang nanaginip ng masama" Sagot nito sa kanya at patuloy sa pag aayos ng mga damit

Tatlong Buwan palang simula nung maging sila ni Reygie , Nakilala nya ito sa Trabaho, parehas silang kakagraduate lang ng college at pinalad na matanggap sa School na inapplyan nila bilang Guro.

At last month nung napag kasunduan nila na tumira sa apartment nito , Limang taon na daw itong naka tira doon at dahil mahal nya ito agad syang pumayag advantage din kasi malapit ito sa school na pinapasukan nya. 

"Pero mahihirapan lang tayo pag sa iba Pa,  mas ok dito mas malapit sa school" Pag gigiit nya

Humarap ito sa kanya at natakot sya sa tingin nito halatang galit na ito sa sinasabi nya,  napapansin nya may ugali ito na pag Hindi nasunod ang gusto umiinit agad ang ulo.

"Pag sinabi kong aalis tayo , aalis tayo cath! Naiintindihan mo ba ?" Nag tataas na ito ng boses kaya hindi nalang sya kumibo.

Siguro nga dapat na silang lumipat, last month talaga mula nung tumira sya dito panay ang panaginip nya sa isang babae lagi itong nakatingin sa kanya at umiiyak parang may gusto sabihin na hindi nya malaman , minsan naman tumatawa ito habang naka turo sa kanya , hindi nya maintindihan, natatakot sya lalo na sa mata nito , Nag hahalo din ang boses hindi nya malaman kung isang tao ba o meron pang iba.

Lumabas nalang sya ng apartment at mag papahangin nalang muna sana ng makita nya si Hannah na nakatingin sa kanya ng pailalim , ewan ba nya sa kapit bahay nila na ito laging ganyan kung tumingin.

Nag lalakad ito palapit sa kanya kaya medyo napa atras sya , bat sya kinakabahan.
Tumayo ito sa harap nya at ngumisi.

"Mag iingat ka. Hindi mo alam kung anong pinasok mo " sabi nito at tinalikuran na sya.

Mas lalo syang kinabahan , sa isang buwan nya dito laging ganiyan ang tingin ni Hannah sa kanya, ngayon lang sya nito kinausap at sana hindi nalang nito ginawa.

Pumasok nalang ulit sya sa bahay at napag desisyonan na matulog nalang. 

"Nandito ka pa din hahaha , Wala kang balak umalis " Nakangising tanong sa kanya ng babae

Napakunot ang noo nya at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.
Napalunok sya ng makita ang damit nitong duguan at parang may tumutulong tubig sa katawan nito dahil basa.

"Mag sisisi ka ikaw din" Pakanta pa nitong dagdag

"Nakikita mo ba yan ? " Sabi pa nito at may itunuro sa gilid ng apartment.
Nang sundan nya ito ng tingin , CR ang itinuturo nito.

"Maraming Sikreto" Tumawa ito ng malakas at lumapit sa kanya.

Halos hindi sya maka hinga sa kaba.
Inangat nito ang mga kamay na may dugo at inilapit sa leeg nya , sasakalin sya nito.
Gusto nya tabigin ang mga kamay nito pero hindi nya magawa parang nanigas sya sa kinatatayuan nya,  Palapit na ng palapit ang mga kamay nito at naiiyak na sya sa takot dito.

"CATHERINE!" Malakas na sigaw at pag alog ang nag pagising sa kanya.

Napabangon sya at nag hahabol ng hininga napatingin din sya sa paligid.
Wala walang babae isang panaginip nanaman.
Napatingin sya kay Reygie , Agad syang niyakap nito at tinanong kung ayun nanaman daw ang masama nyang panaginip.
Tinangoan nya nalang ito dahil alam naman na nito ang madalas na mapanaginipan nya.

                      +++
Kinabukasan napagplanuhan nyang bisitahin ang kaibigan na si April at ikwento rito ang mga nang yare sa kanya nitong isang buwan na dumaan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ApartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon