Chapter 2

12 2 0
                                    


'Krrrrrring'

"Naaaaak! Joshuaaa! Gising na. Naririnig ko alarm mo. Bangooon na dyan at baba kana sa kusina. Kakain na tayo"

"Opo ma."

Agad agad naman ako bumangon para pumunta sa cr.

Nagtoothbrush ako at nagshower na rin. Magkikita kami ngayon ni Terise kaya dapat magready na ako agad.

"Mamaaaaaa!Goodmorning! Gising na ang napakagwapoong Joshua. Nakaligo na riiiiin!"

"Haha oo na halika na ditoo para kumain. Maganda yata ang gising ng baby ko ah?"

"Mama gwapo ko kase kaya maganda gising ko HAHA"

"Hay nako ewan ko sayo Joshua. Ano bang meron at bihis na bihis ka rin?"

"Eh kase mama kikitain ko uli si Terise sa park. Maglalaro kami"

"Ay sus! May kaibigan na nga talaga ang baby namin oh."

"Syempre naman mama. Pogi ko eh. hahahaha"

"Hay nako mana ka talaga sa papa mo, kung andito yun at kasabay natin lumipat dito maririndi ako sa kakabuhat nyo ng mga sariling upuan nyo haha"

"Kelan ba uuwe si papa ma?"

" Hindi ko pa alam anak eh busy pa si papa mo. Kaya ikaw wag kang pasaway. Kumain kana dyan at baka naghihintay na yung kaibigan mo. Ano na uli pangalan nun?"

"Terise po ma. Maganda na mabait pa."

"Aba mabuti naman yan nak. At least alam kong may kaibigan kana at mabait pa.  Oh sige kain kana para mapuntahan mo na yang kaibigan mo"

**********

Pagtapos ko kumain ay nag ready na ako uli. Sinama ko uli si Barky sakin para kasama namin ni Terise maglaro. Malapit na rin sila agad sa isa't isa eh.
Minsan nga parang si Terise na ang amo ni barky kesa sa akin. Nakakapanibago lang. Kase si barky mapili sa tao. Pero sa Terise kakakita palang namin napaamo nya na agad si barky.

After ng ilang minutes nakarating nako sa park.

Naglaro muna ako sa tablet ko habang hinihintay si Terise.
Habang si barky naman ay naglalaro ng bola sa may silong ng puno.

Usapan namin 8 am kami magkikita dito.

Pero isang oras na wala pa sya.

Napaisip naman ako. 

"Hays. Baka balak nanaman ako gulatin nun tulad kahapon. Malamang nasa taas nanaman yun ng puno. Alam nyang di na sya tatahulin ni barky e."

Kaya naman tumingala ako. Ngunit wala naman akong nakitang Terise sa taas.

"Hayss. Di na yata siya dadating barky tara na."

malungkot kong yaya kay barky.

Yumuko naman ito na tila gusto pa maghintay kay Terise.

"Barky lika na. Isang oras na tayo dito eh. Wag na malungkot. Ako rin naman malungkot eh. Kase usapan namin dito kami uli. Baka ayaw nya pala ako maging kaibigan"

Kinuha ko na ang tali ni barky at tsaka lumabas ng park

Pagkalabas ng park ay bigla akong natigil dahil ayaw maglakad ni Barky.

"Barkyyyy! Taraa naaa!"sigaw ko habang hinihila sya.

Ngunit di sya nakikinig at may tinatahulan sa kung saan.

Tinignan ko direksyon ng tinatahulan nya ngunit wala namang tao.

"Barky halika na. Baka pusa lang yang nakikita moooooo" hinihila ko sya.

Ngunit ayaw nito magpahila at tila may inaamoy sa lupa.

"Barky taraaaa n---"
Sigaw ko sa kanya habang hila ang tali ng bigla syang tumakbo kaya naman nahila nya ako.

Waaaaaaaahh mamaaaaaaa!

"Barkkyyy saaan kabaaa pupuntaaaa!"
Sigaw ko habang tumatakbo rin dahil hila hila na ako ni barky. Anlaki ba naman ng asong to. Kayang kaya nya ako bitbitin.

Hinihingal na ako kakatakbo

"Waaaaahhh baaaarkkkyyyy tamaaaaa naaaaa. Dikooo naaa makontroool paa kooo"

"Aaarrrf arrrrf!"

"Anooo ba kase tinatahulan mo. At san tayooo pupuntaa."

Biglang tumigil si barky sa pagtakbo.

Tumahol ito ng tumahol. At mukhang galit na galit. Dahil nakataas yung mga balahibo nya sa likod. Pag ganyan sya alam kong may ayaw sya dito. Kaya naman tinignan ko kung asan sya nakaharap.

'Wow!' sabi ko at napanganga ako sa nakita ko.

Dahil sa pagod ko di ko na napansin kung saang lugar kami nakaabot ni barky.

Nasa harap ako ngayon ng isang lumang bahay.
Nakakatakot. May mga nakapalibot na tuyong halaman. Sira sira ang bahay . Ang mga dingding ay tagpi tagpi lamang ng yero at maliliit na piraso ng plywood. Kung makikita mo halatang lumang luma na. 
Mukhang haunted house.

"Barky nasan na tayo. Bakit tayo pumunta dito. Nakakatakot oh?"

"Arrrf! ARRRRRF!"

"Hays barky tama ng kakatahol. Wala namang tao dyan eh?"

Hindi ko akalain na may ganitong bahay pala dito sa village. Paano nagkaroon ng ganto dito. Samantalang halos lahat ng bahay dito malalaki at magaganda.

Voodoo Doll (On-going)Where stories live. Discover now