Chapter 21
Naalimpungatan ako dahil sa kirot sa ulo at idagdag pa ang masakit na tyan. Hangover. Napakislot ako ng kumirot ang ulo. Susubukan ko pa sanang matulog muli ng marinig ang mahinang paghilik sa aking tabi. Agad akong napabalikwas ng maalala ang nangyari.
We both confess our feelings for each other and I kissed him! Then everything happened!
I saw Arlan laying beside me. Naked, like me. Agad akong kinain ng hiya at galit sa katawan. Nahihiya ako sa sarili ko, may boyfriend ako at never naming ginawa ang bagay na ito, pero pagdating kay Arlan ang dali kong bumigay! Nakakagalit sa sarili! Hindi ko manlang napigilan ang lahat at hinayaan ko pang humantong sa ganto!
Wala akong nagawa kundi ang guluhin ang sariling buhok sa inis. Shit! Bakit ko kasi siya hinalikan?! Sabi na kasing wag lalapit sa kaniya ehh! Argh!
"Good morning." he said huskily. At bago pa ako makapagreact hinila na niya ako pahiga at niyakap.
Parang gusto ko nalang patigilin ang oras at manatili sa ganoong lagay. Yung kami lang dalawa, katulad ng dati. Pero nagflash sa isip ko si Markuz at Athena. Argh! This is wrong!
"I love you, Elle." he whispered amd kiss my forehead.
Mabilis na nag-init ang mata ko sa narinig. Mali ito. Huminga ako ng malalim bago ko siya tinignan.
"Can you please leave." sambit ko.
Nakita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Agad akong nakaramdam ng guilty, parang gusto ko nalang bawiin ang sinabi pero hindi pwede. Iyon ang dapat gawin para hindi na lumala pa ito, ang umalis siya ngayon.
"Elle naman. Sabi mo mahal mo ko diba? I love you too, Elle." he said and hold my face.
Ilang sandali akong natulala sa kaniya. I wanted to say how much I love him but I can't.
Walang sabi-sabing tinabig ko ang kamay nitang humawak sakin at lumayo sa kaniya.
"Magbihis ka na at umalis ng kwarto ko. Or else sasabihin ko sa kanilang pinagsasamantalahan mo ako." hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa sinabi ko. Tila ba hindi makapaniwala. I looked at him straight into his eyes, just to prove him that I can do that. Even if I really can't.
"I can't believe it." iiling-iling niyang sambit bago bumangon at nagbihis.
Pagsara palang ng pintuan ng aking kwarto ay agad na nagpatakan ang mga luha ko. The pain in my chest spread in my body. Parang hindi ko kakayaning ibangon ang sarili ko sa sobrang panghihinang nararamdaman.
Nagflash sa isip ko ang lahat ng oras na kasama ko si Markuz. Ang pagtawa ko sa tuwing kasama ko siya. My chest hurts. Lalong lumakas ang pag-iyak ko sa naisip.
Ano ang lahat ng iyon? Gusto ko siya diba? Masaya ako tuwing kasama ko siya. I even felt secure in his arms. At alam kong mahal ko na siya diba? Bakit ganto? Argh! Parang nawala lahat!
Tatlong magkakasunod na katok sa aking pinto bago ito bumukas. Tanghali na at nasa kwarto pa din ako, hindi pa bumababa. I stopped my blower and looked at him, Enzo.
Tapos na akong maligo at magbabad sa bathtub ko. Halos isang oras yata akong nakababad doon at walang balak tumayo kung hindi ko lang namalayan ang oras. Napahinga ako ng malalim ng makita ang mga tingin niya. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya, pero mabilis itong nawala at napalitan ng ngiti.
"Ate, kakain na." he said and close my door.
Napabuntong hininga nalang ako ng sumara ang pinto at maiwan akong mag-isa. Wala akong balak na bumaba at kumain kasabay sila, baka mas okay kung mamaya nalang ako pagtapos na sila.
BINABASA MO ANG
Prisoner Of Love : Book 2 (COMPLETE)
RomanceSi Jeanelle Chua ay isang babeng nasawi sa pag-ibig na matagal niyang hinihintay. Paano kaya kung sa kaniyang paglimot ay ang pagdating ng kaniyang tunay na ina para kuhanin siya at ipakilala sa kaniyang pamilya. Ang masaklap pa, ang kaniyang guston...