Tirik na tirik na ang araw at halos pasukin na ng sinag nito ang silid kung saan nakahilata pa rin si Fuse na mistulang lantang gulay dahil sa pagod sa kanya pinagtatrabahuhan nitong mga nagdaang araw. Hindi sang-ayon ang kanyang magulang sa trabahong iyon ngunit nagpumilit pa rin sya kaya wala ng nagawa ang mga ito kundi ang galangin nalang ang kanyang pasya.
Nasa hustong gulang na si Fuse, at isa iyon sa dahilan kung bakit pumayag ang kanyang mama at papa. Hindi na sila umapila pa dahil alam nilang hindi susunod ang kanilang anak sa gusto nila.
Papungas-pungas syang bumangon. Umupo sa gilid ng kama at hinagod at magkabilang mata na pilit iminumulat. Kahit ang talukap ng kanyang mata ay kusang bumabagsak na mistulang may sariling pag-iisip kaya muli nyang inihiga ang kanyang katawan sa kama.
Maya maya pa ay bumukas ang pintuan ng kanyang silid at iniluwa nito si Jae na bihis na bihis na parang may pupuntahang magarbong kasiyahan dahil sa suot nitong skin tone off shoulder na dress at skin tone stiletto heels na may taas na isang pulgada, habang nakasukbit ang Bolide Hermes purse sa kaliwang braso.
"FUSE..." Umalingawngaw ang tinig ni Jae sa kabuo-an ng silid kaya napabalikwas ng bangon si fuse at masamang tingin ang ipinukol sa taong nakatayo sa kanyang harapan habang nilalaro ang hibla ng buhok. "Hindi ka ba sasama?" Tanong ni Jae at lumapit sa bedside table at ipinatong ang purse na nakasukbit sa braso.
"Pagod ako Jae, kayo nalang muna, tutal kasama mo naman si Luke at Techno." Bagot na tugon ng lalake. Napa simangot si Jae at inikutan ito ng mata. "Pwede ba wag mo akong iniikot-ikutan ng mata. Kung hindi ako pagod e, sasama ako sa lakad nyo ngayon." Ani Fuse at muling humilata sa kama, nakatitig sa kisame na parang naghihintay sa isang bagay na dapat mahulog sa kanya.
"Ngayon ka na nga lang namin inaya tapos hindi ka pa sasama. Ilang Linggo ka kayang abala sa bago mong trabaho, minsan nga nakakalimutan mo ng kasama mo kami dito." Umupo si Jae sa gilid ng kama at umiktad ng ilang ulit kaya napa pikit na lamang si Fuse. "Sumama ka naman, kahit ngayon lang. Masaya do'n tsaka alam mo ba na uuwi si Champ ngayon." Nakangiting sambit ni Jae, umiling na lang si Fuse dahil hindi titigil si Jae sa pangungulit hanggang sa hindi sya pumayag na sumama sa lakad nila.
"Ang kulit mo." Bagot na bumangon si Fuse at inihagis ang comforter kay Jae. Kinuha ang towalya na nakasabit sa wooden stand malapit sa kanyang closet. "Hintayin nyo nalang ako sa baba, at maya maya tapos na rin ako sa p0ag aasikaso ng sarili." Walang ganang sabi ni Fuse bago padabog na isinara ang pintuan ng banyo.
"Bwesit na 'yan, natanggal tuloy ang hair clip ko." Asar na tumayo si Jae at dinampot ang kanyang purse sa bedside table at padabog na nilisan ang kwarto.
Tanghali na ng makarating ang buong barkada sa Five star hotel kung saan nag book si Jae upang surpresahin ang kaibigan nilang si Champ. Kunot ang noong nakatitig ang barkada kay Fuse na nakasimangot at nakapikit lamang sa kanyang inuupuan habang walang tigil sa pag yugyog ng kaliwang paa.
"Mukhang may inaantok pa." Basag ni Luke sa katahimikang bumalot sa kanilang apat. Tulala naman sa kawalan ni Techno habang nilalaro ni Jae ang hibla ng kanyang buhok.
"Pwede ba Jae itigil mo 'yang ginagawa mo, nakikiliti ako." Iritadong saway ni Techno.
Napaismid na lamang si Jae bago ibinaba ang kamay at ipinatong sa mga hita. "Ang arte mo, buti nalang talaga at hindi ikaw ang nagustuhan ko." Baritonong sabi nito.
"Pakialam ko sayo." Walang ganang tugon ni Techno at pinagtaasan ito ng kilay.
Lumipas ang sampung minutong paghihintay sa loob ng hotel. Maya maya pa ay nag ring ang cellphone ni Jae kaya agad nya itong sinagot.
"Hello? Oh... Champ nasa'n ka na? Malapit ka na ba?" Bungad ni Jae sa kausap sa kabilang linya. "Nasa entrance kana nitong hotel?" Sunod nitong sambit kaya napatayo si Luke gano'n rin si Techno. Si Fuse naman ay tulala lang sa kawalan na para bang nagkakape pa rin sa bahay ang kanyang diwa dahil sa inaasal nya ngayon. "Sige sasalubungin ka namin." Masayang sabi ni Jae bago ibinaba ang cellphone at inilagay sa purse na nakapatong sa lamesa, sa kanyang harapan.
"Nasaan na ba sila?" Tanong ni Champ sa kasamang lalake na abala rin sa pag pindot sa screen ng cellphone na hawak nito. "Kanina pa tayo dito. Akala ko pa sasalubungin nila tayo." Bagot na umupo si Champ sa maleta at itinuon nalang ang pansin sa hawak na cellphone.
"Hintayin nalang natin, maya maya nandito na rin sila." Sagot ni Tee kasabay ng pagsuksok ng cellphone sa bulsa at inayos ang kwelyo ng suot nitong polo shirt. "Sya nga pala, bukas mag sisimula na ang trabaho ko sa kompanya ni papa, kaya baka hindi na ako makasama sa bonding nyo bukas." Seryosong sabi ni Tee kay Champ. Tumango naman ito ngunit bakas sa mukha na tila agad napawi ang sayang kanina pa nakaukit sa mukha nito.
"Ang bilis naman yata?"
"Kaya nga e, pero baka mapapakiusapan ko si papa ma sa susunod na araw nalang ako mag sisimula. Tutal nando'n pa naman si kuya para mag asikaso."
"Ikaw ang bahala, baka kasi kailangan ka na ng papa mo do'n."
"Hindi naman siguro. Pero tatanungin ko nalang mamaya."
"Sya nga pala mag babanyo lang ako. Maiwan muna kita." Sambit ni Tee sabay tingin sa wrist watch sa kaliwang kamay.
"Uhmmmm, hihintayin ka nalang namin dito." Nakangiting tugon ni Champ.
Tee POV:
Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko mamaya o bukas kay papa, nakakalungkot naman kung hindi ako sasama sa bonding ng barkada lalo na't ilang taon rin kaming hindi nagkita.
Nagtagal kami ni Champ ng dalawang taon sa U.S para tapusin ang pag-aaral namin doon. Hindi sana ako sasama dahil kaya ko namang tapusin ang pag-aaral ko dito sa bansa. Ngunit masyadong mapilit si tita, ang kanyang mama.
Nahiya naman akong tanggihan ang alok na iyon dahil malaking opportunidad iyon upang makatungtong rin ako sa bansang matagal ko ng gustong puntahan.
Sa aking paglalakad sa lobby ng hotel hindi ko namalayan na may lalake pala akong kasalubong, iiwasan ko pa sana ngunit huli na ang lahat ng magtama kami sa isat-isa, kapwa nabuwal sa kinatatayuan at sabay na bumagsak sa lapag.
Napangiwi ako, agad naman akong tumayo upang tulungan ang lalakeng nakasalampak sa lapag. Ngunit ng aabutin ko na ang kanyang kamay ay agad nya itong tinabig at tumayo na rin na parang walang nangyari.
Tumingin sa akin at nginitian ako, pagkakuwa'y tumalikod na rin kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Hindi man lang nanghingi ng pasensya." Bulong ng isipan ko habang sinusundan lamang ng tingin ang lalake hanggang sa tuluyan na itong nakalabas sa main door nitong hotel.
"Sabagay may kasalanan rin naman ako. Kung tumingin lang sana ako sa nilalakaran ko ay hindi ako babangga sa kanya." Anas ko sa aking isip. Bumuntong hininga na lamang ako at tuluyan ng binaybay ang pasilyo patungo sa mens room.
"Sino kaya ang lalakeng 'yon?" Tanong ko. Napailing-iling ako. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito.
Napabuga ako ng ilang ulit pagpasok ko sa banyo. Humarap sa Large Simple Round 1 Inch Beveled Circle Wall Mirror. Bago pumasok sa isang cubicle.
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
Tee × Fuse [BoomPeak. FF]
Fanfiction"Kapag mahal mo ang tao mahalin mo at wag mong itanggi at mas lalong wag mong sasaktan. Dahil sa bawat oras na pag-iwas mo, maraming pwedeng magbago na syang dahilan upang panghihinayangan at pagsisisihan mo". boy×boy Fanfiction ~GinoongManunulat99