Knock! Knock! Knock!
"Huy babae! Gumising kana't may pasok pa tayo!"
Nagising ako sa sigaw ng pinsan ko, unang araw kase ng klase ngayon at 2nd year High School nako.
Padabog akong bumangon at binuksan ang pinto.
"Wala kabang balak magmadali? Alasaes na! Bilis!" inis na sigaw nya.
Hindi ko sya sinagot at pabagsak na isinara ang pinto, pumasok na ako sa banyo at naligo.
Pag katapos kong maligo sinuot ko na ang uniform ko. Kulay puti na long sleeves, above the knee length skirt, white kneesock at ribbon. Stripes na kulay Red, White, and Black ang skirt...
Habang pababa ako ng hagdan narinig ko nanaman ang maingay na bunganga ng pinsan ko..
(-_-)
"Aba'y dalian nyo na jan sa taas at kakain na tayo! Malelate tayo sa pinang gagawa nyong yan!" sabi ni ate Shay.
Dahil sa sigaw ni ate ay dinalian ko na at umupo na sa tabi nya, maya maya pa ay dumating narin sina kuya Jude, Cuevine at Chaimine.
Chairine Ann Garcia, ate Shay for short siya ay 4th year High School na, iisa lang ang bahay na tinitirahan namin dahil kada linggo lang umuuwi ang mga magulang ko dahil masyado silang busy sa business kaya dito na tumira sina tita Yaz.
Elvine Jude Garcia, kuya Jude for short sya naman ang sumunod kay ate Shay(3rd year High school).
Cuevine James & Chaimine Jane Garcia they are twins... Fraternal twins or Dizygotic twins, sila ang bunso sa kanilang mag kakapatid at 1st year High school sialng dalawa.
Sina Tita Yazmine at Tito Joseph ang parents nila.
Habang kumakain kami tinignan ko isa-isa ang mga pinsan ko ang gaganda't gugwapo nila.
Ang ganda ni ate Shay, kayumanggi ang kulay ng balat niya, kayumanggi rin ang kulay ng buhok at mata nya na namana nya kay tita Yaz , at natural na kulay rosas niyang bibig, kasing tangkad ko lang si ate Shay.
Kagaya ni ate Shay, Kayumanggi rin ang kulay ni Kuya Jude, makakapal ang kilay pero bagay sa kanya, mala uling na mata, namana naman nya naman kay tito Joseph at mas matangkad ng kaunti kay ate Shay.
Si Cuevine at Chaimine ay medyo maputi kina ate at kuya pero si Cuevine ay kapareho ni ate Shay ng mata at si Chaimine naman ay kay kuya Jude, magkapareho naman sila sa ibang katangian.
Sa sobrang pag-iisip ko sa kanilang apat di ko namalayang tapos na pala kaming kumain.
Iniligpit na nila yaya ang pinagkainan namin at hinatid naman kami ni Tito Joseph sa school.
Ilang minuto ang nakalipas ay nandito narin kami at tama nga si ate! Muntikan pa kaming ma late dahil 8:00 ang start ng klase at nakarating kami ay 7:40 kaya nag dali-dali kaming pumunta sa kanya kanya naming classroom.
'Saan ba dito ang room ko' nagmamadaling sabi ko sa isip ko at nag patuloy sa pag lalakad.
Ilang minuto pa ang nakalipas pero di ko parin makita ang classroom ko, kaya naman ay nag tanong ako sa nakasalubong kong Teacher.
"Good Morning po Miss" nakangiting wika ko"Saan po ba dito yung building ng Grade 8? "dagdag ko pa
"Ikaw ba yung transfer student galing DIS?"tanong nya
"Ahh opo, di ko po kasi alam kung san dito yung room ko"nahihiyang wika ko
"Eh hindi dito ang building mo, Grade 9 building ito" nagulat naman ako sa sinabi nya "Ako ang adviser mo kaya sabay na tayong pumunta roon" nakangiting dagdag nya pa kaya tumango nalang ako at sumunod sa kanya.
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapatingin sa building at sa mga estudyante ring kagaya ko.
'Maganda nga kagaya ng sabi ni Mommy, pero sana hindi nalang ako lumipat eh ok naman ako doon sa DIS!' napairap naman ako sa naisip ko.
Ilang minuto lang ay nandito na kami sa tapat ng room at nasa 3rd floor pa talaga... Eh tinatamad pa naman akong sa maraming lakad ih...
(-.-)
"Ms. Garcia right?" nakangiting baling sakin ni Miss...
'Tse! Di ko pala alam pangalan niya..'
Tinanguan ko naman sya...
"Dito kalang muna at eh papakilala kita sa kanila mamaya" nakangiting tugon nya... Tinanguan ko nalang siya...
'Anong trip nun? Eh pwede namang sabay kami?! Tse! Iba topak nun ahh!'
Kahit gusto mong sumilip sa loob eh hindi ka makakasilip dahil sliding window ito at nakababa pa yung kurtina nila! Punyeta!
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at sinenyasan naman ako ni Miss na pumasok kaya naman ay pumasok nako.
At pagpasok na pagpasok ko talaga ay ang mga matang sakin lahat nakatingin, nakaramdam naman ako ng inis at hiya.
'At bakit sakin talaga lahat ng tingin nyo hah?! Anong klaseng buhay toh?!'
"Siya ang bago nyong kaklase galing sa DIS" wika ni Miss "Magpakilala kana sa kanila iha" nakangiting wika niya pa
Tumingin naman ako sa kanila nang walang emosyon...
"I'm Saihrein Cuerah Suarez-Océane Garcia, 14 from DIS" seryosong wika ko
Napatingin naman ako sa kanila at kitang kita sa mga reaksyon nila ang pagkamangha...
"Halos kasi sa mga estudyante dito ay may iba't ibang lahi" nakangiting sabi niya "Pwede mo bang sabihin samin kung may lahi ka at kung ano ito?" dagdag nya pa..
Tumingin naman ako sa kanya at ibinalik ko ang paningin ko sa mga kaklase ko.
"half French and half Spanish" walang ganang wika ko
"Ahh ganon ba?! Sige na umupo kana Ms. Garcia" nakangiting namamanghang sagot niya
Nilinga-linga ko ang paningin ko kung saan may bakanteng upuan at nakakita naman ako agad, nasa last row yun kaya naman pumunta ako sa likod at umupo.
Nasa right side ako, ikalawang upuan katabi ng bintana, babae ang nasa kaliwa ko at lalake naman ang sa kanan.
"Hi!" nagulat naman ako nung magsalita ang katabi kong babae.
Tiningnan ko lang siya nang nagtataka..
"I'm Alixi Marre del Rosario Davis, half American/half Filipino, I'm also 14 and nice to meet you"
BINABASA MO ANG
Chasing Sweet Skies
Teen FictionAko yung babaeng SIMPLE lang ang buhay, Kontento nako sa buhay ko. Pero dapat ba akong makontento sa nalalaman ko sa pagkatao ko? Parang may parte sa buhay ko na kulang. At yung ang aalamin ko.