" Sa wakas tapos na ang finals, at mag fo 4th year highschool na tayo next school year"Umupo si Anica sa tabi ko at inakbayan ako, ang saya saya namin dahil tapos na ang finals, wala na kaming proproblemahin at mag sasaya na kami pagkatapos nito.
"Yeah, so saya ka na niyan?" natatawang sabi ko
"Hoy Zafiyah Ivory Andrea, bakit parang hindi ka masaya ha?" binigkas niya ang buong pangalan ko at nakapameywang pa na humarap sa akin na aktong pinapagalitan ako ng mama ko, isa lang masasabi ko, napaka OA niya sa totoo lang.
"Duhhh hindi naman sa ganon, masaya ako, sadyang OA ka lang talaga, btw, nagugutom na ako Anica, pwede ba samahan mo nalang ako kumain" napairap nalang ako ng sabihin ko iyon
"At dahil ikaw ang nag aya, ililibre mo ako Zia, please" nag puppy eyes pa ito sa harap ko at nag mamakaawa, bakit ba parang walang kapera pera tong babaeng to? eh sila lang naman ang nag mamay ari ng mga naka kalat na sikat na hotel sa Pilipinas. She is Anica Isabelle Amos, She is an Fil-Am her monther is a Filipino and her Father is an American. She is my bestfriend.
"Wala ka bang pera Ani?" naiinis na tanong ko
"Wala" maikling sabi niya
"Kung ganon, ibenta mo na ang isa sa mga hotel niyo"
"You're so mean huh?!" natatawa nalang ako dahil mukha siyang bata na nagmamaktol na parang ayaw bilhan ng candy ng kanyang ina.
"Okay Ani, talo na ako" tinaas ko pa ang dalawang kamay ko, senyales ng pag suko ko, at lumiwanag ang mukha nito, napairap nalang ako sa ere
"I wan't some uhmmm..." ang kamay nito ay nasa baba niya at nakatingin sa taas na animo'y nag iisip "I wan't spaghetti with chicken, apple juice, 1 slice of cake and 1 potato chips" pumalakpak pa ito dahil sa saya
"Wow Anica, just wow inubos mo na ang pera ko"
"Zi, minsan ka nalang manlibre susulitin ko na" sabi nito at napakalawak ng ngisi sa labi.
Padabog akong pumunta sa counter at bumili ng mga pinabili niya, umorder nalang din ako ng salad at ito nalang ang lunch ko, I'm on diet at sayang naman ag pag g-gym ko kung mag papataba lang din naman ako. I am a volleyball player so kailangan ko i mentain ang body ko kahit naman hindi kailangan haha.
Pag karating ko sa table ay padabog kong linapag ang mga pagkain sa harap niya ngumiti nalang ito sa akin at nag simulang kumain
Habang kumakain kami ay iniisip ko ang exam kanina, tapos na ang finals at 4th year na nga kami next school year at naka pag isip na ako kung anong kukunin ko sa college, Bussiness Ad ang kukunin ko besides may sarili kaming company at balang araw ako ang mamamahala doon sabi ni Daddy, hindi ko ginusto ang course na ito dahil may sarili kaming kumpanya, kundi dahil gusto ko at matagal ko ng pinag isipan ito.
btw, I am Zafiyah Ivory Andrea Valdez, Yes I have three names, ang haba ng pangalan ko hindi ko alam kung ano naisip nila mommy at daddy kung bakit ang haba ng pangalan ko, at kami din ang nag mamay ari ng isa sa mga bigating kumpanya sa buong Pilipinas, the Valdez group of Company. Again I am Zafiyah Ivory Andrea, but just call me ZIA the initials of my name, Z.I.A
Z is for Zafiyah, I is for Ivory and A is for Andrea. gets? Ziya not Zi-ah."Saan na tayo pupunta?" tanong ni Anica habang nag lalakad kami, sa pathway ng school.
"I don't know, uhm ikaw bahala" walang ganang sabi ko
Palingon lingon ito sa paligid at nag hahanap ng magandang puntahan, nasa harap na kami ng gym at saktong napatigil ito
"Nood tayo ng basketball, ang boring wala tayong mapuntahan, may nag prapractice oh" sabi niya na kinanoot ng noo ko
