You received a new notification!
You received a new notification!
You received a new notification!Napatigil ako sa paglilinis ng kwarto sa sunod sunod na pagtunog ng phone ko.
Aya Rodriguez
Helloo, ano gawa mo?Aya Rodriguez
Kamusta ka na? Gusto mo lumabas? Hehe treat ko!Aya Rodriguez
YoohooooO, are you there?Napasapo ako sa noo nang matanggap ko ang sunod sunod na mensahe na galing kay Aya. She has been like this for 3 years. Kahit na sinabi kong kaibigan lang ang tingin ko sakaniya, ni hindi man lang siya natinag at nagpatuloy pa rin siya sa pangungulit. Di ko pinansin ang mga mensahe niya at nagpatuloy nalang sa paglilinis.
Aya Rodriguez
You don't have to be mean, you know? :)Aya Rodriguez
Mahirap bang magreply, Ace?Napakunot ang noo ko sa dalawang magkasunod na tunog ng phone ko. Itinabi ko na ang walis sa veranda't naupo sa kama. Nag-inat inat ako dahil halos buong araw ako naglinis dahil kinalat ng kapatid ko ang mga libro ko. Kinuha ko ang cellphone ko at napailing. Hindi ko na alam gagawin ko sa babaeng 'to.
Ace Villaruel
Naglilinis ako. Sinabi ko naman sayo Aya, kaibigan nga lang ang turing ko sayo.Di ko pa man nailalapag ang phone ko, nakita ko na tumitipa na agad siya ng mensahe. This girl's gone nuts.
Aya Rodriguez
Okay lang nga, usap lang tayo please?Napailing nalang ako, imbis na replyan ko siya, chinat ko si Syleel.
Ace Villaruel
Kinukulit nanaman niya 'ko. Angkinin mo na kasi ako, Sy.Syleel Andrion
Hoy!! Para kang sira. Pero seryoso? Si Aya? Tatlong taon na siyang ganyan diba? Medyo..nakakatakot. Hehe.Biglang gumaan ang pakiramdam ko, everything lightens up when she talks to me. Napangiti ako, hulog na hulog ang loob ko sa babaeng 'to.
Ace Villaruel
Seryoso, nakakasagad na nga ng pasensya pero sinisikap kong intindihin eh.Syleel Andrion
Bakit ba kasi ayaw mo sakaniya?Ace Villaruel
Ikaw lang gusto ko. :(Natigil ang pakikipag-usap ko kay Syleel nang marinig ko ang sigaw ng kapatid ko. "Kuya!!! May naghahanap sayo!!" Binuksan ko ang pintuan ko at bumaba, "Anong petsa na April! Sinong maghahanap sakin ng dis oras ng gab-" Tila nahulog ang puso ko nang makita ko si Aya sa labas ng bahay namin.
Ace Villaruel
She's here. Aya's here, tangina.Inoff ko ang phone ko pagkasend ko kay Syleel. What the actual fuck...
"Aya? Anong ginagawa mo dito?" Sinenyasan ko ang kapatid ko na umakyat sa kwarto niya kaya agad naman itong sumunod. Parehas wala si mama at papa dahil sa trabaho kaya nama'y dalawa lang kaming naiiwan dito.
"Aren't you going to open the door?" Napalunok ako, sa bintana ko lang kasi siya kinakausap. "Gabi na, umuwi ka na Aya." Lumapit sya sa may bintana, "Hindi mo talaga bubuksan?" Sumimangot ako, "Bakit ba ang kulit mo? Sabing umuwi ka na eh!" Napasigaw ako sa sobrang pikon ko pero agad naman akong nanahimik. "Aya, please, umuwi ka na wala akong panahon para makipagtalo sayo." Akala ko aalis na siya nung lumayo siya sa bintana ngunit paulit ulit niyang kinatok ang pintuan, sinadya niyang laksan para pag tinginan sya ng mga katabi naming bahay.