Chapter 33

119 13 1
                                    

The hell!

Nagbiyahe kaming muli at pumunta naman kami sa Suah Rock Formations. It's really really beautiful.

 It's really really beautiful

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(credits : google)

Nagsigawan na naman ang mga kasama namin dahil excited ng bumaba. Maski ako ay excited na rin. Napakaraming bato at feeling ko masakit sa paa pero ayos lang. Makakapagtampisaw ako ng husto dito!

"Guys, ingat lang dahil medyo madulas. May mga lumot sa paligid."Mabilis na bumaba si kuyang tour guide at inalalayan ang lahat. Nang ako na ay tumalon si Berwyn at mahinang itinulak ang guide.

"Ako na ang hahawak sa kaniya. You go on and help the others."

"Ang sweet naman talaga ni boy kulot! Tristan do the same for me please!"Nathalie and her freaking mouth.

Nag-aalinlangan tuloy ako kung tatanggapin ko ang kamay niyang iniaabot niya sa akin. Ayan na naman kasi silang nangangantiyaw.

"Come on white lady! Nangangalay na ako!"

"Ito na!"Asik ko sa kaniya.

"Hoy kulot! Stop touching my sister!"Nagulat ako ng hilahin ako ng kuya ko at itago sa likuran niya na para bang super hero na inilalayo ang isang prinsesa sa isang villain.

"Ako ang alalayan mo! Sige akin na kamay mo!"Sigaw niya pero tinakbuhan siya ni Berwyn.

"You are a gay!"Sigaw niya sa kuya ko na tinawanan ko lamang. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Epic mo kasi kuya!"

Nang makababa ang kuya ko ay binuhat niya ako. Kinarga niya ako hanggang sa makatapak na ako sa mga bato. Aray! Masakit ang tusok ng bato sa sandals ko.

Tinanggal namin lahat ang suot naming life vest. So ang mga babae ay naka bikini at ang mga lalaki ay naka topless. Well, si Darwin ay naka polo ng yellow. Ako lang ang balot na balot.

"Hahuntingin ko nga ang punyetang kulot na 'yan at lulunurin ko talaga."Sinuntok ko ang matigas na tiyan ng kuya ko.

Para siyang sira talaga! Ang lakas ng tama niya.

"Ilulunod ko ang sarili ko kapag ginalaw mo siya Yelo. Tingnan lang natin."Iniwan ko na siya. Bahala nga siya sa buhay niya.

Nagpalinga linga ako at pinagmasdang mabuti ang kalawakan ng dagat. Sa malayo ay asul na asul at kapag narito ka sa malapit ay kulay green at kitang kita ang mga bato at may iilang mga malililiit na isda dahil napaka clear ng tubig.

Nagkahiwa-hiwalay na kami at nagkaniya kaniya ng mga daan. Busy sila sa pagpipicture at busy naman ako sa pag admire sa view.

Pumunta ako sa isang side ng rock formation na hinahampas ng mabilis ngunit maliliit na alon. Pagkahampas ng alon ay lalayo at maya-maya ay hahampas na muli.

Chasing Mr.  Weirdo (Ang Crush Kong Wirdo Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon