THIRD EYE

8 1 0
                                    


I didn't know where I am, the place were so dark, tunog lamang ng tubig sa batis ang naririnig ko. A loud noise filled the place, I walk towards the pine trees because that's where the loud noise came from.

Dahan dahan ko'ng sinuyod ang lugar na ito na puro puno. This place were like a forest, with those biggest pine trees, sound of over flowing water from the river, and those noise came from those animal creatures who are alive at night.

Napalingon ako sa may bahay kubo sa di kalayuan, I saw a little boy running towards the house, madungis parang napabayaan.

Tinakbo ko ang kakayuhan at sinilip.

Wala ang bata doon, pero laking gulat ko ng pagharap ko sa likod ko ay andon siya tumatawa. I was scared, cold sweats were running from my face up to my neck, he stares at me like I am a prey ready to catch. I run, tinakbo ko ang gubat dahil sa takot na baka maabutan niya ako.

Rinig ko ang tawa niya habang tumatakbo ako, tinakpan ko ang tainga ko dahil ayoko marinig ang tawa niya. His laugh gives me chills, hindi ko na kaya ito, sa bawat pag layo ko mas lalo ko siyang nararamdaman. Lumingon ako sa mula sa tinakbo ko sa bahay kubo sa di kalayuan at wala na siya roon.

Lumingon ako sa tinatahak ko at nakita ko siya roon, duguan at nakangiti sakin.

Nagising ako sa isang masamang panaginip. Hinahabol ang hininga at malamig ang pawis, humagulgol ako nang nalaman na panaginip lang pala ang lahat.

Ilang araw na ako'ng panaginip ng hinahabol raw ako, sa bawat pag pikit ko iyon ang nakikita ko mukha ng bata na duguan.

Naligo ako para mahimasmasan, ito ang araw na pinakamatindi ang napanaginipan ko. Naalala ko ang sabi ng mama ko bago siya mamatay, pag dating ko sa legal na edad ay mabubuksan ang third eye ko.

Back when I was a child, alam ko na may third eye ako at pinasara lang daw sabi ng magulang ko. My mama died when I was 12 years old, dahil sa bangungot. Si papa naman ay namatay pag katapos ako ipinanganak ni mama dahil sa inatake sa puso. I may be unfortunate with my life for the first time that I was born, but god gave me a special gift.

Dalawang araw na lang at birthday ko na. Hindi ko alam kung masasayahan ba ako o hindi dahil alam ko ang mangyayari sa'kin sa araw na iyon.

Papasok na ako sa eskwelahan nang may kumalabit sa'kin.

"Hi," bati ni Kely sa'kin.

Siya ang kaibigan ko, nakakakita rin siya ng mga espiritu na hindi nakikita ng iba. Alam niya rin ang sekreto ko, alam ko rin ang kanya kaya siguro naging malapit kami.

"Kamusta ka?" Tanong niya habang inaayos ang ipit sa ulo niya.

"Ayos naman," sabi ko na parang wala lang.

"Nakatulog ka na ng maayos?"

"Hindi, ganun pa rin. Hindi ako pinapatahimik nung bata," lungkot na sabi ko.

"Sino ba kasi iyon? Ano'ng kinalaman mo sakaniya?"

"Hindi ko rin alam, ayoko ng alamin 'yon."

Dumiretso na kami sa room namin at nang napalingon ako kay Kely ay nakatingin siya sa may binata na parang gulat.

"Oh, bakit?" Nahimasmasan naman siya sa tanong ko kaya napalingon siya sa'kin.

"Wala, nagulat lang ako, nakita ko iyong janitor na namatay nung nakaraan sa school na 'to." Kinalibutan ako sa sinabi niya dahil doon, wala man ako'ng nakikita ngayon pero na tatakot ako sa mga sinasabi niya.

Dumating na ang guro at nag turo na, habang ako di pa rin mapakali habang nakikinig sa mga sinasabi ni  Miss Guzon.

Nagulat na lang ako ng may pumasok na lalaki na naka uniporme tulad namin. Umupo siya sa tabi ko, may bago pala kami'ng classmate? Kahapon lang ako umabsent ah, may bago na agad?

Midnight DiariesWhere stories live. Discover now