"Letting you go doesn't mean I don't love you anymore. I just want you to be happy without me now that you have her."
PINUNASAN ko ang aking luha at tumalikod kay Matthew. Nagbabaka-sakali akong habulin niya ako ngunit HINDI. Ang sakit. Sobrang sakit! Pero kailangan kong gawin.
Kung ang kalayaan niya ay katumbas ng aking sakripisyo, ito na yata ang pinaka-stupidong ginawa sa buong buhay ko. Mahal na mahal ko siya pero hanggang doon nalang iyon. Wala ng saysay. I'm keeping my man as long as I can pero mas masasaktan ako dahil hindi na ako ang rason sa mga ngiti niya ngayon.
We're both happy. Yung tipong every simple efforts, nakakakilig na. Foodtrips. Roadtrips. Dates. Surprises. Travels. Nagawa na namin ang mga yan. Relationship goals 'ika nga nila ngunit nag-iba ang ihip ng hangin. Dumating na sa point ang panlalamig ng relasyon. Ang dating Matthew na kilalang-kilala ko na sweet, caring, understanding, thoughtful ay naglaho na. I asked him kung anong problema ngunit he just smiled,
"Wala babe. Mahal na Mahal Kita. Yun ang importante."
Gusto kong paniwalaan ang sinabi niya. Pakiramdam ko kasi lahat ng sinasabi niya sa'kin, wala ng laman. Hindi na sincere. Well, it turns out that way. Iniinda ko. Napaparanoid na ako kakaisip kung ano ba talaga ang mali o ako ba ang mali? One time, tinanong ko ulit siya straight in his eyes,
"Mahal mo pa ba ako?"
He can't look me straight the way I look at him. Balisa siya.
"O-Oo naman babe! A-Ano bang klaseng tanong yan?"
He lied. I want to know the truth. Desperadang-desperada na talaga ako. He changed his password. I tailed him many times and I found out, he's dating my bestfriend. They're both happy. They fool me perfectly! I don't need an explanation. Sapat na sa'kin yun. Nakalulungkot lang na pinagmukha nila akong tanga! I decided to meet him on the day of our 10th anniversary and said everything I want to say.
NAKARATING ako sa bahay na tulala. Yun ang huling sinabi ko sa kanya. I really mean it. Sobrang bigat ng pakiramdam. Nagkulong ako sa kwarto. Humahagulhol. Nagdurusa. Nag-vibrate ang phone ko. He texted me.
"Rose, I'm really really sorry."
Tumulo na naman ang mga luha ko. It's a final goodbye for the both of us. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.
"It's okay, that's love. You deserve someone better."
Moral Lesson: You can't keep a man/woman when someone else is also keeping him/her. Kung nadapa ka man sa pag-ibig ngayon, kailangan mong bumangon. Ibig sabihin, may taong nakalaan talaga para sayo. Chin up. Trust no one except yourself. Minsan kasi kung sino pa yung nandiyan sa paligid mo, sila rin yung titira sayo patalikod.
END!
Vote, Comment, and Share is highly appreciated. Thank you! ♡'・ᴗ・'♡
Date Originally Published: May 16, 2020 (Saturday)
DISCLAIMER
Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kwento ay pawang kathang-isip lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad ay hindi sinasadya ng may-akda.
Ang anumang bahagi o kabuuan ng kwento ay hindi maaaring sipiin o mailipat sa ibang porma at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng kinauukulan.
All Rights Reserved, 2020.
YOU ARE READING
I Love The Way You Lie [ONE SHOT STORY]
Short Story"Wait for the right man. Kung kayo, kayo" -Maria J-