Chapter 1

47 0 0
                                    

KELLY's POV

Sa bahay.

“I have to tell you that you’re accepted and as soon as your requirements are ready please bring it here so we can talk about your salary and stuffs, okay Miss Sanchez?”

“Yes sir, thank you sir! And sir I already I have the required papers so I’ll come by tomorrow. Thank you again sir”, ibinaba ko na ang phone matapos kong marinig ang end tone.

“Kyaaaa!!! Waaah!! Hahaha yeaaah!!!”para akong loka loka sa kakasigaw at kakatalon sa kama sa sobrang saya

“Kelly!!!,  Ano ba at ang ingay ingay mo. Kung makasigaw ka diyan parang may sunog. ”, sigaw ni kuya George.

“Eh! Kasi naman.. hihihi, may trabaho na ako!”, napacaramel dance ako habang nagpapaliwanag.

"Kakatawag lang sa akin ng inapplyan kong kompanya at ang sabi tanggap na daw ako. "

“OH! Talaga? Girl! Congrats huh!” sagot ni kuya George este ate Georgia, basta. Beki kasi siya.

“Kaya nga girl, mag cecelebrate tayo. My treat!”,syempre kelangan mag celebrate di ba? Oo nga pala, ganyan na kami ng kuya ko. Accepted na kasi ‘yung gender status niya sa bahay.

“Sige sige. I know some place. Uy, imbitahan mo rin mga ate mo. This is a big celebration sister!!!”, sabit ni kuya.

I have two other siblings pa. Apat kaming magkakapatid. Si kuya ang panganay sa amin, then si ate Bridget na teacher sa isang private school, si ate monica na nurse at ako na kakagraduate lang last month.

“Eh, kuya ikaw nalang. Natatakot kasi ako na....” kasi naman, si kuya lang ung close ko sa other family members namin. Reasons? Many to mentions.

“Ano ka ba! This is your time to shine sa mga baliw mong ate. Your star is starting to shine, and one day will shine even brighter. Marerecognize ka rin nila! Go!”, tinulak pa ko ni kuya papuntang living room. Andun kasi si ate bridget.

“Ahm, uhm”, nagkunwari akong nauubo para mapansin ni ate, “Ahm, ate bridget. Kasi.. ano po kasi…”

“Kung hindi naman importante yung sasabihin mo huwag mo ng ituloy. Busy ako”, mukha nga siyang busy. Nag luluffy-tuffy kasi siya. May parang mga records na chinecheck.

“Ahm. Kasi po ate, may trabaho na po ako. And yayayain ko po sana kayo. Magcecelebrate po kasi kami ni kuya.. kung okay lang..”

“Busy ako.” sagot ni ate Bridget

Hay, eto na naman po kami. The walang pakialam mode ni ate Bridget.

“Ate, saglit lang namn po. Or kung gusto niyo po kahit huwag na po tayo lumabas, kahit dito na lang po sa bahay. Papadeliver na lang po ako ng ice cream at pizzas..”

“I said busy ako, bingi ka ba?” kinuha na niya yung laptop niya “ Tabi nga diyan”, tinabig niya ako at umakyat na siya sa taas. Papasok na siguro sa kwarto nya.

“Hay….”, as I expected ganun na naman siya sa akin.

Lumapit sa akin si kuya.

“Okay lang yan sister. Try mo si Mony.”, sabi ni kuya habang hawak yung kamay ko, trying to cheer me up. At sakto, andiyan na si ate monica. Dali dali akong pumunta sa pintuan para salubungin siya. Pababa na si ate monica sa kotse nya. Mukha siyang pagod. Nag aalangan na tuloy ako. Eto naman si kuya..

“Go girl! You can do it!”, Pabulong ni kuya sa may likod.

Yeah! I can do it. Every chance is an opportunity.

I Love You because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon