🌒
“Yah” sabay bukas ko ng pinto ni Kuya
Naabutan ko siyang ibinobotones ang polo niya. Itinagilid ko ang ulo ko ng hindi namamalayan dahil sa pagtataka, school day ngayon ah bakit siya nakaganyan?
“Sol, you should knock before entering hmm” tumingin siya saakin at sinenyasan na pumasok
“Bakit ka nakaganyan? Celine didn’t inform me na may meeting” ako habang pinapanood siyang ayusin ang buhok niya
“It’s my private client, anyways do you need something?” ah oo nga pala.
“Uh I think napasama sa damitan mo yung panyo ko. May mark na purple sa gilid” kaagad naming tiningnan ni Kuya sa cabinet niya ito at iniabot saakin
“Before that, don’t tell mom I have a private client” kinuha ko na sa kamay niya ang panyo sabay tango
Nasa may hagdanan nako nang mapaisip, hindi naman tatawag si Mommy ngayong araw for sure, hm kalokohan nanaman kaya ginagawa non?
“oh kamjagiya” napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumagsak ang pintuan ng kwarto ni Dad.
Dali dali akong tumakbo pababa at kinuha ang school bag ko sa couch. Lasing nanaman siya at alam kong hindi magandang magpangabot kami. Buti nalang pagkalabas ko nakahanda na ang sasakyan.
Nasa gitna ako ng pagtitingin tingin sa paligid mula sa bintana.
“Kuya stop the car!” mabilisan akong bumaba para tingnan kung tama ba ang nakita ko
Baliw naba ako? I saw a guy with red hair. Baliw nga ata ako, hindi ko ito nakita kahit na ilang Segundo palang ng malagpasan siya ng kotse namin. May hangover padin kaya ako?
Ano naman gagawin ko kung nakita ko nga siya pagbaba ko ng sasakyan, baka random dude lang yun na may pulang buhok.
—2 weeks—
Tapos na ang event na naheld sa school, It has been 2 weeks already after that wild night and weird day, where i saw a red haired guy.
It’s a normal school day for us students, and a normal day for me na president hays.
“Huy, kelan ka matatapos jan ha?” napatingin ako sa mga papers na pinapaayos saamin ni Ms. Missy. Sinamaan ko ng tingin ang treasurer, nginisian niya lang ako.
“Madaya mas madami yung akin kesa sainyo oh!”- Ako
Nagkibit balikat nalang ito at sinimulan ng magstapler ulit
Dala dala ang mga nakaorganizer na papers, naglalakad ako papunta sa library. Pagkatulak ko ng pinto, iilang tao lang ang narito. Dumiretsyo nako sa sinasabing place ni maam para ilagay na ang mga ito doon.
Biglang parang nagglitch ang paningin ko kaya napahawak ako sa shelf na nasa tabi ko lang, ipinikit ko ng mariin ang mata ko.
Halos mabitawan ko ang mga hawak ko nang dumaan sa kabilang dulo ang lalaking may pulang buhok. Ilinagay ko ang mga hawak ko sa bakanteng lagayan at sinundan siya, nang makita ko ito, bigla nanamang parang nagglitch ang paligid at nahilo ako dahil dito.
Hindi siya karaniwang pagikot lang ng paligid, it looks like a computer when it malfunctions, it is as if the place is moving in parallel direction with green,blue and red lights. Sobrang sakit hindi lang sa mata kundi pati din sa ulo.
Mabilisan kong minulat ang mata ko at nang maging maayos na ang paningin ko, wala na siya doon.
Lutang akong lumabas ng library at dumiretsyo sa cafeteria, gutom lang toh. Nagorder ako ng napakaraming matatamis.