Father, I'm gonna say thank you
Even if I'm still hurt
Oh, I'm gonna say bless you
I wanna mean those wordsAlways wished you the best
I, I prayed for your peace
Even if you started this
This whole war in meYou did your best or did you?
Sometimes I think I hate you
I'm sorry, dad, for feelin' thisI can't believe I'm sayin' it
Iknow you were a troubled man
I know you never got the chance
To be yourself, to be your best
I hope that heaven's given you
A second chance( Father by Demi Lavato)
I know your reasons but of course hindi ko ma process nung una, sabi mo wala kang mukhang mahihirap sa akin kasi ganto ka lang or what. I don't really understand, honestly speaking hindi ko maintindihan kung bakit yun lang ang rason mo para hindi sakin magpakita ng ilang taon. Sa mga panahong kailangan kita, sa mga panahong gulong gulo ako. Sana inisip mo muna na hindi ko naman talaga kailangan ng mga materyal na bagay o ng kahit ano. Gusto ko lang makilala ka bilang ikaw, gusto ko lang maging parte ng buhay mo pero pinag kait mo pa. Alam kong tao ka lang din at naguguluhan, nalilito at may pinagdadaanan. Pero sana naisip mo din na nasasaktan din ako. Sa paglaki ko alam kong may kulang. Hindi naman ako madamdamin na bata, nung sinabi sakin na iba ang tatay ko tinagap ko lang dahil siguro hindi ko pa alam kung anong ibig sabihin. Kinausap ako, umupo kami saglit sinabi nila sakin ang sitwasyon at tinanggap ko lang. May mga panahong pumupuslit ako para makita yung dati kong ID dahil pangalan mo ang nakalagay sa Father's name, pero hindi naman kita kilala. Alam ko lang ang pangalan mo dahil yun ang sabi nila, kapag nag lalaro kami lagi kong kinukuha yung ID para sabihin sa mga kalaro ko na yun ang pangalan ng tatay ko. Isang araw may pinakita sa akin na picture mo kasama ang mga barkada mo nung mga teenager pa kayo, sabi ko pa nun ahhh siya pala yun. Pero wala akong marandaman Ang mahalaga nakita kita.
Highschool ako nung pinakilala ka sakin ng personal. Hindi ko maintindihan ang magiging reaction ko masaya ba ako? o galit ba ako? hindi ko maintindihan. Honestly, wala akong nararamdaman. Ngumingiti ako tumatawa, pero naguguluhan ako. I don't really understand, wala akong masabi that time hindi ko din alam yung mararamdaman ko. Una tayong nagkita natuwa ako at kinakabahan pero hindi ko alam kung totoo ba yung tuwa na nararamdaman ko kasi hindi ko maramdaman. Posible ba yun? Pero hindi ko din talaga maintindihan.
Minsan lang tayo magkita dahil may sarili ka na din naman na pamilya, ayos lang sakin pero aaminin ko masakit. Bakit sila kaya mong panindigan? naiintindihan ko yung sitwasyon mo kahit masakit naiintindihan ko. Nag chchat ka minsan tatawagan mo ako pero bakit hindi ko maramdaman? ako ba yung may kasalanan kasi pinipigilan ko yung sarili kong maattach sayo. Ayoko na ulit kasing iwan mo, na kapag napalapit ako sayo madali mo na ulit akong iwan. Sa buong buhay ko mabibilang ko kung ilang beses tayong nagkita siguro mga sampo? o mababa pa. Hindi naman kasi ako kilala ng totoo mong pamilya. Ayaw mo sigurong masaktan mga anak mo sa totoo mong pamilya. Hindi ko din talaga alam kung saan ako lulugar sa buhay mo, parte lang ba ako ng nakaraan mo. Alam ko naman na nag eeffort ka din na kausapin ako pero bakit feeling ko kukumustahin mo lang ako kapag naisip mo. Bakit feeling ko maalala mo lang ako na anak mo minsan sa isang buwan o minsan wala pa nga. Mas nauna naman ako sa kanila, bakit parang hindi ako parte ng buhay mo. Hanggang kelan ako magtatago sa nakaraan mo? hanggang kelan ako aasa na maging parte ng buhay mo. Hanggang kelan ako mag ststalk sa social media para lang makita ang mga kapatid ko at makita kayong kumpleto at masaya. Naiingit ako kasi hindi ko naranasan yun.Minsan nag tatanong ako sa mga kaibigan ko kung paano kumain ng buo ang pamilya, paano magkaron ng tatay. Hindi ko kasi naranasan. Minsan sumasabay ako sa kanila mag dinner masaya naman sila, hindi ko naranasan yun. Minsan naiingit ako sa mga pinsan kong buo ang pamilya hindi ko kasi alam ang feeling. Parang alien sa pakiramdam. Paano ba mag karon ng tatay na ipagtatanggol ka kapag may nang aaway at nang aapi sayo. Ano bang feeling ng may mag prprotekta sayo kapag may umaaligid na lalaki. Hindi din ako makarelate sa mga kaibigan kong proud na daddy's girl sila. Madami akong hindi naranasan at naramdaman dahil iniwan mo ako. Pero sabi ko nga iintindihin kita, kahit masakit at magulo iintindihin pa din kita. Maiintindihan kita, alam kong tao ka lang din, nasasaktan at naguguluhan hindi ka perpekto pero tatay pa din kita.
Masaya akong nakilala ka, hindi ko man masabi na mahal kita ng walang halong galit at sakit. Alam ko sa sarili ko na importante ka. Hindi ko man masabing miss na kita ng walang halong pag aalinlangan pero alam kong mahalaga ka.
Tinalikuran mo man ako noon lagi mo lang tatandaan na andito lang ako palagi nag aantay na iyong lingunin.
Sa iyong muling pagbabalik papa...