By: Dyamante💎
"Seira! Halika nga dito!" -Sambit ng aking ina
"Po? Ano po yun ma?" -Sambit ko
"Hay nako seira kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero ang bagal bagal mo!"-Sambit nito
" sorry po ma nag-aasikaso kasi ako sa–" -Naputol ang nais kong sambitin dahil isang malakas na sampal ang natamo ko
"Nagrereklamo ka ba ha?! Wala ka na ngang ginagawa eh! Letche kang bata ka wala ka talagang ka kwenta-kwenta!" -Sambit nito
Pumatak ang isang butil kong luha pero nagsalita muli ang aking ina."Yang iyak-iyak mo hindi ka pasado! Ikaw na nga yung reklamo ng reklamo pero ijaw pa yung iyak ng iyak che! Siguro pag laki mo wala kang maaabot dahil sa pinapakita mo! Konting suyo lang nga reklamo kana! Alis ka na dito duon ka sa sala linisin mo lahat-lahat ang kalat dun!" -Sambit ng aking ina
Kaya tumango nalang ako bilang tugon at agad dumiretso sa sala.
Nilinisan ko gamit ang walis ang daming papel papel dahil sa kapatid kong 7years old gumagawa kasi siya ng eroplanong papel at barkong papel.
Nilinisan ko na sana pero nagulat ako ng makakita ako ng mga gamit sa sahig."Nilagay ko na to sa divider ha?" -agad napabaling ang aking tingin sa taong nakatayo habang ngumisi ng nakakaloko.
Biglang kumulo ang dugo ko!"Kita mo namn naglilinis ako diba?! Inilagay ko na yan sa divider ate!" -Sambit ko
"Abay nagrereklamo kana?! Sumbong kita kay mama! Maaaaa"-sambit nito
" bakit?" -Sambit nito at agad pumatungo sa sala
"Nagrereklamo siya ma dahil nahulog ko lang yung gamit galing sa divider" -Sambit nito
"Abay magaling! Magreklamo kana pag may trabaho kana ha?! Pabigat ka lang dito sa bahay nakakainis ka!" -Sambit nito at agad akong sinampal
Tahimik lang ako dahil nasasaktan na ako.
Pinili ko na lang manahimik kesa sasagot sa kanila."Oh hindi ka makasagot?! Buti pa lumayas kana dito! Wala ka namang kwenta!" -Sambit nito
Kaya umalis ako sakanilang harapan at pumunta sa mga kaibigan ko.
Gulat na gulat ang aking mga kaibigan kung bakit ang pulang pula ng pisnge ko pero imbes na eexplain ko lahat ang nangyari ngumiti nalng ako at agad bumagsak ang aking mga luha na kanina ko pa pinigilan."Anong nangyari?" -Tanong ng kaibigan kong si Yiel
"Oo nga girl don't tell ne dahil nanamn to sa pamilya mo!?" -Sambit ng isa kong kaibigan na si ella
"Sorry pero gusto ko lang mag paalam sainyo" -Sambit ko
"What?! Paalam?! Anong klaseng sagot yan?! Wag mong ituloy kong ano binabalak mo ha!" -Sambit ni ella
"Don't ya even dare seira! Wag kang magpapakamatay dahil sa mudra mo!" -Sambit ni yiel
Ngitian ko lang sila at agad sumagot"Baliw! Hindi ako magpapakamatay.Lalayas lang ako sa bahay maghahanap ako ng matitirahan may ipon naman akong pera" -Sambit ko
"Hayss o sge bsta mag-ingat ka ha? Wag mo kaming kalimutan sei mahal na mahal ka namin.Alam namin ni ella pagod kana sa bahay niyo.Kaya ingat ka ha?" -Sambit ni yiel
"Hays hindi ka namin mapigilan pero ingat ka ha? Love na love kitang hinayupak ka" -Sambit nitong paluha luha
Kaya binatukan ko ito"Magkikita pa tayo bruha ka! Hahaha halika hug mo ako el" -Sambit ko
"Ako?" -Sambit ni yiel na umiiyak na rin
"Halika wag nga kayong umiyak hindi ako mamatay gago! Magkikita pa tayo at promise ko sa inyo sa pagkikita natin may trabaho na ako TANDAAN NIYO YAN" -sambit ko
Kailangan ko tong gawin upang ipakita sa pamilya ko na may maaabot akong pangarap.
Kaya pagkatapos ng pag-papaalam ko sa mga kaibigan ko umalis na ako at umuwi sa bahay kinuha ko ang mga gamit ko at ngayong gabi ako aalis.
Buo na ang desisyon ko kahit man nakaramdam ako ng kaba ipagpatuloy ko pa din to!Kaya saktong gabi na sumilip ako kung gising paba sila o hindi pero ma swerte nga naman dahil tulog na sila.
Kaya agad akong lumabas dala-dala ang aking bag pero biglang may humawak saakin."Ate san ka pupunta? Iiwan mo na kami? Iiwan mo na ako ate?" -Sambit nito habang umiiyak
"Aalis lang si ate babalik si ate para sayo.Sa ngayon hayaan mo muna si ate ha? Kailangan ko tong gawin maiintindihan mo rin sa paglaki mo" -Sambit kong napaluha
Tumango nalang ang aking kapatid at niyakap ako at yumakap rin ako pabalik.
Kaya ng matapos na akong nag-paalam umalis na ako sa bahay at tuluyan ng nakalayo.Hi ako nga pala si Seira Doneza 18 years old. Maganda ako,mataas ang ilong at may mataas na buhok. Isa akong dalagang may galit at sakit sa pamilya ko dahil lagi nila akong minamaliit.
Lagi nila akong sinasaktan ng mga salita lalo na ang ate ko na nagngangalang Jane.
May trabaho siya at ang kanyang trabaho ay isang casher sa isang mall.
Pinagmalaki niya ang kanyang trabaho dahil malaki daw ang sahod pero kahit isang piso mn lang hindi siya nagbibili ng pagkain.At sa mama ko naman lagi siyang nagbibitaw ng mga masasakit na salita at favorite niyang anak ang ate ko dahil masipag raw ang ate ko tskk
Balik na sa storya ko–Nandito ako naglakad lakad sa highway at nag-iisip ako kung saan ako matutulog pero ng hindi ko namalayan nag sleep walking na pala ako at bigla kong naimulat ang aking mata dahil tumunog ang isang busina ng kotse at agad napabaling ang aking tingin pero bigla akong nabunggo and everything went black.
Nagising na lang ako ng napagtanto kong nasa malaking kwarto ako!!?
Agad akong nabangon pero biglang sumakit ang ulo ko."Aray a-ah nasaan ba ako?" -Sambit ko
Biglang bumukas ang pinto at may isang babaeng may edad na ngumiti ito saakin at lumapit."Ok kana ba iha?" -Sambit nito habang may halong pag-alala
"Ho? A-ah ok lng po a-ako" -Sambit ko
"Pasensya na iha na bunggo ka kasi ng driver ko at nakita kitang tulog habang naglalakbay at may dala kang bag kumayas ka ba sa bahay niyo?" -Sambit nito
Agad tumulo ang aking luha"May problema ba iha?" -Sambit nito
Agad ko siyang niyakap pero bahala na kahit hindi ko kilala ang taong to"Pasensya na po ang sakit lang po ng aking pinagdaanan" -Sambit ko
"Ok lang iha.By the way may matitirhan kaba?" -Sambit nito
Napailing lang ako ng ulo bilang tugon na wala akong matitirhan"Kung ganon dito ka tumira sa mansyon ko ako lang naman ang nakatira dito at mga maids ko"- Sambit nito na nakangiti
" nako po baka pabigat lang ako" -Sambit ko
"Shh wag mong isipin yan iha.Gusto ko rin kasi magkaroon ng anak dahil sa kasamaang palad namatay ang anak ko dahil sa aksidente" -Sambit nito may halong lungkot sa mukha
"A-ah pasensya na ho diko po sinasadya" -Sambit ko
"Ok lang iha tanggap ko na kahit masakit pero kailangan bumangon.Anyways you should live here para yan na ang bayad ko sa pagkabunggo ng driver ko sayo"- Sambit nito
" sge po payag ako pero pwede po ba habang tumira ako dito maglilinis ako? Ayaw ko po kasing mag tanggap ng ganon ganon lang" -Sambit ko
"Wag na iha pero kung gusto mo para maging komportable ka may naisip ako" -Sambit nito
"Sge ano po iyon?" -Sambit kong nakangiti
"Ampunin kita at maging anak kita" -Sambit nito habang ngumiti
Napanganga nalng ako dahil mas hindi ako magiging komportable nito.Imbes na tanggihan ko pero naawa rin ako sakanya dahil namatay ang anak niya, kaya hindi ko na tinanggihan kaya tumango nalang ako bilang tugon at niyakap niya ako ng mahigpit.I can't imagine titira ako sa malaking mansyon at ang nag ampon saakin ay mayaman, at siya ay isang magandang babae na may edad na
At simula ngayon bagong buhay na aking hinaharap at yon ay isa na akong mayamang dalaga.End Prologue💙
BINABASA MO ANG
A Painful Success
RandomThis story talks about life experience.For some people who been succeeded to reach their goals in life. This story is not just a love story but this story talks about a girl that wants to be successful. Because she wants to show or prove to her judg...