Prologue

80 1 0
                                    

Introduction


Lucy Morgan

12:00 am

Sa kailaliman ng aking pagtulog kusang namulat ang aking mata, madilim at malamig ang buong paligid dahil na rin siguro panahon na ng tag-nyebe, inilibot ko ang mga mata ko, bakit ako nandito? Natulog ba ako ng naka-tayo?

Nakita ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa sala malapit sa bukana ng pinto, naramdaman ko bigla ang aking kamay, basa at malamig ito, ano ba ito? Baka naglakad nanaman ako ng tulog?

Humakbang na ako papuntang kwarto kaso sa pag-hakbang ko may natapakan akong basa, kahit na madilim ramdam ko sa mga paa ko na hindi ito tubig, unti-unti akong yumuko para tignan ang basang natapakan ko

Nanatili akong nakayuko, sinisigurado kung totoo nga ba ito, ano ba itong nakikita ko? Anong nangyayare sa paligid ko? Bakit may dugo sa sahig namin? Napatingin naman ako sa isang dako malapit sa natapakan kong dugo, isang babae

Si inang...

Agad akong humalimlim patungo sakanya

"Inang! Ano nangyare?!" Sigaw ko sakanya

Nakapikit pa rin ito, iniangat ko ang ulo niya upang gisingin ngunit lalong tumagas ang likido na nanggaling sa ulunan niya

kinapa ko ang likod ng ulo niya, ngunit sa pag kapa ko nito bumaon ang mga daliri ko...iniangat ko ang mga kamay ko

Pinag samang laman at dugo!

Napatakbo ako sa nakita ko, umakyat agad ako sa ikalawang palapag upang tawagin si mommy at daddy sa kwarto

Takot-

Na-

Takot-

Na Ako...

Nang makarating ako sa harap ng pintuan agad ko binuksan ang pinto

BAAaaag!!

Sa pagbukas ko ng pinto napasigaw ako, biglang lumitaw si daddy sabay napasubsob sa harapan ko, wala na rin itong buhay, nakita ko ang leeg niya may limang kalmot ito, hindi lang siya basta kalmot na makikita sa pusa kundi isang kalmot ng halimaw

Nangangatog na ako sa takot, ang dalawang binti ko ay parang may kung anong vibration sa loob, hindi ko kayang tumayo, ang kalamnan ko sa loob ay kahit anong oras ay maibubuga ko, hindi ko kaya ang mga nakikita ko

Pilit akong tumungo kay mommy, may dose naman ito kalmot, isa sa leeg at isa sa likod, wala na rin itong buhay, anong klaseng uri ng hayop ang gagawa nito

Sa isang dako may narinig naman akong kaluskos, kaluskos ng ahas na nangagaling sa ilalim ng kama nila mommy

"Oras na para bumalik ka Asmodeus!!"

Isang boses nang babae ang narinig ko na nagmumula sa ilalim ng kama

Tumakbo agad ako palabas ng kwarto dahil sa takot, naghanap ng matataguan hanggang sa napadpad ako sa banyo, nilock ko agad ang pinto at binuksan ang ilaw

Gulat pa rin ako sa mga pangyayare, gusto ko umiyak pero walang luha ang tumutulo sa mga mata ko, ang weird ng nararamdaman ko

"This is just a dream Lucy! So please wake up!!" Sigaw ko habang pinupukpok ang ulo ko sa pader

Lalo naman kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang mga kamay ko, duguan at marumi, ang mga kuko ko ay may haba ng tatlong pulgada, sa loob ng kuko may nakabaon na mga laman, habang ang kutis ko ay nagiging maugat

Dali-dali akong humarap sa salamin, doon na tumulo ang luha ko, luha na kulay itim

"No way! Hindi ako ito!! Hindi ito totoo! Bangungot lang ang lahat! Please gumising ka na!-

Nakikita ko ang anyo ng mukha ko, noo'y kulay kape ang mga mata ko ngayo'y naging pula, maging ang kutis at buhok ko ay kulay pula, inikot ko ang ulo ko, nakita ko sa likuran ang tattoo sa balat ko, never pa akong nagpatattoo at wala akong ideya kung ano ang simbolismo nito

Nakikita ko ang anyo ng mukha ko, noo'y kulay kape ang mga mata ko ngayo'y naging pula, maging ang kutis at buhok ko ay kulay pula, inikot ko ang ulo ko, nakita ko sa likuran ang tattoo sa balat ko, never pa akong nagpatattoo at wala akong ideya k...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napasabunot ako sa sarili ko, patuloy kong sinasaktan ang sarili ko, binabaon ang mga kuko ko sa balat, pinupukpok sa pader ang sarili at pilit na pinuputol ang dalawang sungay sa noo ko

"Panaginip lang lahat ito Lucy! Gusmising ka na please! Hindi ka isang demonyo! Gumising ka na Lilith...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seven Deadly Sin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon