Bakit ako pa ang pinaglaruan ?
Damdamin ko ngayo'y nasasaktan.
Ako'y wala namang ginawang masama,
Upang makaranas ng ganitong dusa.
Bakit ko pa minahal ang isang 'tulad mo?
Kung paiiyakin mo lang pala ako.
Sana'y hindi ko na rin ipinagtapat,
Kung ganito lang pala ang katapat.
Ngayo'y hindi ko na alam ang gagawin,
Kung lahat ba ng alam ko'y ililihim.
Alam kung ikasisira mo sa sa lahat,
Kapag sekreto mo'y ipagtatapat.
Nais kong malaman mo ngayon,
Pag-ibig mo't pag-ibig ko'y ibaon.
Sapagkat 'di tayo para sa isa't-isa,
Magkaibigan lang talaga tayo twina.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
it's originally made by myself :)
please do COMMENT and VOTE ! thanks :*