" Jhel" napatigil ako sa pagkain at tumingin sa tumawag sakin..
"Jhel pinapasabi ni tita jana.. hmm ano kase " tssk napa iling nalang ako dahil alam kona ang talaga ang sasabihin nya.. " gusto mo dito nalang muna ako matulog? Para may kasama ka"
" kuya jon, okay lang sanay naman ako mag isa.. Pakisabi kila tita gemma thank you sa food" I gave him a fake smile... "
He slowly nodded " Take your meds jhel .. Hindi daw maka uuwi si tita jana" uminom muna sya ng tubig bago tuluyang nag paalam..
Napatingin ako sa pinto nang tuluyan na tong masara.. Tumatango tango pako habang pinapatuloy ang pagkain.. Puta, bakit ganito ang buhay ko? Si mama nalang ang talagang meron ako,pero bakit parang pati sya unti unti nang nawawalan ng pake sakin? Ngayon pang kailangan ko sya ng sobra..
Napatingin ako sa phone ko nang mag ring yon... Tssk
" Oh?"
" hindi ako makaka uwi anak may trabaho pako " napangiwi nalang ako sa sinabi ni mama nakaka walang gana na syang kausap..
" alam ko, inaasahan kona yan. Nag abala kapang tawagan ako. "
" sige, anak mahal kita "
Hindi nako nag abala pang sumagot at pinatay nalang ang tawag.. Mahal daw? Talaga lang? E bakit wala sya sa tabi ko? I need her but she's not here tss para saan pa na anak nyako?
Alas otso na nang magising ako.. At sa hindi inaasahan nakauwi na pala ang magaling kong ina.. Sinalubong nyako ng yakap at ngumiti pa ng malapad bago inayang kumain.. Tahimik lang ako kumakain nung kamustahin nyako..
" Anak,paubos na pala mga nabili kong gamot.." ngumiti pa sya muna bago nagpatuloy "Bumubuti naba pakiramdam mo? Anak sabihan moko kung may nararamdaman kapa ha? Baka ang hindi ko alam lumalala na pala yang sakit mo "
Napapikit ako sa inis grrrr kaasar talaga umaakto syang parang hindi ako pinapabayaan.. Napaka buti naman nyang ina!! Hindi ko nalang pinansin mga sinabi nya, kumain nalang ako ng kumain.. Palagi sya titingin sakin tayo ngingiti, grrr para syang tanga sa ginagawa nya..
"jhel, anak galit kaba sakin? Pasensya na kung naiiwan kitang mag isa rito.. Kailangan lang mag trabaho ni mama,alam mo naman gipit tayo ngayon.. " tumayo sya't kinuha ang mga gamot ko at pinag salin ako ng tubig.. " anak,alam ko di ka uminom ng gamot kagabi, bilang ko kaya tong mga gamot mo !!"
Hindi kona napigilan ang sarili ko sa pag tayo habang inis na tinitignan ang mama ko.. " eh ano naman? Ayaw mo nun hndi ka agad mapapagastos kasi d pa ubos mga pesteng gamot na yan??!!! " nanlaki pa ang mga mata nya at halatang nagulat sa pagsagot ko.. Aminin ko,hindi naman ako ganito noon.. Pero nun magkasakit ako, naparamdam nya saking wala sya pake.. Palagi sya umaalis ,hindi ngako inaalagaan kaht alm nya kalagayan ko.. " Ma naman!!? Paano ko sasabihin sayo kung wala ka naman oras saken? Anak paba tingin mo sakin? o pesteng pabigat nalang? "
I saw pain in her eyes.. Malungkot nya pa akong tinignan bago pumunta sa lababo at maghugas ng pinggan.. Nakita ko pang gumagalaw ang balikat, sign na umiiyak nga sya, pero wala ako ginawa.. Hindi din ako nag sorry ,sinabi ko lang naman yun nararamdaman ko eh.. Uminom nalang ako ng gamot bago pumunta sa kwarto para matulog ulit.. Hindi ko alam pero sa bawal araw ramdam ko ang pag hihina ng katawan ko.. Hindi ko nalang sinasabi sakanila dahil baka isipan at sabihan pako ng pabigat..
Napahawak ako sa mata ko ng maramdamang may tumulo na palang luha mula don .. I laughed as if may nakakatawang nangyari bago punasan yung luha kong parang gripo na kung tumulo HAHA
Nagising ako nang makaramdam ng uhaw.. Alas diyes na pala, pababa na sana ako ng hagdan nang may marinig akong ungol sa kabilang kwarto.. Nakita kong d pa naisara ng maayos kaya sumilip ako, hindi naman sa may pagka chismosa ako pero parang ganon na nga ..
