This is inspired by Emman's Teka Lang.
xx
Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
"Angie?" Napatingin ako kay Kyle nang banggitin niya ang pangalan ko.
"Beer?"
Ngumiti ako at kinuha ang bote sakanya. Tumabi naman siya sa akin at tumingin sa harap.
"Kamusta na?" Tanong niya.
"Mabuti naman. Kinakaya pa. Isang taon na lang naman e." Napahinga ako ng malalim.
Konting tiis na lang at matatapos na ako sa college. Makakapagtrabaho na ako at matutulungan ko na si mama. Nasa highschool pa kasi si Jay-jay, kapatid ko, kaya kailangan. Si papa naman pinagbawalan na ni mama na magtrabaho dahil nagdidialysis na siya dalawang beses sa isang linggo.
Nakita ko naman tumango tango siya sa sinabi ko at uminom ulit sa hawak niyang beer.
Tumabi sa akin si Mika, best friend ko.
"Grabe, ngayon lang ulit tayo nagkita kita. Namiss ko kayo ng sobra."
Ngumiti ako sakanya, "Sobra."
Inakbayan ko silang dalawa ni Kyle. Sumandal naman silang pareho sa balikat ko.
Sabay kong naramadaman ang pagbuntong hininga nilang dalawa.
"Sana palaging ganito. Walang iniisip na kung ano ano." Sabi ko at kinuha ang beer sa harap ko.
Sana laging ganito, kasama ang dalawang importanteng tao sa buhay ko habang walang iniisip na problema, walang iniisip na kung ano ano.
"Good luck sa boards mo, Mika. Alam kong kaya mo yun. Magiging RMT ka!"
Tinanggal niya ang pagkakasandal at tumingin saakin. Pinalo niya muna ako bago nagsalita, "Kaya nga ako nandito para mawala muna sa isip ko yun e. Pinakaba mo tuloy lalo ako."
Natawa naman kaming dalawa ni Kyle.
"Alam mo," sabi ni Kyle nang tanggalin niya ang pagkakasandal sa akin. "Huwag ka kasing negative. Alam namin kaya mo yun."
Ngumisi naman si Mika, "Nako porket ikaw successful na ah. Saan ka na magtratrabaho niyan?"
"Hindi ko pa napagiisipan," nakita ko naman napasulyap siya sa akin. Napalunok ako.
Magbestfriend na kami ni Mika mula pa noong second year highschool habang si Kyle mas nakilala ko siya nung fourth year dahil pareho kaming ninth honor sa school.
"Naalala ko yung pangako natin five years ago na magkikita tayo dito, same date. Akala ko talaga makakalimutan niyo." Mika said.
Ang kalma ng dagat ngayon. Maririnig mo lang ang hampas ng alon. Ramdam din ang lamig nang simoy ng hangin. May ilan ilang tao din sa gilid namin.
"Malapit nang mag umaga." Banggit ni Kyle nang makita ang oras.
"Ang bilis naman, wala bang pampabagal ng oras jan?" Mapait akong ngumiti nang may maalala.
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
"Pag sumikat ang araw, aalis na ako ah?" Pagpaaalala ko sakanila. "Alam niyo naman malilintikan ako pag hindi ako nakita ni mama sa kwarto."
Inakbayan naman ako ni Mika.
"Uy salamat ha? Salamat kasi nandyan ka. Salamat kasi kinakaya mo. Nandito lang din ako sayo. Palagi. Kaya huwag kang magisip nang kung ano ano."
Yumakap siya sakin. Ramdam kong umiiyak siya. Alam kong namimiss niya mama niya.
Sakto ngayong araw ang 40 days ng mama niya. Ni tita.