CHAPTER 3
Bakit kailangan niya pang i-emphasize yung pinsan? Napailing na lang ako.
Agad akong binigyan ng tubig ni Gray na agad ko namang tinanggap. Sumakit lalmunan ko do'n, ah! Naphawak ako sa dibdib ko dahil kumirot ito. Kasi naman.
"A-ayos ka lang?" Tanong niya. Tumango lamang ako sakanya.
Nakita kong natatawa sila Lyan at James sa harap namin kaya pinalakihan ko sila ng mata hanggang sa tumigil sila. Pero nag-pipigil pa rin ng tawa.
"Pinsan lang naman pala, e." Lyan and James said, and then they both laugh. Sinasabi nila iyon habang naka-tingin sa'kin.
Sinamaan ko kaagad sila ng tingin. Sa tingin ba nila may gusto ako kay, Gray? No way! There's no reason to like him!
Umalis na si Sam kanina dahil may gagawin pa raw ito. Kaya kami ulit ang natirang apat. Hindi naman ako naiinis doon sa babae. Naiinis ako sa tabi ko!
"Oy, guyz! Tikman niyo itong dala kong pancit. Masarap 'to! Luto ni Tita." Binuksan ni James yung dala niyang baonan. Pagka-bukas niya ay amoy na amoy namin ang luto.
Amoy pa lang masarap na. Nawala na yung inis ko dahil doon sa pancit.
"Teka, manghihiram ako ng plastic fork." Gray said and went to the counter.
Nang maka-balik na siya ay napansin kong dalawang lang ang dala niya.
"Bakit dalawa lang?" Tanong ko sakanya ng maka-upo ito.
"Ito na lang daw ang natira, e. No choice. Sainyo itong isa Ly." Tyaka niya ibinigay yung isang plastic fork kina Lyan.
"Wait! Ibig-sabihin share tayo diyan sa isang tinidor?"
"Yup. Wag ka nang maarte, Tey." He said.
Napatawa ako. Grabe naman talaga itong lalaki na 'to! Alangan naman kamayin ko 'yan. Hndi ko ito kayang tanggihin 'no, sarap kaya nito! This is one of my favorite.
Kumuha ng kaunti si Gray bago niya ibaling sa akin. "Say ahh." He said with opening his mouth, kaya nagulat ako sa ginagawa niya.
Napaka-werdo talaga ng lalaking ito! Pero bakit parang may naramdaman ako ng kung ano sa tiyan ko? Grabe na ito!
Imbes na si Gray ang sumubo sa akin ay kinuha ko yung tinidor sakanya at kinain yung pancit.
Masarap! Habang ningunguya ko yung pancit ay napapikit ako, ramdam kong medyo tumahimik ang atmosphere kaya napamulat ako. Naka-nganga silang tatlo sa akin. Kaya umayos ako at binalewala sila na parang walang nangyari.
Ang sarap kasi.
Pero sanadali lang, parang may nalalasahan akong kakaiba. A peanut? What? Pancit na may mani?
Patay! Wag muna ngayon...!
"Ano, Tey? Masarap ba?" James asked.
"Y-yes." Naramdaman kong bigla ako nanghihina. Pati ang puso ko ay ang bilis na pag-tibok. Nararamdaman ko rin na ngangati ang ibang parti ng katawan ko. Mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko.
Napahawak ako kaagad sa dibdib ko. Abala silang tatlo, kaya hindi nila napansin na nahihirapan ako. Masyado silang nasarapan sa kinakain nila habang ako nahihirapan.
"J-James, may mani ba yung pan-ncit n-na dala mo?" Kahit nahihirapan ako ay kinaya ko pa rin mag-salita. Kailangan ko lang siguraduhin.
"Ah, oo. Specialty kasi yang pancit na yan. Masarap diba?" Kung alam mo lang James.
YOU ARE READING
Willing An Oblation
Teen Fiction"They found the essence of quietude..." Once upon a time there's a group of six and their strong friendship. They experienced ups and down. Until the three of them, oblate their selves for their love ones. Are you willing to sacrifice yourself for...