Four

8 1 1
                                    

Four:

"Yan sige pa! Suntukin mo siya! Yan! Isa p—"

"Tatatahimik ka o ikaw susuntukin ko?"iritado kong tanong sa katabi kong pandak.

"Tsk! Kill Joy!"sigaw niya sa mismong mukha ko kaya tiningnan ko siya ng masama.

Natapos na ang pinapanood naming movie ng hindi ko ito naintindihan dahil puro sigaw lang ni Marco ang narinig ko.

"Sa susunod di na talaga kita yayayain manood ng movie dito samin."buntong hininga kong sabi.

"Bakit? Ang bad mo talaga sakin."sabi niya habang nag papanggap na naiyak.

"Talagang tinanong mo pa?"sabi ko at tumayo para sana pumunta sa banyo ng bigla akong yinapos ni Marco dahilan para parehas kaming matumba sa sahig.

"What the fuck bro!!?"sigaw ko sa kanya habang pilit siyang inaalis saaking katawan.

"HUWAHHH! Wag mo akong iwan Mio! Bakit di mo na ba ako mahal? Romeo please wag mo kong iwan!"

"SHIT SHIT SHIT! Lumayo ka sakin!"sigaw ko habang pilit siyang ilayo sa aking katawan.

"Hehehe,bakit Mio? Takot ka ba sa germs ko?"sabi niya habang naka ngisi.

"VIN!"sigaw ko.Agad naman niyang itinigil ang kanyang pag babasa at lumapit saamin para ilayo saakin si Marco.

"Get him away from me please!!"sigaw ko sa kanya.Agad naman niyang hinwakan ang kwelyo ng damit ni Marco at hinila siya papalayo saakin.

Agad akong kumuha ng damit at nag palit dahil hindi ko alam kung anong mikrobyo meron si Marco. Hindi ako maarte,who knows what kind of bacteria he have on his body..

"Ang ingay mo."mahinang sabi ni Vin kay Marco na hanggang ngayon ay hawak hawak niya parin.

*knock,Knock!*

"Boys,bumababa na kayo.Ready na ang lunch."sabi na mama habang naka silip sa sa pintuan.

Agad namang tumakbo pababa si Marco at umiiling lang na sumunod si Vin sa kanya.

"Dwarf"bulong ko at bumababa na rin para kumain.Bumaba na ako at nakita ko na naka upo na si Marco habang hawak ang kanyang kutasara at tinidor.

Uupo na sana si mama ng may biglang nag ring ng aming doorbell.Agad naman akong tumayo para tingnan kung sino iyon pero pinaupo ako ni mama at siya na ang nag punta sa pintuan.

"ARIA!?"rinig naming sigaw ni mama.Agad kaming nag katinginan at agad nag punta sa pintuan para tingnan kung okay lang siya.

"Mama,are you okay?"tanong ko.Hindi niya ako sinagot at patuloy lang na nakatitig sa babaeng kaharap niya.

"Ah-eh.Surprise?"sabi niya habang nakalagay ang isa niyang kamay sa kanyang batok at nag aalangang tumingin kay mama.

"Awww.Cute!"bulong ni Marco habang may hawak na isang pirasong hotdog.

Napa buntong hininga nalang ako at muling ibinaling ang atensyon sa aming bisita.

"Anong ginagawa mo dito? Don't tell me nag layas ka?"tanong ni Mama sa babaeng kaharap niya.Biglang sumeryoso ang kanyang mukha at bumuntong hininga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ValentineWhere stories live. Discover now