Chapter 01

11 0 0
                                    

"Hello, Tali" Tinawagan ko ang pinsan ko habang nag lalakad ako papunta sa board room

"Tae ka, Amaris kung di pa tumawag si Jack di mo sasabihin sakin" Galit na sagot sakin ng pinsan kong high blood as always.

Manang mana sakin, jusko!!!!!!

"Ang oa ha, kaya nga kita tinawag eh. Basts tomorrow, Sunday fetch me at the airport ha around 6:30 PM andon na ako" Nagmamadali akong nagsalita dahil baka malate ako sa meeting.

"Osige na, I still have a meeting bye. I love you, got you a lots of pasalubong" Dagdag ko pa, syempre konting suhol lang.

Pagkapasok ko sa board room ay nandon na ang boss ko. Nakangiti sya sakin at itinuro ang uupuan ko. Nandon na rin ang mga shareholders at stockholders, kumpleto ang mga boss pero wala si Tom.

Naghinanakit? Duh.

"You all know that Miss Amaris Serene Del Mundo had finished her contract here and she will be assigned in the Philippines to make such impact as she did here in our company" Panimulang sabi ng Sir Thomas.

"I want her to be in charge in the promotion of our newly open building in Philippines. Today is her last day working here in New York. Any words for them, Miss?" Tumingin sya sakin at itinuro ang unahan upang akoy lumapit doon.

Hindi ko na ginawang pormal ang aking pamamaalam. Hindi rin naman interesado ang iba. Kumbaga ay panangat lang ako sa meeting na ito.
"I would like to take this opportunity to thank all of you for the trust that you've given me. I promise to do my best in the Philippines as you handed me the Marketing team of our new company. It was great working with all of you" Yumuko ako at nagpapasalamat sa bawat isa.

Alas dos na ng hapon ng makabalik ako sa opisina. Nakita ko roon ang mga gamit ko na nakalagay na lahat sa box.

Hay, I don't know life without Lilly

"I'm finally leaving, Alice. I hope you do well here. Thank you so much. Alam mo namang hindi lang kita sekretarya di ba? Friends tayo. See you sa Pinas ha" Tinapik ko ang kanyang balikat bago umupo sa aking swivel chair. Palinga linga sa paligid minememorya ang bawat sulok ng silid na pinaglagian ko sa loob ng apat na taon.

"You're finally leaving, Amaris" Nagulat ako sa sinabi ni Tom, nakatitig lang sya sakin habang nakasandal sa pader. Kanina pa ata sya rito.

"Yup, I am. Don't worry, I'll see you soon" I bitterly smile at him convincing him that it's okay for me to leave.

"I'll miss you, I know I have no rights to but please let me, just this once" Kita ko ang lungkot sa mga mata nya habang nagsasalita sya.

I hug him, that's the least that I can do. When I went here, I'm not looking for a lover. All I want is to earn money for my family and to move on from the past. Syempre ako yung panganay, kailangan ko mag sikap para sa pamilya ko.

This feels new.



Dala dala ko ang mga gamit galing opisina pauwi. Hindi ko na iyon dinala sa loob, dahil flight ko na rin naman bukas. Mahihirapan lang ako maghakot.
Nang makarating na sa tinutuluyan ko ay isa isa ko nang inayos ang mga gamit ko. May dala akong tatlong bagahe at napakaraming boxes pero baka mahuli pa iyon ng dating sa Pilipinas.



Matapos kong ihanda ang mga gamit ko, nagshower na ako at nagpalit ng sweater at dolphin shorts. Naisipan ko uminom ng wine habang nakatanaw sa city lights ng New York.




"This is the best view that console me" Sabi ko sa sarili ko.



Matagal tagal ko ring tinitigan iyon habang nakataas ang dalwang paa sa aking inuupuan. Naisipan kong kumuha ng mga litrato ng view, nag selfie na rin ako at pinost yon sa instagram ko.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To the Moon and BackWhere stories live. Discover now