Chapter 3

199 14 4
                                    

If you don’t want to see hell this early, let me give you some fun facts: I hate being pulled. I hate being shouted at. I hate being reprimanded, and I hate being ordered.

If you mix these all up, you’d probably get that it isn’t a pretty good combination. Honestly, even you can handle that much in your head.

Apparently, some guy didn’t get the memo. And I tell you, he’s in for some serious trouble.

History class noon, third class namin, and I wasn’t really listening. The class was boring as hell, and the teacher didn’t make it any better. There was something about the way she talked that pissed me off, like she was superior or something.

Kaya nung may kumatok at naghanap sa akin, I was more than willing to get out of the class. I guess that was why hindi ko napansin agad yung itsura ng lalaki, and the fact na hindi ko siya kilala.

“Oh?” bungad ko dito. Lalaki ito, and again, hindi ako magaling magdescribe ng lalaki. Ang napansin ko lang sa kanya eh iba yung uniform niya, galling sa ibang school. Hindi ko alam kung alin, din a ako nag-abalang basahin pa sa patch niya.
“Ikaw ba si Risa Anise Chavez?” seryosong tanong nito.

Napairap ako. Bobo eh. “Sino ba yung pinatawag mo?”

“Si Risa Anise Chavez.”

“Sino yung lumabas?”

“…Ikaw.”

“Nasagot na yung tanong mo?”

Mukhang dun lang nagsink-in sa kanya yung nangyari. Kung mamalasin ka nga naman, nakaalis ka nga sa klase, tanga naman makakausap mo. Mas ayos pa sa aking makinig sa katangahang tinuturo kaysa magturo ng tanga.

“So ikaw nga?”

“Puta.” Napamura na lang ako. “Wala akong oras makipag-usap sa tanga.”

“Tanga?” Kumunot ang noo nito.

“E di bobo. Punyeta, choosy pa.”

Sinamaan niya lang ako ng tingin tsaka may kinuha mula sa bag niya. Pag-abot niya sa akin nito, my eyes widened in recognition.

“Ah! Ikaw nga yung bobo!” sabi ko.

Mas sumama yung tingin niya. “Ano ‘to?”

Seryoso ko siyang tiningan. “Ibaba mo na…. dahan-dahan.”

“Ha?”

“Nangangain yan ng tanga, punyeta.” I eyed him irritably. “Ngayon ka lang nakakita ng papel?”

“Sayo ‘to galing, di ba?” Inis niyang tinuro yung graphing paper na may nakasulat na: MANLOLOKO AKO gamit ang marker.

Tumango ako.

“At ikaw rin ang nagpalagay nito sa likod ko, kaya wala akong nakuhang girlfriend for the week?”

Uy di lang tanga’t bobo, gago pa. Hindi niya nga talaga minahal yung babae.  Napataas ang kilay ko, at medyo naiinis rin ang tono ko. “Wag mo sa aking isisi kung bakit hindi ka nagkagirlfriend. Dahil bukod sa tanga ka, pangit ka at punyeta ka. Wala pang kwentang kausap. Kaya yan.” Inabutan ko siya ng sampung pisong barya.

“Para saan ‘to?”

“Pambili ng kausap mo,” I flatly answered. Tatalikuran ko na siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko, and I flinched a bit. Dun pa sa may bandage niya ako hinawakan, pero hindi niya naman pansin kasi natatakpan ng sleeves ko.

“Hindi pa tayo tapos!”

“Tangina mo, eh kung tapusin kaya kita?” Sumama lalo ang tingin niya, pero tinapatan ko ito. Hindi niya ako matatakot. If anything, siya ang dapat matakot sa akin. “Bitaw,” malamig na utos ko dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playing CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon