Chapter 1: Casa Verde

105 4 10
                                    

Dec. 13, Saturday. 

Luh, 6pm na pala. Baka inaantay na ko ni Migs. Twitter and fbc all da way!! :3

Ay, hello! Ako nga pala si Cariel. 15 years old ako, 3rd year high school. Grabe, nakakapagod 'tong araw na 'to. Nakikilala niyo ba si Isabelle Calos? Ayayay! Kilala niya oh! Screen name ko yun beh. Oh ano na pumasok sa isip niyo ngayon? Yung "Tadhana" na awit ni *beeeeeeep*? Kung ganun, saludo ako sayo! Ako kasi nagsulat nun :) Di naman kasi kami mayaman, kaya kailangan kong rumaket. Tatlo kaming magkakapatid, at ako ang bunso. Si Kuya Christian kasi, 4th year college at Law ang kanyang kurso, tapos si ate Camille naman, 3rd year college na ang kurso naman ay medicine. Ayun, si mama nag OFW sa France para mapag-aral kaming tatlo. Shhh, simula kasi nang mawala si papa, si mama nalang ang bumubuhay sa amin. Si Papa, nandun na kasama ni Papa God sa langit. Nung mawala rin kasi si papa, lahat kami nawala ang gana mabuhay. Parang lahat nalang gumuho, lahat nalang ng sama ng loob ng Diyos, sa amin napuna, lahat ng kamalasan sa mundo, nasa amin na. Pero hindi, mahal ako ng Diyos. lahat ng ginagawa niya ay may dahilan, lahat ng binibiay niya ay may magandang pagu-usbungan ng magandang bukas. Nakikita narin kasi naming nahihirapan si mama sa France kaya nag desisyon kaming magkakapatid na tulungan siya sa pamamagitan ng pagiging working student.  

Pinalaki nga pala kami ni mama sa pag-iisip na pag-aaral ang prioridad at hindi pag-ibig. Sabi ni mama, dapat daw palaging kaming makuntento sa kung ano ang meron kami, kasi ang lahat ng biyayang natatamasa namin, ay galing kay Papa God.  Hindi ako yung tipong babae nga pala na makikita mo sa mall buong araw na namimili ng damit, yung gala palagi kasama mga kaibigan, yung wala nang inisip kundi sarili ko. Student council board president ako, kaya sobrang dami kong prioridad. Mahirap nga rin pala maging team captain sa mathematics representative group namin. Mahirap maging leader ng debate team. Mahirap maging chairperson ng YFC. Walang madali sa buhay, kung hindi mo bibigyan ng pagsisikap. Wala kang mararating kung hindi mo alam kung ano ang importante at dapat pagtuunan ng pansin. Studies lang talaga priority ko. 

Crush? OO na. sige na, nagkaroon ako dati. Pero nasira lang pagkakaibigan namin eh. ayy.. sige di na ko magtatago.... may gusto ako sa bestfriend ko ngayon. Wag ka madaldal ha, hindi niya alam eh. OMG girls, alam niyo yung feeling na nauutal ka pag nandyan siya, yung tumataas tono ng boses mo pag siya kausap mo, yung sa labas seryoso at poker face ka lang, pero sa loob-looban mo, patay na patay ka sa kanya? Yung pag kasama mo siya, bumabagal oras pero beh, kumakarera ang kabog ng puso! Sa school, kunware nag n'notes pero sa totoo, sinusulat mo lang pangalan niya sa notebook mo eh.. Ayieeeee! Guilty siya oh! Gawain mo rin yan 'noh? Aaminin ko na, strikto at seryoso ako pag dating sa academics, pero hindi marami ang nakakaalam na may natitipuhan rin ako. Pero wala e, ayoko muna pumag-ibig. May tamang panahon para sa mga bagay-bagay, at nasa listahan ni Lord ang kapalaran ng bawat tao. 

Di bale, kung di ka gusto ng crush mo, lalo na pag CRUSHed ang pag-asa,  okay lang yan. Wag ka mag-alala, sabihin mo lang sa kanya "I don't need you to like me, I want you to know that God loves me more than any other man." See gurl, wag ka magtampo kung walang nagkakagusto sayo, kase mahal ka naman ni Papa God eh. Trust me, kung ma-friendzone ka man ng crush mo, si God ang reresbak sayo, siya magtatanggol sayo at siya kakampi mo. Kaya gurl, wag mong iyakan yung lalaking nagpasama ng loob mo, wag ka nalang dumagdag sa pasakit niya, kase mahal rin siya ni Papa God. 

Bestfriend / Partner in crime / kafateeed = Miggy. Hayy matapos ang lahat, sa dulo ng bawat araw, siya ang kakampi ko. Nung bata kasi kami, pinagtatanggol niya ako. May dream house nga kami na palaging pinaglalaruan nung bata kami. At PARAISO ang tawag namin doon. Pag ako malungkot, dun ako pupunta, pag masaya, dun din, pag kinakabahan? aba, doon! :) THE BEST BESTFRIEND KASI SIYA EH. Pero nag promise kami sa isa't isa na dito kami mag b'build ng dreams at someday, pag tama na ang panahon para sa pagmamahalan, "CASA VERDE" na ang tawag namin dito. Pero ops! Habang bata pa, aral muna bago landi ah? PARAISO muna namin ito, nextime na yung CASA VERDE.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#PARAISOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon