Chapter 6

7 0 0
                                    

----1 Week later--------------

DYM POV

Woaahhhh sa wakas tapos na yung exam, it's Facebok time. Wala kasi akong time last week, nagfocus kase ako sa pag re-review.

Naalala ko naman yung ginawa ng dalawa (Kheith & Dhenysse) lintek, nakakahiya lang kase eh. Pero nagreply kaya yon? Waahh, sana naman Oo, luhhh pinagsasabi ko?
di ako umasa ah. Hindi ba talaga? hindi ah, mabilis kong iling, pinag iisip ko, muntanga nako dito, kinakausap na sarili, this is crazy.

"Beh?" nakuha ni Kheith ang atensyon ko kaya naputol ang pagmuni-muni ko

"HUH? May sinabi ka ?" tanong ko

"Wala naman akong sinabi beh, pero kasi di ako nakatiis ng may nakita akong babae na ang lalim ng iniisip, na bigla nalang iiling iling, nagmukha na kasi siyang baliw sa ginawa niya eh, kaya kinalabit ko." seryusong paliwanag ni Kheith na alam ko naman na ako ang tinukoy  niya, tumingin naman ako sa dalawa na nagpigil na tawa,  natatawa nalang ako.

"At ngayon bigla na lang syang tumawa, wahhh, takot na ko." sabi ni Kheith na may pakapit pa sa uniform ni Ally, gaga lang kaya binatukan ko, wala lang trip ko lang hahha

"Beh, nagreply na ba lalaki mo." change topic ni Dhenysse ng nakangisi, tsk pinaalala na naman, natatawa ako, lalaki ko daw?

Umiling ako " Di ko alam di ako nag online last week eh, busy." paliwanag ko.

"Check mo ngayon beh." sambit ni Kheith sakin, na may ngisi rin sa labi
Mabilis akong umiling " No way!!" sagot ko

Tumaas ang kiilay ng dalawa "At bakit? Afraid?" sagot ni Kheith na may pang aasar

Napataas din ang kilay ko " Afraid? ofcourse not!" singhal ko sa kanila

"Really Dym? Hindi? eh bakit pinagpawisan ka?" sumama ang tingin ko kay Dhenysse, daming alam

"You two, tigilan nyo na nga yang si Dym, get a life beh!" singhal ni Ally sa dalawa na dinuro-duro pa, sinimangutan lang sya ng dalawa at binelatan pa, natatawa na lang, under talaga kasi.

DHENYSSE POV

Goshhhh, I hate Ally, bat kasi ang bitter ng babaeng yon, pero tiklop talaga kami pag si Ally na yung maaasar kase naman kahit nakakahiyang sabihin pero takot kami sa kanya pag yan napuno samin, kaya di namin sinabi sa kanya ang plano naming dalawa ni Kheith kase alam naming magagalit yun.

"Beh mall tayo." yaya ko sa tatlo na agad namang tumango

--------MALL-----------------

"Dym, sukat mo to oh, I think bagay to sayo."  pakita ko sakanya ng dress, simple yet elegant, bagay na bagay kay Dym, mas gusto niya kasi ng simple lang. Kinuha naman niya at sinukat sa dressing room. After 2 minutes, lumabas na sya and all I can say is bagay na bagay talaga sakanya. Kahit simple lang ay malakas naman ang dating,  basta si Dym ang magsuot, wala na kong masabi, kahit nga basahan pa yung ipapasuot nito lumalabas parin ang ganda niya pure natural. Kaya nga ang raming humahanga sa kanya sa school eh, except those other students na sobra ang insecure sa katawan, maganda, mabait, matalino, ang problema nga lang wala pang boyfriend, eh 22 na running 23 next month.

"I told you" puri ko sakanya, ngumiti lang ang gaga.

"Dym, isuot mo lang yan sa first date nyo ng boyfriend mo ah." biro ko sakanya ng nakangisi, kumunot naman yung noo nya

"Gaga, wala nga kong boyfriend eh, first date pa kaya." natatawang reklamo nya

"Don't worry dadating din yan, hindi man ngayon, pero sa tamang panahon, and you will be grateful to us, lalong lalo na kay Kheith." makahulugang sabi ko sakanya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

But its DestinyWhere stories live. Discover now