Chapter 1: Who is she?

26 0 0
                                    

"Once you've met someone you never really forget them. It just takes a while for your memories to return."

- Zeniba, Spirited away

"Ma mukhang may bago tayong kapitbahay." tanong ni Justin sa ina habang nakasilip sa bintana, sinisipat kung sino ang bagong kapitbahay. Matagal na taon na rin kasi na nabakante ang bahay na 'yon.

"Sila Tita Emy mo ang dumating, magpa-pasko sila dito." sagot naman ng ina habang naghahanda na pananghalian. Pinuntahan ni Justine ang kinaroroonan ng kanyang ina upang tulungan ito na mag-lagay ng mga plato sa lamesa.

"Kasama nila yung anak nila, si Kaylee. Yung dati mong kalaro, naaalala mo pa ba s'ya?" tanong ng ina sa kanya.

"Oo naman po Ma, nasa akin pa rin yung picture namin nung bata pa kami" wika n'ya, iilan na lang ang natitira n'yang ala-ala sa kanyang dating kaibigan at isa sa mga ala-alang iyon ay ang pagkakaroon n'ya ng crush dito.

Inaya naman ng ina ang kuya n'ya at ang ibang myembro ng pamilya na umupo at upang magsalo-salo sa tanghalian. Pagkatapos mag-dasal ay kanya-kanya na ang mag-anak sa pag-sandok ng kanin at ulam.

"Naalala mo ba noon Jah? Yung nagalit ka sa'kin dahil ako ang crush ng crush mo?." mapang-asar na tanong ng kanyang kuya, binawian n'ya naman ito ng masamang tingin.

"O at baka magkulitan pa kayo sa harap ng pagkainan." Awat naman ng kanilang ina. Tumahimik na lang ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain.

Natatawa na lamang s'ya sa sarili n'ya dahil nagmumukhang syang usisero pero hindi mapigilan ng binata na ma-curious kung ano na ang itsura ng kanyang dating kras.

-

Hindi mapigilan ni Justin na sumilip ulit sa bintana. Nakita n'ya ang isang babae na naka-itim na jacket, mahaba ang buhok pero buhaghag.

"Parang hindi ata s'ya nagsusuklay"

Likod lamang ng babae ang kanyang nakikita dahil nakatitig ito sa bahay ng kanyang Tita Emy. Hindi s'ya sigurado kung ito na ba ang kanyang kababata na si Kaylee.

Habang naka-tingin s'ya dito, unti-unti namang umikot ang babae na tila ba nagmamasid sa kapaligiran. Tila ba first time lang nito sa lugar na 'yon. Napukaw naman ang tingin ng dalaga sa direkesyon ni Justin.

"Eto na ba si Kaylee?".

Malayo man ang distansya n'ya at sa kinaroroonan ng dalaga ay sigurado s'yang naka-titig ito sa kanya. Isa pa sa nagpapakaba sa kanya ay ang pag-titig sa kanya ng dalaga. Walang emosyon ngunit pakiramdam n'yay alam ng dalaga ang tumatakbo sa utak n'ya.

"Uy anong ginagawa mo?" napataas naman ng balikat ang binata dahil sa gulat at pagkatapos ay lumingon sa kanyang likuran. Lumapit sa kanya ang kuya n'ya upang silipin ang labas.

"Yung kras mo ba yung sinisilip mo?" Pahabol na tanong ng kanyang kuya. Bumalik ulit s'ya sa pag-silip ngunit wala na ang dalaga. Nagka-titigan sila ng kuya n'ya na tila ba binabasa ang utak ng bawat isa. Ilang segundo nagtagal ang titigan nila dahil si Justin na mismo ang sumuko.

"Oo na Kuya panalo ka na". natatawang wika ni Justin. Alam n'ya ang iniisip ng kanyang kuya, umiiral na naman kasi ang curiousity ng binata.

"Hindi naman kita inaasar ah, ikaw talaga asar talo ka talaga!". natatawa ding sagot ng kanyang kuya habang umaakyat papunta sa kanyang kwarto na nasa pangalawang palagapag ng kanilang tahanan.

Our Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon