Chapter 2: Black Cat

19 0 0
                                    


-

Justin's POV

Kakatapos lang namin mag-dinner, medyo late na nga dahil napa-haba ang usapan nila ni Tita Emmy. Matalik kasi na magka-ibigan ang mama ko at si Tita Emmy, ang pagkaka-alam ko pa nga ay mag-bestfriend sila simula high school. Kaya hindi ko masisisi si Mama kung sakaling hanggang bukas pa sila matapos sa kwentuhan.

Dahil late na makaka-uwi si Kuya, ako ngayon ang naka-toka sa paghuhugas ng pinggan at pagtatapon ng basura.

Pagkatapos ko mag-hugas, kinolekta ko naman lahat ng basura namin at iniligay sa garbage bag.

Sa labas ng gate namin natanaw ko si Kaylee na naka-talungko sa tapat ng bahay nila. Nakita ko na pinapakain n'ya ng tinik yung itim na pusa habang hinihimas ito. Narinig naman n'ya ang pagbukas ng gate namin kaya napatingin s'ya sa pwesto ko.

Inilagay ko ang garbage bag sa lugar kung saan kinukuha ito nila Manong.

Nilapitan ko si Kaylee para kumustahin yung pusa, bata pa lang kasi mahilig na 'ko sa hayop. Naalala ko pa nga na nanghuhuli pa ko ng isda sa baha, kaya pag nakakakita ako ng mga hayop lalo na ang mga pusa hindi ko maiwasang hindi ito pansinin.

Umupo din ako katulad nang kay Kaylee "Sabi mo hindi ka mahilig sa pusa?" tanong ko habang naka-ngiti.

Tinignan n'ya lang ako at sabay tumayo, papasok na sana s'ya sa bahay nila pero tumayo ako at hinawakan ang braso n'ya.

"Sandali lang" napatingin s'ya sa kamay ko kung saan naka-hawak sa braso n'ya. "May ibibigay sana ko sa'yo" tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa braso n'ya.

"Ano ba 'yon?" tipid na sagot n'ya. Ramdam ko na medyo irita s'ya. Bigla tuloy akong nahiya, baka sabihin n'ya feeling close ako. Balak ko pa naman sana ipakita yung picture namin nung mga bata pa kami.

"Ah wala wala wala, 'wag mo na lang pansinin" malamya kong wika. Hindi s'ya sumagot pero nanatili pa ring nakatingin sa'kin na walang emosyon.

"Hala asan na yung pusa?" tinignan ko yung paligid namin baka sakaling makita ko pa yung pusa. Nasipat ko naman ang mukha ni Kaylee, bakas dito ang pag-aalala.

"Alaga mo ba 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Hindi." ramdam ko yung pag-aalala sa sagot n'ya. Sa tingin ko mahilig rin s'ya sa mga hayop pero hindi n'ya lang siguro masabi sa'kin baka dahil ayaw n'yang maka-usap ako.

"Mukhang hindi pa nakakalayo 'yon tara tignan natin".

" 'Wag na baka may nag-aalaga na sa kan'ya, nakita ko lang naman s'ya d'yan sa tabi". saad nito.

" Sabagay bihira lang talaga na may mga ligaw na pusa dito eh" sagot ko. "Sige babalik na 'ko sa bahay".

"Pwede mo ba kong samahan?" tanong n'ya

"Huh saan?" tinuro n'ya yung direksyon papunta sa gate ng subdivision gamit yung thumb nya.

"Aahhh sa convenience store? Hindi ka ba naka-punta kanina? Ano bang bibilhin mo?

"Wow isa isa lang yung tanong". sarcastic na wika nito. "Nagugutom lang ako, gusto ko lang kumain sa labas".

"Ah sige wait lang, dadalhin ko lang yung wallet ko. Hintayin mo ko-

" Wag na, may dala ako. Treat ko na." putol n'ya.

"Hindi 'wag na nakakahiya, ako dapat manglibre sa'yo." papasok na sana ko sa gate namin pero hineadlock n'ya, nakita ko pa kung gaano kataas yung tinalon n'ya para magawa 'yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon