PROLOGUE

17 0 0
                                    


"Eliana!" narinig kong sambit ni Lola Beth, pagkapasok ko palang ng bahay niyakap niya na agad ako

"Namiss kita, hindi kana dumadalaw dito noong mga nakaraang bakasyon"

Totoo, ngayon nalang ako nakapag bakasyon ulit. Mahigit ilang taon na din nakalipas, may ibang lugar dito na bago sa paningin ko, ang mga daan patungo dito kung dati ay malubak ngayon ay hindi na, mayroon naring iilang pasyalan at mga kainan.

"Ay Lola, Busy lang po ako sa trabaho ko, pasensya na at ngayon nalang po ako ulit napagbakasyon dahil maraming pong masyadong ginagawa sa maynila" Pagpapaliwanag ko, pero iilan lang iyon sa mga dahilan kung bakit hindi ako umuuwi dito. Ang totoo nyan ginawa ko ang lahat upang maging abala ako at hindi na makapunta dito.

"Ahh Ganon ba? Bakit hindi mo naman sinabi, hindi ka man lang tumawag sa amin akala ko ay nakalimutan mo na ako" Nagtatampong saad ni lola beth

Naguilty naman ako dahil simula noong huling bakasyon ko ay hindi na ko na sinubukan pang makibalita tungkol sa mga nangyayari dito, si Mommy nalang ang nagbabalita sa akin tungkol kila lola beth wala ng iba.

"Hala! hindi ko po kayo kinalimutan lola, Lagi ko po kayong tinatanong kay mommy" pagdidipensa kong sagot

"oh sya! Wag na nating pagusapan yan ang mahalaga nandito kana, halika dito't kumain ka muna may maliit na salo salo dito sa bahay ngayon may onti akong inihanda" napabitaw ako kay lola at sumilip sa hapagkainan, nako mukhang marami nga ang tao ngayon, saglit akong napatingin kay lola

"Teka lang po La, Biihis lang po ako nakakahiya naman sa bisita galing pa akong byahe"

"oh sige sumunod ka na lang sa lamesa at ipapakilala kita sa kanila"

***

Naligo ako at namili ng susuotin nalilito pa ako pero sa huli off shoulder yellow dress ang napili ko.

Pasarado palang ako ng pinto ng kwartong tinutuluyan ko ng may tumawag sa pangalan ko "Eli!" sambit ni Monica isa sa mga naging kaibigan ko dito noon.

Nahihiya kong tugon "uhmm. Hi guys tuloy kayo!"

"Uy Eli! Kamusta kana?" sambit ni Monica

"Oo nga Eli! Kamusta kana? Antagal mong hindi umuwi dito ah." Saad naman ni Gigs isa rin sa mga kaibigan namin

Lalapit sana ako sakanila nang may natapakan akong madulas, akala matutumba na ako buti nalang may sumalo saakin. Pamilyar na amoy ang bumalot sa aking paligid unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, nanlamig yung tyan ko ng masilayan ko kung sino ang taong iyon.

Natulala ako at hindi ako makapagsalita.

Ang laki ng pinagbago niya.

Itinayo niya ako at walang pasubaling umalis na para bang hindi niya ako nakita. Sinundan ko siya ng tingin hanggang mawala na siya sa paningin ko.

Aba't siya pa ang may ganang iwasan ako sa kabila ng pagiwan niya sakin.

The SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon