VI

299 5 3
                                    

Lumipas ang mga araw at laging sina Clea at Andrei lang ang magkasama tuwing morning break minsan nga pati lunch magkasama pa rin sila kaya medyo hindi na kami nakakapag usap ni Clea kahit sa classroom. Pag dating naman kasi sa classroom busy rin kami sa mga pinapagawa sa amin. Madalas ako kina Aling Tere tuwing uwuin dahil hindi naman na kami nakakagala ni Clea. Dati kasi lagi siyang nagaaya ng gala pero simula noong nagkakamabutihan  na silang dalawa hindi na siya nagaaya.

Hindi ko naman  na pinilit ang sarili ko sa kanilang dalawa. Para rin hindi ko masyadong nakikita si Andrei hinahayaan ko na lang sila na mag kasama.

Sa tingin ko unti-unti ko naman na natatanggap na hindi ako para kay Andrei. Mas naging focus muna ako sa pagaaral para naman hindi ko masyadong iniisip kung sana naging kami na lang ni Andrei.

"Napapadalas ang pag punta-punta mo rito Flor tuwing morning break, ah. 'Di ba ay mabawal pumunta dito? "

Humarap ako sa likod at tumambad sa akin ang isang lalaking hindi naman gano'n katangkaran. Mapayat din siya pero sa mukha niya ay makikita mo na may itsura siya. May suot din siyang salamin na pabilog, lakas maka pogi ng salamin niya.

Teka nga lang, paano niya nalaman ang pangalan ko? At saka paano niya nalaman na dito ako pumupunta madalas?

"Araw-araw ako dito sa rooftop tuwing morning break at lunch and same rin tayo ng breaks dahil same grade level lang tayo."

Madalas pala niya akong makita dito tapos hindi ko man lang siya napapansin.

"kaya nga, eh. Nakakatawang isipin na araw-araw ako rito pero never mo akong napapansin." medyo natatawa niyang sambit.

Hala! Nababasa niya ba ang iniisip ko.

Baka kaya hindi ko siya napapansin dahil malaki naman itong rooftop.

"I'm Philip by the way, just incase hindi mo ako maalala." sabi niya, habang inilalahad ang kamay niya sa akin.

Syempre para hindi mukhang ewan nakipagshake hands na lang din ako. Mukha naman  siyang mabait na tao.
Inilagay niya na ang mga kamay niya sa likod niya.

" A-ano nga ulit ang sabi mo? 'just incase na hindi mo ako maalala'? Tama ba? Sorry, pero sa tingin ko ngayon lang tayo nagkita. 'di ba? ." nakataas kilay kong tanong.

Napatawa naman siya saglit.

"You really can't remember me, huh?"

"I'm sorry pero ngayon palang ata talaga kita nakita."

"That hurts! We're best friends back in grade 1. But it's alright hindi rin kita malala noon at first na makita kita dito sa rooftop. Sobrang tagal na rin, kaya siguro hindi mo na ako maalala. " nakangiti niyang sabi.

Grade one?

Philip?

Best friend?

Huh? Ano daw?

Biglang na laki ang mga mata ko ng may maalala akong tao noon.

"PHILIP-TULOG-TULO-LAWAY! IKAW NA BA TALAGA IYAN?!" sigaw kong sabi habang gulat na gulat sa taong nasa harapan ko ngayon.

"Huwag ka namang maingay baka may makarinig sa atin sa 4th floor at paalisin tayo dito sa rooftop. Sige ka wala na tayong matatambayan kapag ilock na nila 'tong rooftop palagi" suway niya sa akin habang tumatawa.

Paanong hindi ako magugulat sa kaniya. Yung hitsura niya iba na ang pogi niya na ngayon at napaka lalaki na niya tignan ngayon.

"You still remember me as that sleepy head guy. Talagang Philip-tulog-tulo-laway pa rin!" tawa ng tawa niyang sabi.

Tamang TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon