Makulimlim at masalimoot ang kagubatan ng Bloodwood, tanging ang buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag. Maginaw ang simoy ng hangin tila nagbabadya ng paparating na panganib. Sa liblib ng kagubatan ay nag-aabang ang iba't ibang mababagsik at mapanganib na nilalang, tiyak walang sinuman ang makakaligtas. Ang bloodwood ay karatig lugar ng Hunen kung saan naninirahan ang mga tribong Nenabus na higit isang libong miyembro.
"Saan n'yo ako dadalhin, Feo?" Saway ni Matu habang nakabakas ang takot sa boses nito. Namimilipit siya sa matinding sakit habang tila ayaw huminto ang pagdaloy ng dugo niya mula sa sugat na natamo nito sa saksak ng punyal ni Feo. Wala na siyang natirang lakas at anumang oras ay babawian na siya ng sariling hininga nito. Kahit anong pagpupumiglas ang gawin niya ay hindi nito magawang makawala sapagkat mahigpit na nakahawak sa kanyang balikat sina Hebio at Gethok-ang dalawang matalik na kaibigan ni Feo sa kabulastugan at kasamaan. Tinakpan ng tela ang kanyang mga mata habang ang magkabilang kamay naman nito'y nakagapos nang mahigpit.
"Natatakot ka ba Matu? O baka naman gusto mong si Tandang Helda ang pagdideskitahan namin?" Nababaliwng utas ni Feo habang umalingawngaw ang halakhak nito sa loob ng kagubatan. Inilapit niya ang hawak nitong sulo sa mukha ni Matu dahilan upang mapaiktad siya sa kinatatatuyan nito. Kasunod niyon ay tatlong magkaibang halakhak ng demonyo.
Sumiklab ang galit ni Matu tila nagatungan ito. "Huwag mo akong galitin Feo!" Pagbabanta niya.
"...at bakit? Anong gagawin mo sa akin? Papatayin mo ba ako Matu? Ha!?" Isang suntok ang ginawad nito sa kanya. Napaimpit na lamang siya sa matinding sakit.
Oo, babalatan kita at gugutay-gutayin ang katawan mo.
Gusto niyang sabihin ang mga salitang matagal nang ngumangatngat sa loob ng puso nito subalit pinigilan na lamang niya ang paghuhumagsik ng kanyang sarili dahil alam nito kung anong kayang gawin ni Feo kay Tandang Helda. Hindi niya alam kung bakit malaki ang galit ng mga tao sa kanya, hindi nito mapagtanto kung bakit kinamumuhian siya ng mga taong nakapaligid sa kanya; tanging si Tandang Helda lamang ang nag-aaruga at nagmamahal sa kanya kahit na walang dugong nakapagitan sa kanilang dalawa. Ampon lamang siya ng matanda subalit gayunpaman ay hindi ito naging balakid upang mahalin siya bagkus ay taos puso siyang pinahalagahan nito. Binigyan siya ng puwang sa puso ng matanda at wala ng mahihiling pa si Matu.
Umihip ang maginaw na hangin tila ba'y hinahaplos siya ng kamatayan na nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam hanggang saan siya dadalhin ng mga ito. Marahil nasa kalagitnaan na sila ng kagubatan kung kaya mas lalong guminaw ang simoy ng hangin, ang bawat haplos nito'y nakakikilabot; sa bawat hakbang na kanilang tinahak ay tila sinasalubong sila ng panganib, iba't ibang hiyaw ng hayop ang pumaimbabaw sa kalagitnaan ng gabi.
"Feo... itutuloy ba natin 'to?" Nanginginig na tanong ni Ghetok. Ramdam ni Matu ang matinding takot niya dahil nanginginig ang kamay ng binata habang nakahawak ito nang mahigpit sa kanyang balikat.
"At bakit naman hindi Ghetok? Gusto mong pati ikaw idawit ko?"
"Masyado nang malayo ang narating natin Feo, hanggang saan ba natin dadalhin si Matu?" Utas naman ni Hedio at ganoon din ito nakabakas sa kanyang boses ang lubhang takot at pangamba .
"Tahimik!" Naiiritang sigaw ni Feo sa dalawa nitong kaibigan. Binigyan niya ng malakas na sampal ang dalawa nitong kaibigan. "Huwag na huwag n'yo ulit pagdududahan ang mga plano ko kung ayaw n'yong matagpuan ang sarili n'yong nangangapa sa dilim ng selda! Naintindihan?" Mautoridad nitong bigkas habang ang kamay niya ay nakahawak sa espada. Isang hindi ng dawalang kaibigan nito ay tiyak hindi siya magbabantulot na pugutan ng ulo ang mga ito.
Tumango na lamang sina Ghetok at Hedio kahit sa kabila ng takot na ngumangatngat sa kanilang kaluluwa. Hiyaw man ng kanilang isipan ang tumalilis patakbo subalit pinigilan na lamang nila ang kanilang sarili. Ang galitin si Feo Cleto ay isa sa malaking kahangalan at pagkakamaling gawin ng isang tao sapagkat Timuay ang ama ng binata kung saan namumuno sa kanilang tribo. Isang hiling lamang niya sa kanyang ama ay tiyak ipagkaloloob sa kanya ang anumang gusto nito.