Chapter 2

3 0 0
                                    

Menesis POV



Naging maayos naman ang lahat maging ang pagbiyahe namin. Hindi ko din akalain na ganito pala kalayo ang Maynila. Kanina sa sinakyan namin na Bus ay nakatulog ako at hindi sinasadyang sumandal sa balikat ng isang estranghero. Nagising ako dahil sa nadanggi ako ng isa sa mga bumabang pasahero sa aking paa at ganoon na lamang ang gulat ko dahil ng magising ako at sa aking pag tunghay ay nakatingin ito. Asul ang kanyang mga mata at iyon ang unang beses na nakakita ako ng gaanon. Unang beses na may nakaharap ako ng ganong kalapit bukod kana Lola at sa aking mga kaibigan. Higit na perpekto ang hugis ng kanyang mukha, hingi ako ng hingi ng paunmahin sa kanya dahil sa pagsandal ko sa kanyang balikat ng hindi sinasadya, hindi naman siya nagsasalita at nakatitig lamang sa akin, kung kaya't ng tinawag ako ng aking Lolo at Lola sa pagbaba ay dali dali akong umalis subalit humingi padin ako ng paumanhin sa estranghero na iyon. Sanay ay mapatawad niya ako.

" Apo maayos lamang ba ang pakiramdam mo... ? May masakit ba sa iyo? " Tanong ni Lola dahil andito na kami sa bahay na sinasabi nila at aaminin kong malaki ito kaysa sa dati naming bahay at higit na maganda ito.

" Lola, Lolo.... " agad ding napatingin sa akin si Lolo ng pati siya ay tawagin ko. Simula kanina ay ito pa ang bumabagabag sa akin. Patatawarin pa kaya ako ni Lola ganong higit niya iyong pinagbabawal, maging si Lolo? " Patawad po dahil sumandal ako sa isang lalaki kanina dahil sa aking pagtulog ay hindi ko po ito namalayan. Patawad po talaga..... " kabadong sabi ko sa kanila habang nakayulo pa. Mahigpit na pinagbabawal ni Lola na bawal akong humawak or dumais sa isang lalaki lalo na at hindi ko ito kilala.

" Tulad ng sinabi mo ay nakatulog ka, kaya ganoon ang naging resulta. Subalit sa susunod kapag hindi mo kilala ang iyong katabi ay huwag na huwag kang matutulog. Maliwanag ba Apo? " mahabang paliwanag ni Lola. Minsan nalilito na ako sa mga sinasabi nila subalit may tiwala ako sa kanila lalo na at lagi nilang sinasabi na para din ito sa akin. Para sa ikabubuti ko.

Ganoon din ang sinabi ni Lolo. Inayos namin ang aming mga gamit at tinuro din nila ang aking magiging silid na dati din daw silid ni Ina. Masayang masaya ako dahil kahit wala na siya parang kasama ko padin siya. Humiga ako sa aking kama at napapikit ako sa gaan na pakiramdam na aking naramdaman dulot ng lambot ng kama na ito. Subalit nababahala ako sa mga darating na araw dahil sa bukas makalawa ay araw ng pasukan na. Hindi ko na kailangang mag enroll dahil sabi sa akin ni Lolo ay na ayos na nila lahat ni Lola bago pa kami magpunta dito.

Binilhan nga din pala ako nina Lola ng cellphone at kanina lamang nila ito binigay, mabuti na lamang at binigay nina Melay, Lexy at Lorgan ang kanilang mga numero sa akin bago kame umalis. Binilhan ako ni Lola dahil kailangan ko daw ito para sa aming komunikasyon lalo at malawak daw ang Maynila. Nabigla pa nga ako dahil si Lolo daw mismo ang nagsabi na bilhan nila ako. Andito na rin ang aking Bag at mga ilang gamit. Maging ang tatlong uniporme na ngayon ko lamang nakita at sobrang ganda nito. Sabi ni Lola pwede daw hindi mag uniporme at depende daw ito mga mag aaral o kaya sa schedule na kung kailan kailangan ay mag uniporme talaga. Hindi ko alam subalit nasasabik at kinakabahan ako.






_______________________________




Unang araw ng pasukan at unang yugto bilang kolehiyo. Nag uniporme na lamang ako kahit ang sabi ni Lola ay sibilyan naman daw subalit alam nilang dito ako sanay at ito ang gusto ko, sang ayon naman si Lolo na naka uniporme lamang ako. Bago ako umalis ng bahay ay ang dami pang sinabi ni Lola na mga bilin sa akin. Mahigpit niya ding paalala na kung may aapi sa akin ay sabihin ko at tumawag agad sa kanila. Ihahatid ako ni Lolo gamit ang isang kotse na hindi ko alam kung saan nila nakuha subalit sabi nila ay second hand lang daw ito at luma na, nabili lamang nila sa murang halaga. Subalit kung titingnan ay bagong bago ito, pero tulad ng dati hindi na ako nagtanong at pinaniwalaan sila.

" Apo Menesis, Pinalaki ka namin ng busog sa aming mga pangaral kung kaya't alam kong makakaya mo ito. Ibang-iba ito sa ating probinsiya subalit lagi mo sanang tatandaan na lahat ng bagay ay may dahilan. Magiingat ka doon ha?.... "

' Alam ko yon Lolo at para din ito sa inyo. '

Tumango na lang ako sa sinabi ni Lolo at ang sabi niya ay susunduin na lamang niya ako mamayang uwian. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok ng paaralan.

Bakit ganoon? Halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Kahit yung guard na nagbabantay kanina ay iba makatingin at natulala pa saglit bago ko binigay yung ID ko saka niya ini-scan. Kakaiba talaga dito dahil sa dati kong school tinitingnan lamang kung suot ang ID at maaari ng pumasok.

Hindi ko na lamang pinansin ang kanilang mga tingin. Alam kong kaya sila ganyan makatingin dahil ako lamang ang naka uniporme. Sa mahabang paglalakad ko kanina pa ay wala ako ni isang nakitang naka uniporme. Grabe naman yung mga tingin nila nakakailang. Sanay naman na ako sa ganyan pero iba dito dahil kung dati puro paghanga ngayon ang iba parang galit sa akin kahit wala akong ginagawa.

Hinahanap ko ang aking silid o classroom base sa schedule na binigay sa akin ni Lola kanina. Nagtataka man kung paano nila nakuha ang aking ID at schedule ay hindi na ako nagtanong pa. Hanggang sa makita ko na ang aking hinahanap 1-A yan ang nakalagay sa pintuan nila. Nahihiya pa akong pumasok dahil may guro na sa harapan. Alam ko namang nahuli na ako sa unang klase dahil na rin sa pagtatagal ko sa paghahanap ng silid na ito. Hindi ko alam kung papasok ba ako o ano subalit may napatingin na estudyante sa loob sa aking direksiyon at nabitawan nito ang cellphone na hawak nito , at naglikha ng malakas na tunog.

' Akala ko ay mahigpit na pinagbabawal ang telepono sa oras ng klase? '

May sasabihin pa sana ang aming guro subalit sinundan na lamang nito kung saan nakatingin ang lalaki at sa direksiyon ko iyon.

" What the------  fuck!!!!!!!!..... " gulat na gulat itong nakatingin sa akin katulad ng lalaki kanina. Agaw atensiyon ito kung kaya't lahat ay  nagtinginan sa direksiyon ko. Tulad ng reaksiyon ng lalaking iyon at aming guro ay ganoon din sa kanila. Mas lalo akong nahiya at ramdam kong namumula ang mukha ko na mas lalong ikinalaki ng mga mata nila, may napasinghap pa nga. Grabe nakakailang talaga!

' Pero teka, hindi ba at masamang salita ang binitawan ng guro kanina? Isa pa naman siyang guro---- pero siguro nabigla lamang siya. '

" Magan----dang.... U--maga po..... " bati ko sa kanila at ngayo'y nasa loob na ako. Agad namang nakabawi ang iba pati ang aming guro.

Pinaupo agad ako ng aming guro at hindi na pinagpakilala pa. Hindi na rin ito nagturo dahil may gagawin pa daw siya at pansin kong tila nagmamadali ito na para bang pinagpapawisan pa pero malamig naman sa loob nito. Umupo agad ako sa isang bakanteng upuan katabi ng isang upuan na bag lamang ang laman. Pansin ko pang ang upuan ko at iyon lamang walang nakaupo. May  mga babaeng lantaran akong pinaguusapan at hindi ko gusto ang sinasabi nila sa akin. May mga lalaki pang halos ayaw na alisin ang mga titig sa akin.

Tama ba ang pasya nina Lolo at Lola na dito ako pag aralin? Dahil pansin ko na lahat sila laki sa yaman? Pansin ko na rin English language ang ginagamit nila. Sa katunayan ay magaling ako sa wikang Ingles subalit nasanay na ako sa aming probinsiya pati na kay Lolo at Lola na tagalog ang salita namin. Siguro nga dito na talaga magsisimula ang lahat. Sana naman may mga maging kaibigan din ako dito.








_______________________
Hi mga Babies! Please support me po pleaseeeeeeeeee. Follow me, vote and comment po! Thankyouuuuuu 🥺❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Innocent WildWhere stories live. Discover now