This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, incidents and events are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to a person, living or dead people, or events is purely accidental.
●●●●●●●●●●●●
Naririnig ko sina Caleb, Althea, Frances na nagtatalo sa pagbili ng pagkain pati na rin ang tunog ng mga Medical Equipments. Sinisigawan ni Frances si Caleb na sa tingin ko ay naglalaro nanaman sa phone nya ng Car Racing.
Panaginip nanaman ba ito? Bakit nandito nanaman ako? By episode ba tong panaginip ko?"Hoy John Caleb Fontanilla, ano na? Cellphone na lang? Lunch time na gutom na kami ni Thea"
"Huh? Bakit ako? Lakad don sa labas yayain mo bebe mong mukang --" sagot ni Caleb
"What? Are you serious? Duty pa nang love ko no baka magalit sakin yon di na nga kami pumasok ni Althea ngayon eh" pagpuputol ni Frances
"Luh? Ikaw nagpumilit sakin pumunta dito no, Ako na bibili nag aaway pa kayo dyan, mag bayad lang kayo sakin aba" sabi naman ni Thea
"Nandyan sa Bag ko girl sa may side table ni Kiara, sakto lang kunin mo ha"
Narinig ko ang yabag ng takong ni Thea palapit saakin at ang paghalungkat nya ng bag ni Frances. Gusto kong tumayo sa pagkakahiga at kausapin sila pero wala akong lakas para gawin yon.
"Frances wala dito wallet mo nasaan ba? Nako ha ayan ka nanaman sa pakuha ng wallet hanggang sa ako ang magbabayad sa huli" sabi ni Thea
"Ang kapal mo Thea girl ha, ako na hahanap nakakahiya naman sa mata mong nasa bibig"
"Ikaw JC? Walang libre libre ngayon" Narinig kong sabi ni Thea habang papalayo saakin
Narinig ko naman si Frances na papalapit saakin At sa wakas ay nagawa ko din imulat ang mata ko. Sa unang pagkakataon naimulat ko din ang mata sa panaginip ko. So totoo ngang nasa ospital ako? Tinititigan ko lang sya habang hinuhukay ang laman ng bag nya.
"Kaloka wala nga dito, baka nasa kotse ko kainis naman lalabas pa ko baka makita ako ni Love ih" sabi ni Frances na mukhang iritable.
Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko magawang hawakan sya at umupo, gulong gulo na ko kaya't hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa nangyayari saakin. Bakit ganito? Anong nangyayari sakin? Bat ako nakahiga dito? Bakit ang daming nakakabit sakin? Ang manhid ng pakiramdam ko sa katawa ko.
"Oh? You're awake na Kiara girl? haha alis lang ako ha kunin ko wallet ko" sabi ni Frances hanggang sa tumalikod sya saakin at dahan dahang pumunta sa pinto
"Pinagsasasabi mo dyan Frances? Ikaw na bumili lalabas ka din naman pala" naita kong sabi no Thea habang naglalagay ng lipstick sa labi nya
"Kausapin mo pa Frances baka sumagot na si Kiara sayo" sabi ni Caleb habang nakatuon pa rin ang atensyon nya sa cellphone.
"What? Her eyes is open na kaya edi gising na, ayan mulat na mulat yung mata nya oh ang shushu---" dahan dahan syang lumingon ulit saakin habang nakaturo ang kamay nya "Oh my god, totoo nga kasi aaahhhkkk" sigaw ni Frances habang papalapit sakin.
Narinig ko sila Caleb at Thea na patakbong lumapit sila sa akin at bakas sa mukha nila ang pagkagulat, Parang minuto pa nila kong tinitigan bago sila matauhan.
BINABASA MO ANG
Our Dream within a Dream
RomanceKiara Allison Abella is the second child and only daughter and heiress of Abella Motors Inc. who fell in love with Hans Jethro Villareal the son of her family's mortal enemy and the responsible for her brother's death. Anong magyayari kung tutol an...