Sabi nila kung mahal mo daw ang isang tao lahat ibibigay mo. Bakit ako binigay ko naman lahat, bakit niloko parin ako?
Oo ako ang nang-iwan, ako yung umayaw na, napagod lang naman ako, nasaktan lang naman ako, pero ang tingin ng karamihan kasalanan ko kung bakit kami naghiwalay... Hinayaan ko nalang na isipin nilang ganun dahil wala akong mapapala kung papatol pa ako.
Pero sa nangyaring yun 'tila wala na akong tiwala sa mga lalaking nagpapakita ng motibo na may gusto sila sa akin.
Hanggang sa nakilala ko siya.
Unang kita ko palang alam kong nahulog na agad loob ko sa kanya pero alam kong katrabaho/colleague lang ang tingin niya sa akin.Nakakatawa. Mukhang mauulit lang pala ang nakaraan. Ako unang nahulog... at hanggang doon nalang yun.
Sasaluhin niya kaya ako?
;)